Tangina, magbabayad sila! Buhay ang kinuha, buhay rin ang sisingilin.
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang lahat ng ito noon?" Malamig kong tanong. Nandito si Anthony sa condo, tinawagan siya ni Bryce para personal na ipaliwanag ang lahat ng nangyari na hindi ko alam. Papunta na raw si Andrea..
"Quish, mas mabuting wala kang alam para mailayo ka sa kapahamakan." Sagot ni Anthony. Mariin ang naging titig ko sa kanya.
"Ton, Papa ko rin yung nawala. Tito at Tita ko rin yun, I have all the right to know the truth!" Sigaw ko. Hinaplos ni Bryce ang braso ko para pakalmahin ako.
"Quish, that was the only way we knew to protect you.." pagsuko ni Anthony. Frustrated kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri at inihilamos ang mga palad sa mukha. Tangina.. ito na ata ang pinakamasakit. Ang malamang kinuha ng mga taong sakim ang buhay na mahalaga sa amin.
No room for regrets now. No room for pointing fingers now. Ang gusto ko, magbayad ang taong gumawa nito. Those demons.. monsters..
How come innocent people got to pay someone's sin? Kasalanan ng Burgos na iyon! Tangina, mangangaliwa pa kahit may asawa na. Lim was doing their job. Yap helped them. I don't see any reason to make them deserve what happened..
Napakasakim..
Tahimik akong nag-iisip ng kung paano ko papatayin ang Burgos na iyon!
Tumunog ang phone ni Anthony. Saglit niya itong sinagot.
"Ano?!" Sa lakas ng sigaw ng pinsan ko ay napalingon ako sa kanya. Pati si Bryce ay nakatingin sa kanya. Tumayo si Anthony at nababalisang binaba ang phone.
"Si Andrea.. tangina.. nabaril," nagmamadali niyang sinabi.
Ibang kaba ang umusbong sa akin nang marinig iyon. Kinakabahan ako..
"Sasabay ba kayo sa akin o mauuna na ako?" Nagmamadaling tanong ni Anthony. Tumayo ako at nagpresintang sasabay sa kanya.
"Please.. be safe. I'll call Neo," sabi ni Bryce bago kami lumabas ng unit at nanatili siya doon, tinatawagan ang isang agent nila.
Mabilis ang naging pagmaneho ni Anthony, tutok na tutok ang mga mata sa daan. Mabilis kaming nakarating sa hospital kung saan dinala si Andrea.
Nanginginig ako sa kaba. Please, be safe Andrea. Patuloy na dasal ko. Ang sabi'y nasa operating room na ito, kasalukuyang ginagamot. Nanatili kami sa bench sa labas ng OR. Hindi ako mapakali, maya't maya ang pagtingin ko sa pintuan ng OR. Si Anthony naman ay tahimik na nag-iisip.
"Ton.. pakiusap, sabihin mo sa akin ang nangyayari," umiiyak kong sinabi sa kanya. Nilingon niya ako at nakita kong namumula ang kanyang mga mata.
"Quish, madumi kalaban ang Burgos. Pagkatapos nilang patayin sina Papa ay hindi sila tumigil doon. Yung Daddy ni Paulo, hindi tayo ang unang biktima nila. Tumahimik lang yung iba dahil wala silang laban. Ayokong tumahimik, Quish. Buhay nina Papa yun.. buhay nina Tito.. gusto kong magkaroon ng hustisya.." tumulo ang luha niya sa naging paliwanag sa akin. Mas lalo akong humagulhol.
"Pero.. bakit?" Tanging naitanong ko. Ang bigat sa pakiramdam ng mga nalaman ko lalo na't napahamak si Andrea. Nabaril siya, tangina. Kapag may mangyaring masama sa kanya ay hindi ko kailanman mapapatawad ang sarili ko. Ako dapat yung nabaril. Ako dapat yung inooperahan ngayon. Ako dapat yung nasa loob ng OR. Ako dapat yun..
"Sakim si Burgos," simple ngunit may diing sinabi ni Anthony. Tahimik akong tumango at nag-isip. Pinagdugtong-dugtong ko ang mga pangyayari sa sinabi nina Bryce sa akin. Hindi aksidente ang nangyari kina Papa, sakim si Burgos, pinrotektahan ako ni Andrea..
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...