Isang linggo kong hindi nakita si Bryce sa condo. Hindi rin ako nagtanong kay Anthony dahil wala na rin naman akong pake. We're exes for so many reasons. Isa na dun ang pagiging secretive niya. Busy rin kasi ako sa Library Cafe ko at sa Adaptation ng novel ko. Nagmeeting na rin kami ni Direk Trina tungkol sa plot. Mabuti naman at naisipan nilang baguhin ang ending. You know, Filipino always loves happy endings.
7 AM ako umaalis ng condo at 11 PM umuuwi dahil binibisita ko pa si Andrea. Gladly, she's getting better. And I'm so excited to welcome her home. Unfortunately, mabagal ang usad ng kaso ni Burgos. Kating-kati na akong makita yun sa kulungan at mabulok. Wala e, kahit may proof na siya ang bumaril kay Andrea, wala pa rin. Bulok ang sistema dito. Pero may tiwala naman ako sa Lawyer namin. Justice will prevail. In time.
Nagkikita rin kami ni Findlay and Lea kapag ka may meeting or taping sila. Minsan binibisita ko sila, minsan pinapatawag ako ni Direk Trina.
Hindi katulad noong una naming pagkikita, palangiti naman pala si Findlay. Talking to him feels like a childhood dream.
I opened my Facebook dahil nabo-bore ako dito sa condo. It's Sunday, 3 pm and nasa kwarto lang ako. Nakita ko ang Facebook Status ni Bryce dahil dumaan ito sa newsfeed ko. Picture niya iyon, he's wearing white t-shirt and black pants, with a gray cap na sinuot niya na patalikod. Sa background niya ay ang dagat at nakangiti siya sa picture. As always, good looking. Parte sa akin ang nanghinayang, why did I let go of him? But then I'd remember all the things he did to make me lost it all. Hindi man siya nagcheat, he still lied. Hindi man siya nagcheat, pinaramdam niya naman sa akin yun. Marami ang kulang sa relasyon namin kaya ito nabuwag.
Napabuntong-hininga ako. I know I've done the right thing. Pero ang sabi niya, manliligaw ulit siya. After what he said, hindi na rin naman siya nagparamdam. I should not be bothered because we're exes pero part of me wants him.. to pursue me again. Part of me anticipated that. But anyway, we've grown. Siguro nga ay ganoon talaga ang buhay.
His picture alone gained 3.3k heart reactions. Kahit wala namang caption iyon. Nagscroll ako sa comment section and found Melis' comment.
Looking great, sir. 😉
Palihim akong napairap. Wala akong pake sa kung ano ang relasyon nila, kabit naman ang Mama niya. Kakabit na nga lang, sa isang demonyo pa.
In-open ko ang chats namin ni Bryce. Siya ang last chat doon. It's already 3 weeks ago. Hinayaan ko lang iyon at nagpatuloy sa pags-scroll nang nakita kong nagmessage si Findlay. I saved his phone number.
Findlay H.
Missed you
Lasing siguro to. We've become friends and when I say friends, friends talaga. Not close, but friends. Hindi ko sana papansinin nang magmessage ulit.
Findlay H.
Saw your bf here
Nakakunot ang noo kong nagtipa ng irereply.
Me: who?
Agaran ang naging pagreply niya.
Findlay H.
Bryce Lim. With some chick. You're prettier tho.
Hindi naman lihim sa kanya ang naging relasyon namin ni Bryce dahil nakwento ko ito noong nag-uusap kaming tatlo ni Lea sa meeting. Ang alam lang niya, kami pa. Just dealing with some problems. Hindi rin nakatulong ang pag-agaw ni Bryce sa phone ko noong nasa Starbucks kami at um-oo daw si Bryce nang tanungin niya kung kami ba.
Also, kilala niya personally si Bryce. I didn't know how but I don't care. Sikat naman kasi si Bryce.
Hindi nalang ako nagreply kahit kating-kati akong malaman kung sino. I shouldn't care. Wala na kami.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
Ficción GeneralMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...