Mabilis kong pinatay ang tawag. Pambihira!
"Ano ba naman yan! Hindi ako buntis! Tsaka, wag mong papuntahin dito, Ton." Naiinis kong sabi.
"Quish, what if you're pregnant?" Ingat na ingat na tanong ni Andrea. No, I'm sure I'm not but what if? I remembered all the things I did. Uminom ako nang napakarami the past days. But ofcourse I'm sure I'm not pregnant no. I got my period the past months, duh. Tsaka, I would feel it if ever I am preggy.
"Edi ipapanganak ko ang bata," nakapikit kong sagot.
"Without a father?" Tanong ni Andrea. Dumilat ako.
"I promise you guys I'm not pregnant, ewan ko. May nakain siguro akong masama kagabi." Sagot ko, binalewala ang tanong niya.
"Pupunta si Bryce dito," sabi ni Anthony. Nilingon ko siya.
"Hindi ba yun busy?" Tanong ko. Nakakahiya namang pupunta iyon dito dahil lang sa akalang buntis ako. Duh.
"Busy but I don't know. He just texted he'll be here." Kibit-balikat na sagot ni Anthony. Tumango lang ako. Edi pumunta siya. Wala siyang mapapala sa akin dahil hindi ko naman siya papansinin. Tumayo ako at kumuha ng gamot.
"No, don't drink that!" Sigaw ni Andrea nang makitang hawak ko ang baso na may laman ng tubig at ang gamot.
"Andrea, I'm just sick, okay? I would know if I'm pregnant." Irap ko sa kanya.
"Quish, let's go to the Doctor first." Giit ni Andrea.
"I'm so tired. Gusto ko nalang matulog ulit pagkatapos komg uminom ng gamot." Sagot ko sa kanya at mabilis na ininom ang gamot. Narinig ko ang pagsinghap ni Andrea. "I swear, I'm not pregnant." Natatawa kong sinabi nang balingan ko si Andrea.
Sinabi ko kay Andrea na pumasok siya sa trabaho. Nagpumilit siyang manatili pero nanalo pa rin ako. Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto at doon nagkulong. Mainit pa rin ako at nahihilo. Gusto ko nalang matulog.
Naalimpungatan ako sa isang malamig na bagay sa noo ko. Kahit nahihilo ay dinilat ko ang mga mata at nagulat ako nang makitang tumambad si Bryce sa harapan ko. Seryoso niyang nilapat ang basang tela sa noo ko. Nang mapansing gising ako ay malumanay niya akong tiningnan at inayos ang kumot ko.
"Are you hungry?" Maliit ang ngiti niya nang itanong iyon. Napansin kong naka-suit siya.
"Ba't ka nandito? Wala ka bang trabaho?" Tanong ko at pilit na umupo sa headboard ng kama. Inalalayan niya ako.
"I cancelled my appointment today. I heard you're sick," seryoso niyang sagot.
"If you think I'm pregnant, you're wrong." Nag-iwas ako ng tingin. "Also, don't act like I haven't been sick before. Normal na lagnat lang to." Dugtong ko. Narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Okay. Would you like to eat?" Sa halip ay sagot niya, binalewala ang mga sinabi ko. Tinitigan ko siya at umiling.
"I'm okay now, you can go. Thanks for stopping by." Mahina kong sinabi. I saw him bite his lower lip and looked away.
"You should eat," mahina niyang sinabi at saka tinitigan ako. Sinabi ko na ito noon at sasabihin ko pa rin ito ngayon, ang gwapo niya. Nang hindi ako sumagot ay tumayo siya at may kinuha sa bedside table ko. May tray doon at mga pagkain. Pinagmamasdan ko lang ang mga galaw niya. Ganitong-ganito siya noon. Some things never really changed, huh. Mapait akong ngumiti.
"Kakain ako," sabi ko at dahan-dahang gumalaw para tumayo.
"Don't move," utos niya na hindi ko sinunod. Hinawi ko ang kumot at tuluyang tumayo. Nilapitan ko siya at kinuha ang tray na may lamang pagkain pagkatapos ay nilagay ito sa kama.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...