Hindi nga umuwi si Bryce sa gabing iyon. Wala na akong ibang maisip na dahilan kung nasaan siya. Nasa amin. Kay Andrea. Kailan pa nila ako niloloko?
Sa mga sumunod na araw ay umuuwi siya sa condo pero hindi namin nakikita ang isa't isa. Isa lang ang sigurado ako ngayon na dapat noon pa ay alam ko na, iniiwasan niya ako. Hindi dahil abala siya o ano, kundi dahil iyon may iba na siya. Pinsan ko pa. Almost 2 years ago, naging malabo na kami pero pilit kong inintindi na dahil iyon gagraduate na siya at magtatrabaho. Hindi ko rin napansin iyon dahil abala ako sa pagpanaw nina Papa, sa aking pag-aaral at pag-iintern. Now, everything makes sense. He's not inlove with me anymore or was he really? Baka ginamit niya lang ako? Baka nagsawa na siya? He has that history. I should know better.
Ang isang linggong palugit na binigay ko sa kanya para makapagpaliwanag ay hindi nangyari. Tinetext niya pa rin ako kahit hindi kami masyadong nagkikita sa condo. Hindi niya pa ako hinihiwalayan kahit na alam kong mangyayari iyon. Dinala niya na rin ang ibang gamit ko sa bahay at inilipat sa condo. He wants me to live here and he'll live in our house? Well that's easy. I can pretend nothing's wrong. I need it, I don't want to see Andrea and Anthony, who probably knows everything. My pride.. kahit ito nalang ang sisikapin kong ibangon kasi lugmok na lugmok na ang mga emosyon ko.
Nakagraduate ako na kahit anino ng magkambal o ni Bryce ay hindi ko nakita. Nagparty kami ng mga kaibigan ko to celebrate. Tanginang buhay!
Ang pangako niya kay Papa, we'll get married once I graduate. Siguro, things won't work the way you want them to be kasi kung nagwowork lahat ng gusto mong mangyari at kahit planado pa lahat, we should be married by now but we're not.
I received a lot of offers abroad. Mas pinili kong replayan ang email ng isang malaking Publishing Company. I will give myself 3-6 months to recover from the pain Philippines caused me. Hindi pa ako kailangan sa kompanya, my cousins will handle it. My cousins.. who betrayed me.
Umuwi ako sa condo isang gabi galing sa club, mas maaga sa kinagisnang oras ko tuwing umuuwi ako. Kailangan kong makausap si Bryce. Hindi ako uminom para matino naman akong kausap ngayon. I just went there for fresh air. Ironic, isn't it? The crowded place I used to hate when I was a little makes me at peace.
Naabutan ko siya sa sofa, malalim ang iniisip habang hawak ang isang whiskey at umiinom mag-isa. Dahan-dahan niyang inangat ang paningin nang naramdaman ang presensya ko. Gulat siyang tumayo at pinasadahan ng tingin ang suot kong fitted dress. Nginitian ko siya.
"Hi, can we talk?" Kaswal kong tanong at umupo sa tabi niya. Kumakabog ang dibdib ko pero kailangan ko nang ilabas lahat ng gusto kong sabihin. Pride.. is the only thing that's left to me. My body, my mind and my heart belongs to him. My supposed to be home..
Napalunok siya at tumango.
"You know, I have met guys at the bar.. sa club.." panimula ko sa kasinungalingang sasabihin ko sa kanya ngayon. Napatingin siya sa akin at tinaasan ako ng isang kilay. "And I think, I like someone else.." dugtong ko, nakangiti kahit sobra akong nasasaktan ngayon. Fuck..
"What do you mean?" Mababa ang boses niyang tanong. Kunot ang noo. How I missed him so much. How I want to caress his face.. damn, I missed my Bryce.
"Okay, I'll go straight to the point.." tawa ko kahit nanginginig na ako sa sobrang sakit at kaba. "I'm breaking up with you. I mean, let's break up for real. Alam ko namang hiwalay na rin tayo indirectly.." ngiti ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at akmang bubuksan ang bibig para magsalita pero hindi tinuloy. Kinalma niya ang sarili at bumubuntong-hininga. "Don't worry I won't stay here---"
"No.." putol niya sa akin. Nagkaroon ako ng pag-asa nang hindi siya pumayag. I'll grab anything para lang hindi siya pumayag. I'll go grab it. Kahit na alam kong may iba na siya, we can still make this work. "You'll stay here. I'll go home," dagdag niya. Ang maliit na pag-asa na pinanghahawakan ko ay nawala na parang bula. Ganoon ba kadali sa kanya ang hiwalayan ako? Dahil ako, hindi ito madali. All those years.. wala ba iyong silbi sa kanya?
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...