The devastating day got into the news. My Lolo was a businessman kaya halos lahat nabalitaan ang pagpanaw niya. Hindi ako umiyak noong burial. Hindi ako kailanman umiyak sa harapan ng mga tao pero sa kwarto, saksi ang mga unan at kumot sa unang pagkawasak ko. Masakit. Pero magpapakatatag ako para kay Lola. Para sa pamilya. Kung mahina sila ngayon, magpapalakas ako.
Sa huling hantungan ay nandoon halos lahat ng mga sikat at successful na businessmen, lalo na ang mga Lim. Nakita ko si Bryce at Brea na nilapitan ang magkambal. Hindi ako halos nagpapakita sa media. Nauupo lang ako sa gilid, nag-iisip. Bakit kailangang kunin ang mga tao sa mundo?
Naramdaman ko ang paghagod ng isang kamay sa likod ko. Tiningala ko si Bryce. Nakatayo siya sa gilid ko, seryoso akong pinagmamasdan. Kusang tumulo ang mga pinipigilan kong luha. Agad ko itong pinunasan sa takot na ang matapang na ako ay nagiging mahina. Umupo si Bryce sa gilid ko, hinawakan ang kamay ko."Okay lang umiyak, hindi ibig sabihin na umiiyak ka ay mahina ka na. Umiyak ka, Quish," nang-aalo niyang sinabi. Parang naging hudyat iyon at ang pinipigilan kong paghikbi ay kumawala. Mabilis niya akong inalo, niyakap at hinagod ang aking likod.
"Naaalala ko lang.. si Lolo. Mabait siyang tao. Bakit.. bakit kailangang kunin siya?" Naiiyak kong sinabi. "Tinuturuan niya ako ng mga bagay na hindi ko alam.. siya ang Lolo ko.. mahal na mahal ko ang Lolo ko," humagulgol ako. Mahigpit na niyakap ako ni Bryce. Nagpatuloy sa ganoon ng ilang minuto hanggang sa kumalma ako at gumaan ang pakiramdam ko. Tiningnan ko siya.
"Salamat, Bryce." Nakangiti kong sinabi, may luha pa sa mga pisngi. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang mga daliri niya.
"Magmula ngayon, gusto kong umiyak ka sa tuwing nasasaktan ka. Ayokong pinipilit mo ang sarili mo na huwag umiyak. Umiyak ka kung kailangan, Quish." Mahina niyang sinabi. Nag-aalala. Nginitian ko lang siya.
"Salamat talaga, Bryce. For being here, beside me." Mula sa puso kong sinabi.
"Anything for you, Quish." Nakangiti niyang sinabi at hinalikan ang pisngi ko kung saan dumantay ang mga luha ko.
Ang unang buwan sa pagpasok sa SIU bilang isang senior high student ay hindi mahirap pero nahirapan ako dulot ng mga alaala ni Lolo. Malapit ako sa kanya kaya mas naging mahirap sa akin. Gabi-gabi akong umiiyak habang naiisip na wala na siya. Sa hapag tuwing hapunan ay naaawa ako kay Lola na maya't maya ang pagkakatulala sa kalagitnaan ng pagkain. Pinilit namin siya na samahan siya sa kwarto niya pero panay ang tanggi niya dahil nandoon daw si Lolo.
"Quish, may assignment ka?" Tanong ni Kessi, bagong kaibigan ko. HUMSS student din siya dahilan ng pagiging close namin sa isa't isa. Anak din siya ng isang successful businessman na kagaya ko, walang interes sa business. Nandito ako ngayon sa library, nag-aaral para sa susunod na subject.
"Oo, kokopya ka na naman?" Natatawa kong tanong. Pasaway siyang estudyante. Matalino pero tamad gumawa ng schoolworks. Umupo siya sa tabi ko at bumulong.
"Oo sana, pakopya ha?" Binigay ko ang isang pirasong papel na pinaglagyan ko ng assignment ko. "Nakita mo ba yung bruhildang Nasha? Alam mo ba kagabi, ayon pinagalitan na naman ng parents niya. Pano ba naman, ang landi landi, nag-overnight sila ng boyfriend niya sa isang beach resort." Chismis niya. Napatingin ako sa kanya.
"Talaga? Nag-overnight?" Mangha kong tanong. Dito sa SIU ko nakilala ang iba't-ibang klase ng tao. May pasaway, malalandi or mas magandang term ang into boys, maldita, spoiled, nerd na hindi makasabay sa fashion at mga normal na estudyante. I'm proud to say I do belong sa normal na student. I'm not that maldita anymore. I got rid of that bitch side of mine.
"Oo nga, kaya ayon, grounded." Sabi niya.
"Naku naman talaga yung Nasha na yun," iiling-iling kong komento. "Bat kasi ang landi niyong dalawa," natatawa kong sinabi.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...