Chapter 43

1 0 0
                                    

I don't know how I survive another week with a broken-heart. Busy pa rin sa Library Cafe at si Merna na muna ang pinapaasikaso ko doon. I don't want to go out. Lalo nang mabalitaan kong umalis ng bansa si Bryce. Narinig ko lang iyon kay Anthony. Nagkunwari akong walang pake pero simula nang malaman ko iyon ay bumalik ang sakit. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi ako umiiyak sa kwarto. Regretting what I've done. Sana pala ay binalikan ko siya. Sana pala ay nagpapigil ako. Sana pala ay hindi ko na nakita sina Melis noon sa basement. Sana nagbulag-bulagan nalang ako. He was begging me to give him a chance, sana pala ay binigyan ko siya ng pagkakataon. Sana pala ay binabaan ko ang pride ko. Pero talagang nasa huli ang pagsisisi..

Months after what happened to me and Bryce, I was slowly letting go of our memories. I busied myself with another extension of the Library Cafe. I also made an appearance on the company. This time, I'm not going to be private. Burgos is in jail and his sentence is life imprisonment. Finally, justice has been served. I always thank Findlay because he was the one who saved me and the last key to put the old man in jail.

I thought I was happy.. I thought I'm trying to let go of him. I was wrong.

I saw him again after almost 4 months. Nagshopping ako at nang mapagod ay pumasok sa isang restaurant. Nilapitan ako ng waiter at sinabi ko ang order ko. Napatingin ako sa kabilang table at nagtagal ito doon. For how many months, nakita ko ulit siya. Sa personal. He's not the same anymore. He looks so handsome than before. Halata mong masaya. Mapait akong ngumiti nang makitang may ibang babae siyang kasama. I don't know who the girl is pero alam kong foreigner ito. Sobrang ganda na nanliliit ako. Wow, upgrade. Iniwas ko ang tingin sa kabilang table nang dumating ang waiter at niserve ang food ko. Nawalan tuloy ako ng gana pero kumain pa rin ako. That girl is so gorgeous. Hindi mawala sa isip ko ang mahinhin na ngiti ng babae at ang side profile nito. Naiinsecure ako. Sobrang ganda ng pinalit niya.

Nakalutang ako nang lumabas sa restaurant pagkatapos kumain. I didn't even bother to look back. Dire-diretso ang lakad ko para makaalis na.
Inistart ko muna ang engine ng sasakyan at huminga nang malalim. Magmamaneho na sana ako palabas ng mall na ito nang makitang lumabas si Bryce at yung magandang babae na kasama niya, nagtatawanan. What a sight of sore eyes. Matangkad yung babaeng kasama ni Bryce per mas matangkad pa rin siya. Tumingkayad ang babae upang maabot ang labi ni Bryce at kitang-kita ko kung paano hawakan ni Bryce ang bewang ng babae para tumugon sa halik. Nag-iwas ako ng tingin. Tangina. Okay na ako e. Bakit ba kasi ang chismosa ko? At bakit ang daming ganap sa car park? Putek. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan palabas doon. Hinihingal ako sa pag-iyak. Putangina. Putangina talaga! Hindi mawala sa isip ko kung paano tumugon si Bryce sa halik. Tangina, ano bang pakealam ko?! Bakit nasasaktan pa rin ako?! Ilang buwan na ang lumipas, Quish. Nakausad na yong tao eh. Ikaw, hindi pa rin?! Putangina. Patuloy ang agos ng luha ko at hinahayaan ko lang iyon. Let it all out Quish.

Nanginginig ako nang bumaba ng sasakyan para pumunta sa puntod nina Papa. Si Burgos ang naaalala ko. Kung anong nararamdaman ko noong gabing iyon ay nanumbalik ngayon. Yung takot at pangiginig ko. Kahit umaga at may mga tao naman ay takot na takot ako.

Umupo ako sa puntod nina Papa at Mama at doon nag-iiyak. Naaalala ko ang gabing muntikan na akong mabaril. Feel it until it hurts no more, Quish. Pero hindi. Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo akong nasasaktan. Halo-halong emosyon iyon. Ang galit at sakit.

"Pa, sana pala nagpabaril nalang ako kay Burgos. Sa bawat oras na lumilipas, mas nasasaktan ako dito. Alam kong nasa mabuting kalagayan kayo, parang awa niyo na, kunin niyo na po ako," humagulhol ako habang hawak ang kabilang dibdib. Ang sakit.. sobrang sakit. For the first time, hiniling kong sana ay mamatay na ako. Sobra-sobra ang sakit na nadarama ko. Parang kailan lang, I was begging God to give me another chance to live. Ngayon, iba na ang hinihiling ko. Living is torture. Pero naaalala ko si Andrea at Anthony, I know they'll be sad if I die. Si Findlay, siya ang nagligtas sa akin. Siya ang tumawag nang gabing iyon at siya ang dahilan kung bakit buhay pa ako ngayon. I shouldn't waste the second chance to live. At si Bryce.. well, siguro malulungkot din iyon kapag nawala ako pero atleast, may makakasama siya. He'll live this life happily. Patuloy na umaagos ang luha sa mata ko. Parang may mga sariling isip iyon. Tinext ko muna si Findlay, magpapasundo ako. Parang hindi ko kayang magdrive o kahit tumayo man lang.

"Alam niyo ba, Pa. Naabot ko na yung pangarap ko. I should.. I should be content with my life pero hindi e, ang kasama kong nangarap noon ay iba na ang kasama ngayon." nangingiti kong kwento, tuloy pa rin ang pag-iyak. Hinahaplos ang puntod. "Also, magkasundo na kami ni Andrea. She's just so sweet. And Anthony, he's doing better. Heck, he's doing his best!" Natatawa kong dugtong kahit umiiyak. "I met someone who saved me and gave me a second chance to live. He's Findlay, I'm sure you've met before but not so formal," natatawa kong kwento. "Don't worry, pupunta iyon dito at ipapakilala ko siya sa inyo. You'll like him." Umiiyak kong dugtong. Huminga ako nang malalim bago nagsalita ulit. "Ironic how I want to die kahit na sobrang ganda na ng buhay ko ngayon."

Narinig kong may tumikhim sa likod kaya pinunasan ko muna ang luha sa mukha. "Oh, he's here na pala." Tumayo muna ako bago humarap sa taong dumating. "Ang bilis mo namang dumating---" naiwan sa ere ang mga salita ko nang mapagtantong hindi si Findlay ang dumating. Bryce.. mag-isa siya at may dalang bulaklak na nilagay niya sa puntod nina Papa. Kahit medyo hindi inaasahan ay kinalma ko ang sarili at huminga nang malalim. Gusto ko siyang yakapin, miss na miss ko siya. Miss na miss na miss ko siya. Pero nang makitang seryoso ang mukha ay agad akong nag-iwas ng tingin. Sapat na iyon para makita ang gwapo niyang mukha. Ang noo'y pogi niyang mukha ay mas pumogi pa. Ang tindig niya rin ay nag-iba. Hindi na ito pamilyar. He changed.. tahimik siyang tumabi sa akin. Nakatayo ako, ganoon din siya. Nasa puntod ang paningin ko kahit gustong-gusto ko siyang tingnan. Naramdaman kong buntong-hininga siya.

"How have you been?" Kahit ang boses niya ay nag-iba, mas lumalim ito. Tiningnan ko siya pero ni tapon ng tingin ay hindi niya ginawa. Diretso lang ang tingin niya. Kaya nag-iwas lang din ako ng tingin.

"I'm doing great," pagsisinungaling ko. Heck, I'm so broken inside. Sinabayan ko iyon ng ngiti upang maging mas kapani-paniwala. "How are you?" Tanong ko pabalik kahit hindi ko kayang itanong iyon. Hindi ko kayang marinig na masaya siya. Na masaya siya kahit wala ako.

"Fine," maikli niyang sagot, hindi ako tinatapunan ng tingin. Mapait akong ngumiti. He really is doing so fine. "When are you getting married?" Seryoso niyang tanong. I was taken aback. Me? Getting married?

"I don't know," kunot-noo kong sagot. I don't even have plans on having a boyfriend after him and now he's asking me when will I get married?

"I heard you're engaged," doon ako tumitig sa kanya. Engage? Kelan?

"What are you saying?" Naguguluhan kong tanong. Doon niya lang ako tinapunan ng tingin. Sobrang seryoso ng mukha niya at parang nandidilim ang mga mata. Umigting ang panga niya bago nagsalita.

"Nevermind," Sagot niya. Nagkasalubong ang dalawang kilay ko. I don't know what he's talking about. "I know you're not comfortable telling me, but I wish you well." Dugtong niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko. What the fuck? Bago ko pa maibuka ang bibig ay dumating si Findlay.

"Quish!" Tawag nito hindi kalayuan. Natigilan siya nang makita kung sino ang kasama ko. Napalingon si Bryce kay Findlay at hindi nagpaalam na umalis sa harapan ko. Nakatulala ako kahit nakalapit na si Findlay.

"What did you guys talk about? You look so surprised," komento ni Findlay. Hindi ko siya sinagot at pinakilala lang kina Papa. Kahit wala sa hulog dahil sa pag-uusap namin ni Bryce ay nagawa kong makaalis sa sementeryo. Nagtaxi lang si Findlay papunta dito kaya siya na ang nagdrive ng sasakyan ko pauwi.

"Sorry, naabala pa kita." Sabi ko nang makarating kami sa bahay.

"No, it's my rest day." Ngiting sagot ni Findlay.

"Rest day nga, hindi ka naman nagpapahinga," irap ko. Nasa sasakyan pa rin kami.

"Ikaw ang pahinga ko," diretsong sagot niya.

"Himala, hindi nabulol ah," natatawa kong komento at lumabas ng sasakyan. Ganoon din ang ginawa niya at tumawa.

"Well, I'm learning." Kindat niya na tinawanan ko lang. Nagpaalam na kami sa isa't isa at pinahatid ko lang siya sa driver namin.

Nasa kwarto ako nang maisip ang pag-uusap namin ni Bryce kanina. Kinuha ko ang cellphone at inistalk ulit siya. Wala namang update sa fb at ig niya. Yun pa ring yung last. Paulit-ulit kong tiningnan ang ig wall niya. Noon, pictures naming dalawa ang nandito. Ngayon, isang litrato nalang ang natira. Yun yung picture na kinuhanan niya ang balcony. Dinelete niya siguro ang lahat.

Embracing the coldness alone. Ily my love

Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko. We used to be so inlove. What happened to us, Bryce?

Embracing the Cold Where stories live. Discover now