"Twin, calm down. May mga formal attire ka naman sa closet mo na hindi mo pa nasusuot. Casual nga lang, okay na eh." Sabi ni Andrea sa kakambal na hindi mapakali sa kung ano ang susuotin para bukas sa birthday ng kapatid ni Bryce. Tahimik akong nakaupo sa sofa sa kwarto ni Anthony. Nasa kama naman silang dalawa ni Andrea na namimili ng susuotin, nakalatag ang limang pares ng formal attire na pang lalake.
"Andrea, you know why I'm acting this way, right?" Sagot ni Anthony. Naguguluhan ko naman silang pinagmamasdan. Kanina pa kami nakarating galing SIU, kanina pa rin silang dalawa nagtatalo sa kung ano ang bagay na susuotin ni Anthony. I don't get why they're making this a big deal. Brat din ba yung Brea?
"Oh come on, Brea's a good girl. She would like you with whatever you wear. Stop panicking," kalmanteng sagot ni Andrea. Ibinibigay sa kanya ang isang pares ng black formal attire.
"What if she finds me too arrogant, again? I don't like the way she stares at me. Para bang ang yabang yabang ko," nakasimangot na sagot ni Anthony. Oh, so he likes the girl.. or the girl likes him?
"If you wear a very formal attire, tama na talaga siya. Ang yabang mo." Inirapan siya ng kanyang kakambal.
"What do you want me to wear?" Bahagyang tumaas ang tono ng boses ni Anthony. Nakikinig lang ako sa kanila at pinagmamasdan ang lalakeng gulong-gulo.
"Anything casual nga diba? Narinig mo naman si Bryce." Simpleng sinabi ni Andrea. Sandaling natahimik si Anthony at pinagbigyan ang kakambal sa kung ano ang ibibigay.
"Oh eto, tama lang to. Not too flashy, yan na suotin mo. Bakit ba kasi ang arte mo?" May ibinigay si Andrea sa kakambal.
"Why? Do you like Bryce's little sister ba, Ton?" Tanong ko nang hindi na napigilan. Napatingin si Andrea sa akin at siya na ang sumagot.
"The first time we went there, I think Brea finds my twin attractive. Ang kaso, my oh-so-handsome twin was a snob. Hindi niya nga pinansin si Brea nung nagpakilala---"
"Oh shut up! I don't think she likes me. She's like that to all of her friends." Putol ni Anthony kay Andrea.
"Kasi nga friendly yung tao diba?" Pagpapatuloy ni Andrea. "Kaya ayon, Quishanette, nung pang apat na balik na ata namin dun sa kanila, hindi na siya pinapansin ni Brea. She told me hindi naman daw namamansin ang mayabang kong kakambal so she'll give him the same treatment,"
"So she likes Anthony?" Kuryoso kong tanong.
"She liked Anthony. Ngayon, Anthony likes her na, bumaliktad. Girls power." Natatawang tukso ni Andrea sa kakambal. Inis na sininghalan naman siya ni Anthony.
"Atleast there was a time when my crush liked me. Eh ikaw, hanggang kailan ka mangangarap nang gising sa crush mong walang pake sayo?" Tukso pabalik ni Anthony.
"Atleast we're close," irap ni Andrea.
"Close nga kayo, hindi naman ikaw ang gusto. Aanhin pa ang malapit kung nasa malayo naman ang pagtingin niya." Anthony chuckles dahilan ng pagsuntok ni Andrea sa dibdib niya.
"Hiwalay na sila nung Lea!" Sigaw ni Andrea, tinawanan lang siya ni Anthony.
"Abangers ka naman," sagot ni Anthony.
"Excuse me, they broke up even before na nakilala ko siya and also they broke up not because of me.." nabitin sa ere ang mga salita ni Andrea, umayos siya ng upo at binalik ang tingin sa akin. Awkward na nakangiti. Alam ko na naman na naghiwalay yung Lea at si Bryce dahil sa akin. Dahil lang sa akin. What an excuse. Tsaka, I don't think Andea's right. I heard nagkabalikan daw sila. And I saw them together yesterday.
"You like Bryce?" Kahit alam ko naman ang sagot, tinanong ko pa rin iyon kay Andrea.
"Who wouldn't like a Bryce Lim, Quishanette? Of course I do." Nakangiting sagot ni Andrea. Tumango lang ako. We both like the same guy, the only difference is that I like him not in a deeper way, yet, unlike Andrea's feelings for him. Mine is still shallow. Well, that's because of our first impressions.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...