Chapter 4

28 14 0
                                    

On my 17th birthday, mas intimate iyon dahil ni-request ko.

Since I don't have friends na ka-close ko, mas pinili kong family dinner nalang.

And before my birthday, mas napalapit ako kay Paulo. He's bubbly and cute. Mas magaan ang pakiramdam ko sa kanya kaysa sa friend niyang si Bryce. Mas naging malapit naman sila ni Andrea. Kaya naman, I personally invited them.

Quishanette Yap:

Tomorrow will be my 17th birthday. You can come.

Simple kong chat kay Bryce at Paulo. Unang nagreply si Paulo.

Paulo Burgos:

What? You didn't tell me ahead of time!

Quishanette Yap:

Ahead of time pa rin naman ngayon ah kasi tomorrow pa birthday ko tsaka dinner pa naman. Just an intimate dinner.

Nagbeep ang phone ko and Bryce's name pop up.

Bryce Alleo Lim:

Nasabi nga ni Andrea.

Napairap ako. Inunahan pa ako ng papansin na iyon, parang siya ang may birthday ah.

Paulo Burgos:

Wala akong gift sayo.

Quishanette Yap:

Apaka arte. Pagmamahal mo nalang ang i-gift mo, Pau hahaha

Natatawa ako sa ka-cornyhan ko and I am not even used to it. He's my first friend that I consider as one.

Nagulat ako nang si Bryce ang nagreply. And before I could react, nakita ko na na nawrong sent pala ako. Na-send ko iyon kay Bryce!

What?! Is it even possible na ma-wrong sent sa chats?

Bryce Alleo Lim:

?

Kagat-labi akong nag-type. Nakakahiya. Hindi ako nahihiya kay Paulo to say goofy things pero kay Bryce is a different story.

Quishanette Yap:

Wrong sent.

Simple kong reply to cover my embarrassment.

Paulo Burgos:

Quish? Pwede bang pagmamahal ko nalang ang gift ko sayo? Hahahaha

One thing I like about Paulo is that halos pareho kami ng iniisip. Naunahan niya pa ako sa joke ko sa kanya. Well, mas una sana ako kung nai-send ko sa kanya iyon!!!

Bryce Alleo Lim:

I'll be there.

Hindi ko na siya nireplayan dahil sa kahihiyan. Si Paulo nalang ang ni-replayan ko and we talked all night.

Our intimate dinner went well. Paulo's family business is about agents and bodyguards while kina Bryce naman ay same-same rin sila but more on the client's Securities Dealing and they are into big companies. Kaya naman, they enjoyed the dinner. My Tito and Papa entertained them and I can say na mas maraming alam ang dalawang ito. The way they answered and talked, parang professional na.

Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na si Tito at Papa na may aasikasuhin sa office while sinamahan naman ni Tita Ynah si Lolo at Lola sa kwarto nila. Lately, parang nanghihina na si Lolo. Dala na rin daw ng katandaan.

Nasa living room naman kami, nag-mo-movie marathon. Sa sofa ay katabi ko si Paulo sa left side and Bryce sa right side, katabi niya si Andrea at katabi ni Andrea si Anthony. Malaki ang sofa kaya nagkasya kami. Nasa harapan namin ang flat screen TV. Si Anthony ang namimili ng movie which was an Action Movie. I'm cool with it kaso panay ang reklamo ng kambal niyang papansin.

Embracing the Cold Where stories live. Discover now