Chapter 11

23 7 0
                                    

Wearing a red plain dress paired with red flat shoes, lumabas ako ng kwarto. Tinali ko lang buhok ko but loosely. Si Andrea ay nakapink dress paired with her white stringed sandals. Nakalugay ang black niyang buhok. Anthony, on the other hand, ay nakacasual grey suit. Hindi naman sa sobrang flashy kasi bagay naman sa kanya pero halata talagang pinaghandaan niya. Not that hindi namin pinaghandaan ni Andrea ang sinuot namin, it's just that Anthony's more prepared?

Gamit ang sasakyan ni Anthony ay papunta na kami sa bahay ng celebrant. Bahay nina Bryce. Bahay ng mga Lim. Kung noon palaisipan pa sa akin kung sino si Bryce Lim at bakit halos lahat ay kilala siya or ang pamilya nila, ngayon hindi na. Hindi naman mahirap kumuha ng basic information ng pamilya nila. Sikat naman talaga sila, kasing sikat ng apelyedo namin. Ako lang talaga ang walang pake sa mundo noon. And, magkaibigan ang mga pamilya namin.
Habang papunta sa bahay nila ay kinakabahan ako. This will be my first time. Ako lang ang stranger para sa kanila. Nakarating kami sa isang private subdivision, tinanong kami ng guard kung ano ang aming sadya nang nasa gate na kami ng subdivision. Sandaling may tinawagan ito at tumango, pinapapasok kami. Dire-diretso ang takbo ng sasakyan ni Anthony. Seryoso ang kanyang mukha. Kinakabahan din siguro dahil birthday ng crush niya. Tumigil kami sa isang puti at malaking bahay. Tantya ko ay may tatlong palapag ito. Halos glass ang doors ng bahay na may mga puting malalaking kurtina lang ang takip. Bukod sa guard sa subdivision ay may guard din sila sa mismong bahay nila. Napakaganda ng bahay, simple ang disenyo nito. Pinapasok ang sasakyan at dumiretso ito sa loob, ngayon ay mas klaro ang noncomplex na disenyo nito. Simple pero elegante. Halatang malinis at maaliwalas. Unang lumabas si Andrea ng sasakyan, sumunod naman ako. Namamangha pa rin. Lumabas si Anthony na seryoso pa rin ang itsura.

"Pasok na tayo?" Nakangiting tanong ni Andrea. Sinalubong kami ng dalawang hindi unipormadong mga kasambahay. Iginiya kami papasok. Halatang-halata ang mga mamahaling muwebles sa bukana pa lang ng malaking pintuan. May isang malaking picture frame sa gitna kung saan ay nandoon si Bryce, kasama ang isang maputi at chinitang batang babae. Siya ata yung celebrant, si Brea ba yun? Katabi niya ang isang eleganteng nasa early 40's siguro na babae. Maganda. Hindi ganoon ka-chinita. Sa tabi naman ni Bryce ang isang seryosong mukha ng lalake na hula ko ay ama niya sa pagkakahawig niya nito.

"You're here!" Isang tinig ng babae ang narinig ko sa kung saan, lumingon-lingon pa ako at nakita yung babaeng nasa picture frame na kakalabas lang galing sa kung saan. Brea. Mas maganda siya sa personal.

"Happy Birthday, Bre!" Nakangiting pagbati ni Andrea sabay yakap dito. Tahimik lang ako sa gilid, hindi malaman kung babati ba o ano. Ang weird naman kung babatiin ko lang siya at hindi pa kami magkakakilala?
Napatingin siya sa akin pagkatapos ng yakapan nila ng pinsan ko.

"Thank you ate Andrea." Sagot nito. Bumaling siya sa akin. "Kayo po ba si ate Quisha.. Quishanette ba yun?" Naguguluhan niyang tanong.

"Hi, my bad. I'm Quishanette Yap, pinsan pala ako ng magkambal. Happy Birthday," simple at nakangiti kong pakilala sa sarili ko. Naglahad ako ng kamay na agad niyang tinanggihan, bahagya pa akong nagulat nang siya ang umamba ng yakap sa akin.

"I'm Brea po. Thank you ate Quisha," sabi niya matapos ang pagyakap niya sa akin. "Shall we?" Nakangiti niyang nilahad ang kamay papunta sa isang bukana, sa dining room ata.

"Ha-happy birthday, Bre," utas ni Anthony. Napatigil kami sa ambang paghakbang. Nilingon namin siya. Nakita kong kinukuha na ng kasambahay ang tatlong nakawrap na gifts namin. Since I don't know her that much, niregalo ko nalang ang isang novel na ginawa ko na unang sinulat ko at mamahaling perfume. Hindi ko nga lang alam kung magugustuhan niya ba iyon pero sa tingin ko naman, mabait ang batang ito. Ma-a-appreciate niya rin naman siguro iyon.

"Thank you kuya Anthon," ngisi ni Brea. Bahagya pang kumunot ang noo ng pinsan ko na agad namang binalewala ni Brea. Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sa isang mahabang lamesa ay mayroon ng mga nakaupo. Nasa pinakadulo ang Daddy ata nila base na rin sa paunang nakita ko sa picture frame sa sala. Pormal ito at halos hindi mangiti. Sa gilid niya ay ang Mommy nila Brea, taliwas sa Daddy nila ay palangiti naman ito. Kaharap ng Mommy nila ang isang pamilyar na babae. Lea. Yung girlfriend ni Bryce. Bakante ang upuang nasa tabi ni Mrs. Lim, ang katabi ng bakanteng upuan ay si Bryce na seryoso ang mukha. Kamukhang-kamukha niya ang Daddy niya. Kaharap niya si Paulo na nakangiti sa amin.

"Good evening po, Tita, Tito," bati ni Andrea. Nakangiting tumango ang Mommy nila.

"Good evening ladies and a gentleman, take a seat." Sabi ni Mrs. Lim. Iginiya kami ng kasambahay sa kung saan mauupo. Naupo ako sa tabi ni Paulo, katabi ko si Andrea at sa last ay si Anthony. Marami nang nakahandang mga putahe sa lamesa.

"Today's my baby girl's birthday." Panimula ni Mrs. Lim na agad inangalan ni Brea.

"Mommy naman," angal ni Brea. "I'm a lady now," dagdag nito. Tahimik ko silang pinagmamasdan. Sana lumaki rin akong may Mama. Nahagip ng paningin ko ang paninitig ni Bryce. Seryoso ang kanyang mukha, tila binabasa ang nasa isip ko. Pinagtaasan ko lang siya ng isang kilay bago ko iniwas ang tingin ko sa kanya. Nakatitig pa, pag siya nahuli ng girlfriend niya, lagot siya.

"You'll get there, baby. You don't need to rush. Anyway, as I was saying, today's my daughter's birthday. Ngayon pa lang ay pinagpasalamat ko na ang pagpunta niyo dito. Maraming kaibigan ang anak ko, sa sobrang dami ay kung iimbitahan namin lahat ay magmumukhang walang silbi ang intimate dinner na gusto niya," mahabang paliwang ni Mrs. Lim, bahagyang tumawa. "So she requested this to be intimate, yung tipong pinakamalapit sa kanya," nahihiya ako. Hindi naman kami ganoon ka-close, in fact, ngayon lang kami nagkakilala. Maiksi lang ang sinabi ni Mrs. Lim bago nagsimulang magpray at kumain.

"My bad, I'm Alenah Lim. Please feel at home Quishanette," nagulat ako sa biglaang pagbanggit ni Mrs. Lim sa pangalan ko. There's no way she knows me. This is the first time we met. Napatingin ako sa mukha niyang nakangiti. "Call me Tita. I have met your cousins already and they told me you were kinda busy the past weeks kaya hindi ka masyadong nagagala dito," nahihiya akong tumango. That is not true. But I thank them for covering me.

"And this is your Tito Blake," tahimik na tumango ang Daddy nina Bryce at tipid na ngumiti sa akin.

"Welcome and please feel at home, hija," mababa ang boses nito.

"Thank you po," nahihiya kong sagot.

"I bet you already met my daughter? This is Brea. And I also bet you have met Bryce's friends? Lean and Paulo?" Dagdag ni Tita Alenah. Wow, feeling close. Maka-tita. And wait, Lea is a friend? Akala ko ba girlfriend? Or maybe they're trying to have a lowkey relationship.

"Yes po, Tita. Kahapon, nagkita po kami sa school," singit ni Lea. She's wearing a blue above the knee dress. Hugs her body perfectly.

"That's good to know. And Paulo? I'm sure he's been hanging out with you. Ang alam ko, madalas sila sa bahay ninyo nitong nakaraang buwan. Tama ba, Bryce?" Binalingan naman ni Tita ang anak na katabi ni Brea. Tinapunan ko siya ng tingin. Kanina pa ba siya nakatitig sa akin? Bakit sa tuwing napapadpad ang tingin ko sa kanya ay nakatitig na rin siya? Pinutol niya ang aming titigan at bumaling sa Mommy niya.

"Yes, Mom." Simpleng sagot nito.
Habang nag-uusap ay kumakain naman kami.

"How's your father, hija?" Sa gitna ng katahimikan ay tinanong iyon ni Tito. Akala ko pa hindi ako ang tinatanong pero nang balingan ko siya ay nakatingin na pala siya sa akin. That's when I know na para sa akin ang tanong. "We're really good friends," dagdag niya.

"He's.. uh.. doing fine naman po.. Tito.." nag-aalinglangan kong sagot. Tumango si Tito. Tahimik akong kumakain at nakikinig sa mga pinag-uusapan nila. Random. Kinamusta rin nina Tito at Tita ang dalawang pinsan ko, ang parents nila. Pati na rin si Lea. Paminsan-minsan ang tingin ko kay Bryce dahil nararamdaman ko talaga ang titig niya. Nang nagkwento ng nakakatawa si Paulo ay nakitawa rin ako. Hindi naman naging awkward ang atmosphere, mas naging komportable pa nga ako. Ganito pala ang feeling pag nakikihalubilo ka sa ibang tao. Magaan. Parang isang panibagong yugto ng buhay mo ang nabuksan.

"Thank you so much for granting my daughter's request," anunsyo ni Tita nang kumakain na kami ng panghimagas. "It's rude to leave my visitors unattended pero may mga gagawin pa kami sa opisina," dagdag ni Tita.

"It's okay, Mommy. They are my visitors," sabat ni Brea.

"So, will you please excuse us?" sabay na tumayo si Tito at Tita.

"No problem, Tita." Nakangiting sagot ni Lea. Tumango din kami nang balingan ni Tita.

"You can do swimming or movie mara. Anything you want, just please ask our househelps," sabi ni Tita bago tuluyang lumabas sa dining room. It's not yet late so I guess pwede pa kaming magtagal ng kaunting oras pa.

Embracing the Cold Where stories live. Discover now