"Ano?" Iritado kong tanong nang kaming dalawa lang. Lumapit siya sa akin, seryoso ang mga mata.
"Ralph.. Timus?" Paunang sinabi niya.
"Oo. Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
"You're flirting with him?" Nanliliit ang mata niya nang itanong iyon. Nagulat ako sa sinabi niya kaya hinampas ko kaagad ang dibdib niya pero hindi ito natinag.
"Anong flirt? Classmate ko yun. Sinamahan lang ako dito!" Singhal ko sa kanya.
"So he's flirting with you." Hindi iyon tanong.
"Ano ba ang pinagsasabi mo? Walang nagfiflirt sa amin. Kung meron man, ikaw yun!" Sigaw ko. Seryoso pa rin ang mukha niyang tinititigan ako. "Akala ko ba ex si Lea? Pero hinahatid-sundo pa rin? Wag mo nga akong lokohin!" Sabay tulak ko sa dibdib niya. Bahagya siyang nawalan ng balanse kay napaatras siya.
"She's an ex. I'm sorry I forgot to tell you, she chatted me right after na naihatid kita sa inyo. Ang sabi niya iniwan na daw siya ng driver nila dahil sasabay siya sa akin---"
"Don't add lies anymore," matigas kong sinabi. Pinutol ang pagpapaliwanag niya.
"I'm not! It's true! Ofcourse I was mad at her pero hindi ko siya pwedeng balewalain---"
"Dahil girlfriend mo. At ginagawa mo ba akong kabit?" Putol ko ulit sa kanya.
"What? No! Lea and I are over a long time ago. Magkaibigan lang kami," mahina niyang sinabi. Inirapan ko lang siya, hindi naniniwala.
"Pero hinahatid-sundo mo pa rin nga?" Tanong ko, hindi nakatingin sa kanya.
"No. Kahapon lang yun, it's not important so I didn't tell you. At tsaka, never ko siyang.. nahatid-sundo.. kahit noong kami.. pa," mahina niyang sinabi, hinihintay ang reaksyon ko. Mas lalo akong hindi maniniwala. Ako nga na hindi kami, hinahatid-sundo niya tapos nung sila ni Lea, hindi? Lokohin mo sarili mo, Bryce.
"Maniwala," pag-ismid ko. "At akala ko ba may klase ka pa ngayon? Bakit ka andito?"
"Maniwala ka kasi sa akin. I'm telling the truth here. Wala pa ang guro namin, gusto lang kitang makita tapos ang madadatnan ko pa dito sinasamahan ka ng isang lalake? Ano yun, Quish? Ano yun?" Sabay turo niya sa kung saan nagpark si Ralph pero nakaalis na rin ito.
"Classmate nga," ulit ko.
"Ihahatid na talaga kita bukas at sa susunod na mga bukas. Hindi pwedeng ganito. Alam ng lahat na nililigawan kita tapos may aaligid---" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Nililigawan? Sino? Ako? At anong alam ng lahat?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Nililigawan naman talaga kita. Oo alam ng lahat at kung merong hindi nakakaalam, malamang mga Grade 11 yun. Mga bago," sagot niya.
"Anong.. hoy! Hindi ka nanliligaw!" Sigaw ko sa kanya.
"Ano ba ang tawag mo dito sa mga paghahatid-sundo ko sayo?" Napakamot siya sa kanyang batok.
"Bat hindi mo ako tinanong?" Nagugulat kong tanong sa kanya. Makapagdesisyon, akala mo siya ako eh no.
"Baka basted ako, tsaka hindi naman ako nagmamadali ah. Kung ayaw mo sa akin, gusto pa rin kita." Giit niya. Bahagyang namumula ang maputi niyang tainga.
"Sinong nakakaalam?" Tanong ko ulit.
"Mga pinsan mo. Si Paulo, Lea, lahat ng Grade 12 lalo na ABM." Simple niyang sagot. Nagulat ako. Alam nila? Tapos ako na nililigawan 'raw' hindi ko alam? "Sorry na, oo hindi kita tinanong pero kahit na. Babakuran na kita kahit hindi pa tayo," seryoso niyang dugtong. Lumapit siya sa gulat ko pang mukha. "Pasok ka na," iminuwestra niya ang pintuan sa backseat at akmang bubuksan na sana nang pinigilan ko siya.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...