Nakaupo siya sa isang swing nang nadatnan ko. Their garden is not as big as ours but it is a nice place. May dalawang lights na nanggagaling sa magkabilang poste. Hindi ganoon kaliwanag. This is giving me our garden vibes. The dim lights and.. the moment.
Nilingon niya ako.
"Thought you're not coming," seryoso niyang sinabi. Naupo ako sa katabing swing.
"Why are we here?" Mahinang tanong ko. Nakatitig sa gwapo niyang mukha.
"Para mag-usap?" Patanong niyang sagot. Tumawa siya. Sa inis ay inirapan ko.
"About what?" Iritado kong tanong.
"Chill," Natatawa niyang sinabi. "Nag-enjoy ka ba?" Nakangiti niyang tanong. Mahina kong tinulak gamit ang paa ko ang swing para bahagyang gumalaw.
"Oo naman, your sister is nice." Sagot ko. Diretso na sa harap ang tingin ko kahit na alam kong titig na titig siya.
"She is. Actually, nakwento na kita sa kanila. That's why my Mom knows you before you even introduced yourself," sabi niya at ginaya ang ginawa ko sa swing. Napatingin ako sa kanya matapos niyang sabihin iyon.
"What kwento? You told them I've been rude to you?" Kunot-noo kong tanong. Tinawanan niya lang ang sinabi ko.
"You've been rude to me but I know that's your personality," sabi niya. Nakangiti.
"So you told them?" Tanong ko, hindi na maitago ang inis.
"Of course not, sa akin ka lang naman rude,"
"No, sa ibang tao rin." Agap ko. I don't want to add lies anymore.
"Kaya nga, sa ibang tao pero hindi naman sa parents ko." Pagpapaintindi niya.
"Ibang tao pa rin naman ang parents mo sa akin, ah." Insist ko.
"But you weren't rude to them," sagot niya. Sasabat pa sana ako nang mapagtanto kung bakit hindi na ako ganon ka.. how do you call that? Unreasonable? Yes. Hindi na ako ganon ka-unreasonable because of him. I want him to like me, too. Who am I kidding? It's easy to make him fall but it's hard to make his feelings stay. That's it! That's why I'm changing, well at least, my attitude. Because that personality shouldn't be normalize, right?
"What are you thinking?" Disturbo niya sa pag-iisip ko. Tinitigan ko ang perpekto niyang mukha. Inalala ko ang araw kung kailan ko siya nakilala. Sa camping. I wonder, magugustuhan ko kaya siya kung hindi kami naghalikan noong birthday ko? Kasi sa tingin ko, nadevelop ang feelings ko when we kissed. But before that, we kissed already. I initiated the smack. Is it possible to fall for someone you just met? I mean, parang ngayon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. Noon, pinagsisihan ko pa ang sarili ko kung bakit ko siya hinalikan. Kung bakit wala naman sa plano ay hinalikan ko siya. Kung bakit kahit galit ako sa masungit niyang trato noong una ay hinalikan ko pa rin siya. Kung bakit ang first kiss ko ay naibigay ko sa isang estranghero. Ngayon, alam ko na. Hindi iyon para inisin siya kagaya ng madalas na rason ko kay Andrea. Dahil iyon attracted ako sa kanya the first time I laid my eyes on him. Cheesy but that was it. I was attracted despite his not so kaaya-aya attitude. Well, we were a tie. I gave a bad impression, he gave me some, too. It doesn't matter, I'm still attracted to him anyway.
"What? You're scaring me," niyugyog niya ng bahagya ang balikat ko.
"Takot ka pala sa titigan eh," balewala kong sinabi sa kanya.
"Hindi ah. Natatakot ako sa mga iniisip mo." Pag-amin niya. Kung nababasa niya lang ang mga naiisip ko baka nga kiligin pa siya. Ay, ako pala ang may gusto. Hindi siya. Assuming.
"Bakit?" Tanong ko.
"What if you find me.. unattractive?" Nag-aalinlangan niyang tanong. Natatawa akong umirap. He thinks the exact opposite.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
Ficción GeneralMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...