Napatingin ang babae sa akin nang napansin ang pagkakatigil ko ilang metro ang layo sa kanila. Napalingon din si Bryce. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Tara na?" Mahinang bulong niya sa akin. Tumango ako nang tiningnan ko siya.
"You must be Quishanette?" Bago pa namin malagpasan ang babae ay nagsalita na siya. Natigil ako at tiningnan siya. Nakangiti ang babaeng nagpabalik-balik ng tingin sa akin at kay Bryce. Pinasadahan niya ng tingin ang kamay naming magkasalikop.
"Yes.." nag-aalinglangan kong sagot. I can't be rude especially that Bryce is here.
"Tara na, Quish," hinihila ako ni Bryce. Tiningnan ko lang siya at pinagtaasan ng isang kilay. What's his problem? Isn't it rude to walk out when someone is being friendly?
"Lea, by the way," pakilala ng babae. Naglahad siya ng kamay na tinanggap ko gamit ang isang kamay na malaya. Ang isa ay nakahawak pa rin sa kamay ni Bryce. So, she's the girl? Bryce's girl?
"Nice to meet you," ngiti ko. Plastik na plastik! I can't smile genuinely knowing she's Bryce's girlfriend. And how awkward that his boyfriend is holding my hand! Should I be out of the picture?
"Nice to meet you, too!" Medyo energetic niyang sagot. Ngiting-ngiti. I don't know, is she being sarcastic?
"Lea," mahina pero may bantang sinabi ni Bryce. Napalingon si Lea sa kanya.
"Oh I'm sorry Bry, I can't help it." Nakangiti pa rin ang babae. Binalingan niya ako.
"No wonder," napailing siya at nangingiti. I don't get it.
"Tara na, Quish." Nagpatianod na ako sa hila ni Bryce. Tahimik kaming naglalakad. May mga babaeng napapatingin sa kamay naming magkasalikop sunod ay sa aming mga mukha.
"I'm sorry. That's Lea---"
"I know." Putol ko sa dapat niyang sabihin. I can't bear to hear what he's going to say right now. Hindi ko pa naeensayo ang mga reaksyon at salitang dapat kong ipakita kapag nagtapat na siya na may girlfriend siya. Of course I shouldn't get affected because for him, we're friends. Ako lang naman ang may kaunting nararamdaman. Acknowledge it and let it go. Nginitian ko lang siya. Pambihira, ngayon lang nga tayo nagkagusto, sa taong taken pa.
"Nahirapan ka ba sa exam?" Tanong niya.
"Medyo.. sa Math, hindi ko kasi gusto ang Math eh," nahihiya kong pag-amin.
"Ano pala ang gusto mong subject?" Tanong niya ulit.
"English," simple kong sagot.
"Gusto mong maging teacher?" Hula niya. Napatingin ako sa kanya.
"Kapag ba gusto ang English subject teacher kaagad?" Nakangiti kong tanong pabalik. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Hindi pero I'm guessing nga, diba? Tsaka wag kang mag teacher, baka lahat ng studyante magkakasala, mawalan ka pa ng license," natatawa niyang sinabi. Nagtataka naman akong napalingon ulit sa banda niya.
"Ganun ba yun? Bakit naman?" Taka kong tanong.
"A teacher as hot as you are should be forbidden to interact," biro niya. Natatawa kong binitawan ang kamay niya. Akala ko kung anong seryoso. "Totoo naman, baka lahat ng magiging estudyante mo magkagusto sayo, ikaw pa ang dehado. Mawawalan ka pa ng license, sige ka," natatawa niyang sinabi, hinuhuli ang kamay kong kumawala.
"Ang OA mo," pabiro ko siyang inirapan, natatawa rin. Sino bang hindi magkakagusto sa Bryce Lim na ito?
Nahanap namin ang table nina Paulo, may pinag-uusapan sila nang naabutan namin. Si Anthony ay iiling-iling lang sa sinasabi ni Paulo na tumatawa habang tinatarayan naman ni Andrea sa Paulo.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...