Umayos ako sa pagkakaupo at pinagmamasdan lang siya. Inayos niya ang buttones ng polo niya. "Okay.. pero ang sabi mo, I can help but it shouldn't be this early? Mamayang gabi, kung ganoon?" Mahina kong tanong. Mahina siyang tumawa pero yumuyugyog ang mga balikat niya, nakapikit pa rin.
"I'm sure it's too early to get your virginity, that's what I mean." Sagot niya. Nakapikit at nakangiti.
"Uh.. there's no other way?" Nahihiya kong tanong nang ngayon pa lang nagsink-in kung ano talaga ang ibig niyang sabihin.
"There is. Stop talking," natatawa niyang sinabi.
Hindi na ako nagsalita nang sinabi niya iyon. Nanatili kami sa loob ng sasakyan ng 15 minutes pa. Sa loob ng 15 minutes ay pinagmamasdan ko lang siyang nakapikit at pinapakiramdaman ang sarili. Pagkatapos ay umayos siya sa pag-upo, tiningnan ako at nginitian.
"You're so beautiful," nakangiti niyang puri. Hindi ako makangiti, iniisip ko pa rin ang nararamdaman niya. Masakit ba yun?
"Are you okay now?" Nag-aalala kong tanong.
"Yes," napapaos niyang sagot.
"Does it hurt?" Nagtataka kong tanong.
"Hindi naman masyado." Natatawa niyang sagot.
"Do you always.. make pigil?" Nag-iingat kong tanong.
"Sayo, oo." Sagot niya.
"You make pigil to others?" Nahihiya kong tanong. Umiling siya.
"Why don't you do it with me then?" Nakasimangot kong tanong. Nanlalaki ang mga mata niyang tiningnan ako.
"You can't just ask that when you're horny, Quishanette!" Galit niyang sinabi. "Don't just ask for sex if you're horny and curious!"
"I'm not! I just want to help. If you can do it with others, why can't you do it with me? You told me you like me," nakanguso kong sinabi.
"Jesus.." namomroblema niyang sagot, hinihilot ang sentido. "Please, do not ask that to anyone when you're only horny---"
"I'm not horny and I'm not going to ask it to anyone. Kaya nga tinatanong kita dahil kilala kita," putol ko sa sasabihin niya pa sana. Pinapaintindi ko lang naman siya sa kung anong iniisip ko ah.
"What the fuck?" Napaawang ang bibig niya sa rason ko. Ngayon, galit na galit. "Are you kidding me?" Hindi makapaniwala niyang sinabi. "You are asking me that just because you know me? So kaya mo ring tanungin si Paulo? Ganon? Is that what you mean?" Galit niyang tanong.
"No.. I'm asking you nga, diba? If you don't want to, then don't! Nakikipagsex ka nga sa iba tapos hindi mo magawa sa akin," nagmamaktol kong sinabi. Naiinis ako. Alam ko namang may karanasan na siya pero nakakainis pa rin isipin. I'm being childish, I know pero hindi ko maiiwasan. Ganoon ba siya sa mga naging ex niya? Sabagay, hindi naman pala kami kaya hindi siya makikipagsex sa akin. Kahit na hindi pa naman ako handa ay nagtatanong lang naman. Hindi ko rin naman gagawin ngayon ngayon din sa kanya iyon. Nagtatanong lang nga sabi.
"Jesus, Quishanette!" Pagalit niyang sinabi.
"Okay, I'm sorry!" Galit kong sagot. "Ugh! I don't care!" Mabilis kong binuksan ang pintuan at padabog na sinarado. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang late na ako sa 1st subject, actually, malapit nang matapos ang 1st subject. Ganoon kami katagal sa loob ng sasakyan niya. Mabuti nalang talaga at tinted ang car niya.
Narinig ko ang padabog na pagsarado ng pintuan sa side niya kaya mabilis akong naglakad. I still feel a remnant of what happened earlier. Yung kiliti.
"Quishanette!" Sigaw niya at mabilis akong naabutan.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...