Chapter 34

16 0 0
                                    

Galing ako sa hospital para dalawin si Andrea, it's been a week now and she's getting better. Halos doon na ako nananatili. Umuuwi lang ako sa bahay para mag-ayos at didiretso sa cafe, pero hindi nagtatagal. Bumabalik ako sa hospital. Gusto na nga niyang umuwi but I insist na wag muna. I want her to be better. Hindi ako papayag na isang linggo lang ang pahinga niya. Kagagaling niya lang sa opera, ang tigas ng ulo. Napapagalitan na nga siya ng kambal niya.

I haven't contacted Paulo in a while now. I don't know what to say to him. Galit ako sa pamilya niya. I should remember na hindi niya alam ang lahat. Ayokong mabunton ang galit ko sa kanya.

The case is moving slowly, according to Bryce. Malakas ang laban ng kabila. Hanggang ngayon, hindi pa rin umaamin si Burgos. Nanatili siyang tikom sa lahat ng mga paratang sa kanya. The witnesses weren't enough. Hindi ko nga alam bakit walang alam si Paulo. Kung nabalitaan niya na ang nangyari sa Daddy niya, diba dapat alam niya na ang nangyari kay Andrea? ito lang ang kahilingan ni Andrea, tutuparin ko na. Hindi ko sasabihin kay Paulo ang kahit na ano. I don't know why Paulo doesn't know that we filed a case against his Dad because he killed Papa, Tito and Tita? He shot Andrea? Diba dapat alam na niya? Unless, wala siyang pakealam o iba ang kasong alam niya na kinakaharap ng Dad niya ngayon.

"Quish, nagstart na ang taping nina Ms. Lea," balita ni Merna. Nasa cafe ako ngayon. Hanggang dito, iniisip ko pa rin ang problema namin. Anthony is taking care of the company. I stay lowkey as possible dahil sa katotohanang inosente pa rin si Burgos. We'll never know what that demon would do after everything. At sa mga kaso, presensya ng Lim ang nandoon at lawyer namin. They are taking care of the case in public but discussed it to us in private.

"Mabuti," mahina kong sagot.

"Okay ka lang?" Nag-iingat niyang tanong. Nilingon ko siya at pilit na ngumiti.

"Oo naman," pangungumbinsi ko. Biglang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at walang pag-aalinlangang sinagot kahit na hindi ko nakita ang caller. "Hello?" Bungad ko.

"Quish! I missed you! Kailan tayo magkikita?" Boses ni Kessi iyon, nakumpirma ko nang tiningnan ko ang caller name sa screen ng aking phone.

Bumuntong-hininga ako. Kahit sa kanila ay hindi ko sinasabi ang problemang kinakaharap namin ngayon. "Depende sa inyo. Just beep me up," mahina kong sagot.

"Nako, yang dependeng yan, hindi yan matutuloy. Ikaw nga nag-imbita noong kauuwi mo lang galing ibang bansa diba tapos hindi ka rin natuloy? Huwag kami, Quish. Kami na ang mag-aadjust sayo. Kailan ka free?" Litanya ni Kessi. Natawa ako sa sinabi niya.

"Oh sige na, mamaya?" patanong kong sinabi. Nang tumawa lang siya sa sinagot ko ay dinagdagan ko na.

"Oh sige, saang bar? Dating bar?" Tanong ko.

"Hoy, hindi bar. Porket ako ang nagyaya, bar kaagad? May bagong bukas na restaurant, dun tayo." Agap niya.

"Himala," natatawa kong komento.

"Anong himala? Hindi na ako nagbabar no!" Giit niya. Tinawanan ko lang siya.

"Si Nasha, kumusta?" Tanong ko.

"Wala na rin akong balita dun, baka may anak na. Sa landi niyang yun," natatawang sinabi ni Kessi. Nakitawa rin ako sa kanya. "Pero syempre, pupunta yun mamaya. Special dinner to no. Bihira na nga tayong tatlo magkita." Dugtong niya.

"Baka ikaw pa ang unang magkaanak diyan, umayos-ayos ka." Biro ko sa kanya. Natahimik siya sa kabilang linya.

"Hello?" Ulit ko nang natahimik siya pero hindi naman binaba ang tawag.

"Oo nandito pa ako, oo na sige na. Basta mamaya," sabi niya at nagmamadaling pinutol ang tawag. Nagkibit-balikat ako. Ganoon naman lagi yung babaeng yun.

Embracing the Cold Where stories live. Discover now