Natapos ang meeting namin at isa-isang nagpaalam ang mga taong naroon. Hindi pa rin ako makapaniwalang si Findlay Holland nga ito! He was doing great abroad, I wonder what makes him come here in the Philippines? He's a Filipino, by his mother side.
Nilingon ko si Lea sa gilid ko. Kaonti nalang ang tao sa loob nang pasadahan ko ito ng tingin.
"Let's catch up?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa akin at tumango. Pagkatapos ay nakita ko ang lungkot sa mga ngiti niya.
"I thought.. you're married," mahina niyang sinabi. Nakangiti akong sumagot.
"There are things that won't go the way you want it to. We didn't work," kalma kong sagot. Nakakapanghinayang.. we worked and we can still work it out if Bryce didn't betray me. Or lied to me. Let's say, they're just friends but why did he lie to me when he told me he was busy doing work in the company when the truth was he went to Andrea? How can he explain that? Okay lang sana kung work din ang pinag-usapan nila but hindi eh. My cousin desperately asked him to break up with me and he agreed!
"I'm sorry.. was it because of me?" Mahina ang boses ni Lea. Nakita ko ang panghihinayang at pagsisisi sa mga mata niya.
"Ofcourse not, Lea.." sagot ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Napangiti ako sa ginawa niya.
"I'm sorry, whatever you're going through right now must be so hard.." pang-aalu niya sa akin habang yakap ako. Sasagutin ko na sana siya nang may tumikhim sa likod ko. Mabilis na bumitaw si Lea at umirap sa kung sino ang tumikhim.
"Girls and their drama," boses iyon ni Findlay. Nilingon ko siya. Nakita kong napatitig siya kay Lea bago ibinalik ang tingin sa akin. "I haven't formally introduced myself, I'm Findlay Holland. I hope that rings a bell," naglahad siya ng kamay na mabilis kong tinanggap. Napangisi siya sa inasta ko.
"Actors and their issues," bulong ni Lea na narinig namin. Nag-angat ng tingin si Findlay sa kanya. Bago pa may mangyaring sagutan dahil sa mga first impressions nila sa isa't isa ay mabilis akong nagsalita.
"Uh.. hi, Findlay. Yeah, you're an actor." Sinabi ko. Napatingin siya sa akin at ngumisi. He's hot and handsome, I give him that. "I mean, I know you.." dagdag ko. My first statement sounds bad. He's an actor and it's obvious. Kaya nga siya ang gaganap diba?
"My secretary told me about your stories and I like everything.." pabitin niyang sinabi. Napangiti ako sa kanya. Lumapit siya sa akin, nagulat ako sa ginawa niya. "... especially the most recent one," bulong niya. Bago pa ako makapagreact ay umalis na siya sa harap ko.
"Findlay Holland is known to be a fuck boy," bulong ni Lea. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nananatili ang titig niya sa pintuan kung saan lumabas si Findlay at ang mga kasama nito.
"Befriends with him, Lea. You'll be working together." Nakangiti kong tukso sa kanya. Marahas siyang bumaling sa akin.
"Yeah, for work. That guy has an attitude problem," iling niya.
"Let's have lunch together before your blood boils," natatawa kong sinabi. Tumayo na si Merna at sabay kaming tatlo na lumabas.
"Too late, Quish. My blood's been boiling the moment I saw that guy. He doesn't need to comment about me being late that way." Patuloy ang pagsasalita ni Lea habang naglalakad kami papuntang basement. Natatawa akong tumango. Maybe because he's a foreigner or iba lang ang kinagisnan naming buhay? I don't know. He seems okay with me. His last statements even confused me but I didn't think of it enough. Basta ang sabi niya gusto niya ang stories ko, that's okay already.
Nag-offer si Lea na sa sasakyan nalang niya kami sumakay at itetext nalang ang driver namin kapag uuwi na kami.
Nakarating kami sa mall, pinagtitinginan kaagad kami. I didn't know Lea's famous. Outdated kasi ako when it comes to showbiz ngayon, it's just not my thing. I don't want to gossip other people's lives because I'm busy with mine.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
Ficción GeneralMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...