Vacation na and wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto, trying to think of a good plot para sa new story ko. After my completion day, hindi na ako lumalabas ng kwarto. I don't even use my phone. Nagpapahatid lang ako ng pagkain. Hindi ako lumalabas. My family don't care too much though, I just told them I'm busy minding my own. Nagkikita lang din naman kami tuwing dinner so might as well go out when it's dinner time only.
Kakatapos ko lang maligo and wearing my shortest short paired with my red spaghetti strap, I tied my hair using a pencil, lumabas ako ng kwarto. I'm not even sure what day is today. I don't usually check my phone and it helps that I am mad at Bryce so walang reason para magfacebook. Okay I admit, I'm attracted. I don't have to go to the living room to check if Paulo and Bryce are there. I heard they've been here hanging out with the twins, probably talking about their course and our business. I don't care.
Dumiretso ako sa kwarto nina Lolo. Kumatok muna ako bago pumasok. "Lola," bati ko kay Lola na titig na titig sa natutulog na si Lolo.
"Apo," she sounds sad or lonely. Tumabi ako sa kanya.
"La, okay ka lang?" Nag-aala kong tanong, hinawakan ang kamay niya. Napaiyak siya sa tanong ko. Niyakap ko kaagad si Lola. If there's someone I cared the most, it's my Lola. She's been my other half and I never seen her this way before. She's always jolly.
"Lolo mo, nilalagnat," naiiyak niyang sambit. Kumalas ako sa yakap at dahan-dahang nilapat ang kamay ko sa noo ni Lolo. Inaapoy siya ng lagnat.
"La, ipacheck na po natin." Mahina kong suhestiyon. Tumango si Lola.
"Tinawag na ng Papa mo ang doctor." Mahina niyang sagot.
"La, wag kang masyadong mag-alala. Hindi yan mabuti sa pakiramdam mo." Nag-aalala kong sinabi dahil parang nanghihina siya tuwing nanghihina si Lolo. Binigyan niya ako ng isang ngiti.
"Apo, ganito ang nararamdaman ko kapag nalamang isa sa inyo ay nagkakasakit. Natural lang ito," tinanguan ko nalang si Lola, iniintindi.
This is something I should never question, she's been through alot and I think she's right. Normal lang na ganito siya kung mag-alala. After all, we are family.
Hinintay kong dumating ang Doctor kasama sina Papa at Tito. Chineck ng Doctor si Lolo at sinabi kina Papa na pagpahingahin muna si Lolo. Sabay-sabay kaming lumabas para maiwan si Lola sa loob. Hindi na ako nakinig sa sinabi ng Doctor kina Papa, di ko rin naman maiintindihan ang ibang terms na nabanggit.
Paakyat na ako sa hagdanan patungong kwarto nang..
"Iniiwasan mo ba ako?" Bahagya akong natigilan sa unang baitang ng hagdan nang marinig ang boses ni Bryce. Hinarap ko kaagad siya. Isang beses niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa bago itinoon ang paningin sa aking mukha.
"Hindi," walang gana kong sagot. Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Bakit nagkukulong ka na naman sa kwarto mo?" Tanong niya. He always looked so damn handsome and neat.
"Even before I met you, hindi na ako masyadong lumalabas ng kwarto. Don't think you're too special," masungit kong sinabi. Bahagya siyang napailing at umangat ang gilid ng labi.
"I didn't think I am, though." Nangingiti niyang sinabi. Nakapamaywang ako sa harap niya. "Halika, doon tayo sa living room niyo." Anyaya niya. Umiling kaagad ako.
"Ano naman ang gagawin ko doon?" Nakataas ang isang kilay kong tanong. "At saka, wala ba kayong bahay? Bakit dito na kayo namamalagi? Parang araw-araw, ah." Komento ko na tinawanan niya.
"Last week, nandoon kami sa bahay namin. Di mo yan alam kasi wala ka namang pake," natatawa niya pa ring sagot. "Nag-aaral sina Andrea at Anthony for the entrance exam sa school. Ikaw, may balak ka bang mag-aral?" Hindi ko alam bakit ako na-insulto sa sinabi niya, dagdagan pa na natatawa siya.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
Aktuelle LiteraturMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...