Sabado ngayon. Ilang weeks nalang ay matatapos na ang 2nd sem at magiging 2nd year college na ako. Excited na akong makatapos sa pag-aaral, marami akong gustong gawin. Siyempre kasama ang boyfriend ko. Siya ang nag-eencourage sa aking magtayo ng isang Library Cafe pagdating ng panahon. Wala siyang pakealam sa kikitain, ang gusto niya lang ay maidisplay ko ang mga works ko doon at kung may magkakainteres ay pwede silang magbasa or kahit bumili, may mga desserts and coffee din daw'ng iseserve. Iyon ang gusto ni Bryce. Gusto ko rin yun, yung sariling akin talaga. Kaya iyan ang goal ko pagkatapos ng college.
Tumunog ang cellphone ko nang nagtotoothbrush pa lang ako. Kakagising ko lang at kakatapos lang maghilamos. Pinansin ko lang iyon nang natapos akong magtootbrush. Nakita kong si Bryce ang caller kaya sinagot ko na kaagad ito.
"Hello love.." napapaos at malambing niyang bungad sa kabilang linya. Napangiti ako, kakagising niya lang din siguro.
"Yes love?" Humiga ako para mas mafeel ko ang moment.
"Labas tayo, dating gawi." Sabi niya. We used to go out tuwing weekends, pero nitong mga nakaraan ay hindi na dahil masyado siyang busy.
"Sige ba!" Excited kong sagot. Napahalakhak siya. "Saan?" Tanong ko.
"Kahit saan mo gusto, I'm giving all my day to you." Sabi niya. Kinailangan ko pang kagatin ang unan na nasa gilid ko para maiwasan ang pagtili.
"Hmm.. saan ba? We already went to the beach, nagpicnic na rin tayo, nagsine, nagshopping.. nag road trip. Saan pa ba love? Yung ano naman, bago, yung hindi pa natin nagagawa.." suhestiyon ko dahil marami na rin kaming nagagawang activities na magkasama.
"Making love," natatawa niyang sagot sa kabilang linya. Pumula kaagad ang pisngi ko. Kung nandito lang siya ay talagang naku naman. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at pagbibigyan ko talaga siya. Joke lang.
"Seryoso kasi," nakanguso kong sinabi. Napahalakhak siya.
"Seryoso naman yun ah pero syempre pagkagraduate mo na. Kung makakaya ko pang magpigil siguro pagkatapos ng kasal? Pero malabo. You're seducing me everytime eh," natatawa siya. Nakanguso pa rin ako kahit alam kong di niya makikita iyon.
"Love naman eh, tumigil ka nga. Pervert ka lang talaga kaya naseseduce ka," sabi ko.
"Hindi rin. May mga nangseseduce din naman sa akin noon ah bakit hindi ako pumapatol?" Tanong niya. Napakunot ang noo ko.
"What? Sino?" Galit kong tanong. Please put in mind na nagkaroon siya ng mga experience, Quishanette. But I know that doesn't make him less of a man. Ganun naman talaga ang mga lalake, dumadaan sila sa phase na ganoon.
"Oh bat ka galit? Hindi naman ngayon. Noon. Before I met you." Natatawa niyang sagot.
"I'm insecure," pag-amin ko. Tumahimik ang kabilang linya kaya tiningnan ko kung nandiyan pa ba siya. "Hello? Love?" Narinig kong bumuntong-hininga siya.
"I'm sorry, love. I love you so much. I'm sorry if I have done some things before I met you.. Mahal kita. Mahal na mahal. Ayokong nagdadoubt ka sa sarili mo. I love you so much, I hope I can take all your insecurities away," napapaos niyang paliwanag. "I love you.."ulit niya, mas mahina.
"I love you, too." Tanging naisagot ko. I love him so much. I don't doubt his love. Pero dadating pa rin talaga ang panahon na maiisip mong baka maraming mas better sayo? Baka may kayang magbigay sa kanya ng halos lahat na hindi mo kayang gawin? Baka nagsisisi siya? Hindi ko alam pero naiiisip ko yun kahit na alam kong mahal na mahal ako ni Bryce. Ramdam na ramdam kong mahal niya ako.
Sinundo ako ni Bryce nang araw na yun at nagroad trip lang ulit kami. Kahit ano, kahit saan, basta siya ang kasama.
Nang nag 2nd year college ako ay mas naging abala kaming dalawa sa pag-aaral. Ako rin naman pero araw-araw pa rin kaming nagkikita kahit tuwing uwian dahil hinahatid-sundo niya ako.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...