Hinatid ako ni Bryce sa restaurant kung saan kami kakain nina Kessi. Saglit lang ako sa condo, naligo, at nag ayos lang ako doon.
It's already 6 pm. Pagpasok ko pa lang sa restaurant ay naaninag ko na kaagad ang dalawa kong kaibigan na nagtatawanan. Mabilis akong lumapit sa table at umupo sa harap ng dalawa.
"Fresh from LA," parinig ni Nasha. Mas gumanda lalo ang dalawa. Halatang may mga dilig. Ngingiti-ngiti naman si Kessi.
"May afam ka ba diyan sis?" Natatawang komento ni Kessi. Inirapan ko silang dalawa.
"Wala, Pinoy gusto ko." Wala sa sariling sagot ko. Inabot ang menu at naghanap ng makakain.
"Bryce syndrome pa rin ba itech?" Si Kessi na tatawa-tawa. Nag-apir pa si Nasha na tila may nakakatawa.
"Kayo ba? Araw-araw ba kayo may dilig? Fresh niyo ah," pag-iiba ko sa usapan. Nagtawag ng waiter si Nasha at sinabi muna ang orders namin. Nang makuha ng waiter ang lahat ay umalis na ito.
"Basta ako in born 'to," pagyayabang ni Nasha na agad inungulan ni Kessi.
"Kapal. Basta ako gawa ng Diyos, ikaw gawa ka ng Doctor mo." Ani Kessi na tumatawa. Umaktong nasaktan si Nasha.
"Hoy bruha. Anak demonyo ka. Tsaka, ang tanging Doctor na nilalapitan ko ay Doctor sa mata. Tanginang trabaho kasi to," reklamo ni Nasha. Natatawa ko silang pinagmasdan. Walang pinagbago.
"Yan kasi, ang baba ng standards. Sabi ko na sayo dapat noon mo pa pinatingnan yang mata mo," sabat ni Kessi.
"Fyi, mas mababa standard mo no. Atleast ako hindi ako nagregalo ng sasakyan sa ex ko tapos iyon ang ginamit para pasakayin ang side chick niya," parinig ni Nasha at nagflip-hair.
"Okay lang. Atleast ako hindi minamayday na naka custom tapos ako lang pala ang nakakakita." Tatawa-tawang rebat ni Kessi. Natawa rin si Nasha.
"Oh atleast ako hindi niloko.." naputol sa ere ang sasabihin sana ni Nasha at dahan-dahang lumingon sa akin ang dalawa. Napapahiyang tumikhim si Kessi at sinenyasan si Nasha na tumahimik.
"Bakit? Sino ba ang niloko?" Tanong ko, kunwari ay seryoso. Natahimik sila. Akala ata ay galit ako.
"Mga sira, hindi ako niloko." Natatawa kong dugtong dahil hindi na sila nagsalita pa.
Unang nagtanong si Kessi. "Sorry Quish, pasmado bunganga nitong isa. Pasensya ka na sa kanya," hinging-paumanhin ni Kessi.
"Peace Quish, si Kessi dapat yung pinapatamaan ko eh," segunda ni Nasha.
"Si Kessi pa rin naman ata ang tinamaan," sagot ko. Gulat ang ekspresyon ng dalawa.
Dumating ang waiter at isa-isang inilahad ang order namin. Nang matapos ay nagpaalam ito. Nagsisimula na rin kaming kumain.
"Oa niyo, nag-usap na kami ni Bryce." Pag-amin ko, kumakain na.
Nanlaki ang mata ni Kessi. "Talaga? Kelan lang kayo nagkabalikan? Ano ba talaga ang nangyari? Di mo kami binalitaan ah?" Sunod-sunod ang mga tanong niya.
"Sabi eh, si Quisha lang talaga ang marupok na gusto ko." Ani Nasha. Inirapan ko siya.
Ikinwento ko sa kanila ang tunay na nangyari, pati ang pagkakabaril ni Andrea at kung bakit kailangan mangyari ang mga nangyari noon. Gulat na gulat ang dalawa sa mga impormasyong ibinalita ko. Na imbes kumain ay panay ang tanong nila.
"Tangina." Mahina ngunit mariing bigkas ni Kessi matapos ang mahabang pag-uusap at paliwanagan.
"Ang lala." Segunda ni Nasha na gulat pa rin.
"Hindi pa okay ang lahat pero atleast iniimbestigahan na si Burgos. Bawal rin siyang makita sa iisang lugar kung nasaan kami." Sabi ko. Natapos ako sa pagkain, sila ay natapos na rin pero pawang gulat pa rin ang mga mukha.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...