Nagising ako kinabukasan sa isang hindi pamilyar na kwarto. Iginala ko ang paningin ko at naalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan kong hinawi ang maputing kumot sa aking katawan at tumayo. I don't know how I did it pero nagawa kong maglinis ng katawan kagabi after our love making. Despite the fact na masakit pa rin ang katawan ko, specifically ang pagkababae ko. Pumasok muna ako sa banyo at tiningnan kung may hindi pa nagagamit na toothbrush doon. Nakita kong kompleto ang gamit doon pati na rin ang pang babaeng mga gamit. May shampoo, toothbrush at sabon. Nagdadala ba si Bryce ng babae dito? Mabilis akong naghilamos at nagsipilyo bago lumabas ng kwarto. May kalakihan ang unit na ito, iginala ko ang paningin sa sala at nakitang kompleto maging ang mga appliances at furniture dito. May isang painting na nakasabit. That's my face! Nilapitan ko ang painting at nakumpirmang ako nga iyon.
Sa paglilibot ko ay nakita kong may dalawa ring guest rooms. Maaliwalas ang condo. Maganda. Nang naaninag ko na ang kitchen ay mabilis akong pumunta doon. Nakahilig ako sa dingding habang pinagmamasdan ang boyfriend ko na may nilulutong kung ano. Nakasuot siya ng black v-neck t-shirt at nakataslan shorts. Best view.
Dahan-dahan ang naging paghakbang ko papunta sa kanya at niyakap siya galing sa likod. Natigilan siya at hinawakan ang kamay kong nasa tiyan niya banda.
"Good morning. Did you have a good sleep?" Tanong niya at hinarap ako. Ngumuso ako.
"Morning." Tumingkayad ako at hinalikan siya. Napaangat ang gilid ng labi niya sa ginawa ko. "Bat hindi mo ako ginising?" Nakanguso kong tanong. May ngiti sa labi niya akong tinititigan.
"I assumed you were sleeping so well." Nakangiti niyang sagot. "besides, you were snoring." Ngisi niya. It's early in the morning and God is blessing me so much with a beautiful view. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hinampas ang kanyang braso.
"How dare you? I don't snore!" Iritado kong sagot. Tinawanan lang niya ako.
"Yes you do." Nakangisi niyang sinabi.
"I don't! Even when I'm tired, I don't snore." Sigurado kong sinabi.
"Why were you tired?" Nakangisi niyang tanong. Pinukol ko siya ng tingin.
"Because you took my virginity last night?" Nakataas ang isang kilay kong pabirong tanong. Natawa siya at umiling.
"Straightforward, huh." Ngisi niya.
"What? At saka, are you obsessed with me? Bakit may painting ng mukha ko doon sa sala?" Nakataas ang isang kilay kong tanong. Tumawa lang siya.
"Because this is our condo." Simple niyang sagot at tinalikuran ako upang maasikaso ang niluluto niya. He's cooking bacon and egg. Inilipat niya ito sa puting pinggan.
"At may mga pambabaeng gamit ka sa CR? Nagdadala ka ba ng babae dito?" Nanliliit ang mga mata kong tanong sa kanya.
"Ofcourse not. Para sayo yun lahat." Sagot niya, inihain na ang fried rice at ulam sa lamesa. Iginiya niya ako sa isang upuan. "Let's eat." Umupo ako sa upuang iginiya niya at umikot siya para umupo sa upuang nasa harap ko. Nagsimula kaming kumain. Suot ko ngayon ang isa niyang grey v-neck tshirt. Hindi na ako nagsuot ng bra dahil hindi ako komportable. Mabuti nalang talaga at malaki ang kanyang katawan kaya ang t-shirt niya ay nagmumukhang dress para sa akin. It is more or less 6 inches above the knee, atleast enough to cover my underwear. Hindi na ako nagsuot ng short niya.
"What are you going to do today?" Tanong niya habang kumakain kami.
"I don't know.. pupunta pa ba sa SIU? I think sembreak na rin naman and natapos ko na lahat ng requirements. I have no plans. How about you?" Sabi ko. Ngumunguya pa ng kanin. Napangiti siya sa sinabi ko.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
Genel KurguMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...