The week passes by like a wind. I haven't seen Bryce, hindi na rin siya pumupunta sa condo, it's not like he really need to pero sa kanya naman to diba? He still can come whenever he wants. Oo nga pala, he's not my business anymore. Siguro pumupunta yun sa bahay, obviously because my cousin is there. Before my day be ruined by my own thoughts, mas minabuti kong tawagan si Merna.
"Hello ma'am! Pupunta kayo dito sa cafe o didiretso na tayo sa meeting?" Maligaya ang naging bungad niya. Taliwas sa mga naiisip ko the past weeks, the past months actually. Siguro, blessing na rin itong offer na ito para makapagmove on na ako. To slowly let go of our memories. Ako lang naman ang nananatili while Bryce has moved on a long time ago.
"Can you come here to my condo? Hindi na ako pupunta sa cafe," sagot ko.
"Okay ma'am! Good morning!" Pagsang-ayon niya bago ko binaba ang tawag. I need to relax. Nobody's gonna know that story is about me and my ex. Okay lang naman but I don't want Bryce and Andrea to think I've known their secret affair already. I want them to spill everything to me willingly!
Suot ang isang fitted floral dress, sabay kami ni Merna na pumunta sa isang local TV station. Pinapasok kami sa isang bakanteng room ng staff. Bumungad sa amin ang isang team. Mga pamilyar na mukha. Nakikita ko sila sa TV noon.
Tumayo sila nang nakita kami. Nakangiting lumapit ang isang babaeng nasa early 50's na sa akin. Naglahad agad siya ng kamay.
"Quishanette! Hello, dear." Maligaya niyang bati. "I'm Direk Trina, I'll be directing your story. This is our team." Pinakilala niya ako sa mga taong naroon. Yumuko ako nang bahagya nang nagpakilala sila sa akin. "My team and I already talked about the revisions and all para mas maging applicable ito sa isang TV series. I know you already knew na may mga events sa book na hindi pwedeng ipalabas. But anyway, we're here to discuss everything. Before that, give me the contract Isa," paliwanag niya at tinawag ang kanyang secretary. Iginiya niya akong maupo sa bakanteng upuan kaharap nila. Katabi ko si Merna. May dalawang media ding may hawak na camera.
Ibinigay ni Direk Trina sa akin ang isang kontrata. Napag-usapan na namin ito via phone kaya ang gagawin ko lang ngayon ay pumirma at pag-usapan ang babaguhin sa istorya. Once I get paid, wala na rin naman akong say sa kung paano patakbuhin ang story so might as well discuss it to them the nearest possible outcome of my story. We'll be brainstorming.
Napag-usapan namin ang mga babaguhin at yung mga scenes na papanatilihin. Actually, kaonti lang ang babaguhin talaga.
"You know, I love your stories." Komento ni Direk nang napagkasunduan na namin ang gusto nilang mangyari. Nakangiti akong tumingin sa kanya.
"Thank you po, Direk." Nakangiti kong sagot. I've been praised by my professors back then kaya alam ko ang kakayahan ko and I know she's being honest.
"One of your professors told me about your works when you were still studying. I have read some and I'm just so sure, it's your writing skills that attracts the readers. Good thing, Paulo recommended your works to me. He also told me na may library cafe ka na daw kaya I grabbed the opportunity to work with you," mahaba niyang sinabi. She's a known Director directing specifically love stories and hopeless romantic love stories.
"I've been writing po since I was little. I've started writing cringe stories but I have learned naman po, and siguro this is the fruit of my hard work. I love writing," mapagkumbaba kong sinabi. Nakangiti siyang tumango.
"You're great." Papuri niya. Tinawag na siya ng secretary niya kaya sabay kaming tumayo para makapagpaalam sa isa't isa. Nagkamayan muna kami bago naghiwalay.
Just continue doing what you want even without a recognition. Someday, makukuha mo rin yan. Napangiti ako sa mga pinag-usapan namin ni Direk. She's good. I can't wait for the next meeting para makilala ko na ang mga gaganap. Ngayon, they have people in minds na daw but they don't want to spoil me. That's why I'm just so excited.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...