"What the fuck?!" Gulat akong napabalikwas nang makita ang isang article sa google.
Quishannette Yap, Yap heiress is marrying the Hollywood actor, Findlay Holland! Click here to see more..
Media. Ni-click ko iyon at lahat ng picture namin ni Findlay na magkasama ay nandoon. Tanginang mga paparazzi to. Agad kong tinawagan si Findlay.
"Gago!" Bungad ko nang sagutin niya ang tawag. Narinig ko ang tawa niya.
"What?" Natatawa niyang tanong.
"Ano tong article na ikakasal tayo?!" Tanong ko.
"You just saw it? That's published days ago." Sagot niya.
"Oo na, outdated na nga ako diba pero hindi yan ang tinatanong ko. Alam kong may connection ka, idelete niyo yan." Naiinis kong sabi. So this is what Bryce is talking about?
"Just don't mind it." Sagot niya na natatawa pa rin.
"Tangina Findlay, pag ako hindi nagka-boyfriend, isusumpa kita." Natatawa kong sabi. "Ipabura mo yan," dugtong ko na sinang-ayunan niya naman. Binaba ko ang tawag. Sinearch ko ang phone number ni Bryce. Itetext ko siya. Ano naman ang sasabihin ko? Na hindi iyon totoo? Pake ba niya? May girlfriend na yun.
I typed, "thanks sa flowers kanina" pero binura ko ulit. Tangina hindi naman para sa akin ang flower. Nagtype ulit ako ng, "ano yung sabi mo?" Binura ko ulit. Bobo ko talaga. "Bryce sorry" tangina binura ko ulit. Sorry sorry ka diyan, sinadya mo naman. Tsaka, matagal na yun. Baka nga nakalimutan na niya.
Sa dami nang gusto kong sabihin na binubura ko lang din naman ay isa lang ang naisend ko.Me: fake news
Napapikit pa ako. Bat ko ba siya tinitext? Sana nagpalit ka na ng nunber Bryce. Sana hindi mo mabasa. Mas gugustuhin kong nagpalit nalang siya ng number kesa nabasa niya pero hindi niya ako nireplyan.
Tinapon ko ang cp sa kama at dali-daling pumasok sa banyo para maligo. Kinakabahan talaga ako. Kahit nag-iba na ang lalake ay ganoon pa rin ang epekto niya sa akin.
Nang natapos akong mag-ayos ay kinuha ko ang cellphone at nakitang may reply galing kay Bryce. Mabilis ko itong binuksan.
Bryce
what?
Wow. Walang gana naman ang reply. Well, atleast may reply. Hindi ko na pinahiya ang sarili at inignora nalang siya. Atleast hindi ako ang last convo, duh.
Tinext ko si Kessi at Nasha na mag-club muna kami. Nagkausap na rin kami ni Paulo last week and he promised he'll handle things. Parang wala talagang nakakaalam anong nangyari sa akin kung bakit nakulong si Burgos. Pati ang mga pinsan ko ay walang alam. Kami lang ni Findlay ang nakakaalam. Pinagpasalamat ko iyon dahil ayokong mag-alala ang mga pinsan ko. Nagreply kaagad ang mga kaibigan ko and we decided to meet later.
I was wearing a short black dress that hugs the shape of my body perfectly na may blazer. Nilugay ko lang ang medyo humahabang buhok. I wore light make up lang din. Nag heels lang din ako. Ginamit ko ang sariling sasakyan papunta sa isang high-end club sa metro.
Pagpasok ko pa lang ay naaninag ko na ang mga taong nagsasayawan sa dance floor. Nakita ko rin ang dalawa kong kaibigan na may mga drinks na sa table. Kinawayan ko sila at lumapit.
"Gorgeous," komento ni Nasha. Naupo ako sa malaking sofa. Inilibot ko ang paningin ko sa dance floor.
"Are we here for boys or for drinks?" Tanong ni Kessi, natatawa. Umiling ako.
"Both?" Natatawang iling ko. Nagsimula na rin kaming uminom. Tangina, nakakamiss ang lasa ng alak.
"How's life, Quish?" Tanong ni Nasha. Umiinom.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...