Chapter 18

13 0 0
                                    

"Quishanette, anong gagawin natin sa kwarto mo?" Maawtoridad niyang tanong. Seryosong-seryoso. Inirapan ko lang siya at hinila pabalik para makahakbang ng ilang baitang. Nagpatianod siya pero alam kong napipilitan kaya huminto ulit kami ilang hakbang nalang para nasa 2nd floor na.

"Ano ba Bryce? Hindi kita rerape-pin, wag kang mag-alala!" Singhal ko saka inirapan ulit siya.

"Paano ako makakasiguro?" Nakataas ang isang kilay niyang tanong.

"Ipupusta ko virginity ko," sigurado kong sagot. Nagulat siya at agad na tinakpan ang bibig ko gamit ang isang kamay niya.

"Hinaan mo nga boses mo, baka may makarinig sayo." Bulong niya.

"Ano naman ngayon? Tsaka nasa baba silang lahat. Ipupusta ko nga virginity ko makasiguro ka lang," mahinang sagot ko nang binitiwan niya ang bibig ko at siya naman ngayon ang humila sa akin papunta sa pintuan ng kwarto ko.

"Parehas lang naman yun," sabi niya. "Sige na, buksan mo na." Utos niya nang nasa harap na kami ng kwarto ko. Pinihit ko ang door knob at tinulak ang pinto. Pumasok ako at hinila siya saka ko nilock ang pintuan.

"Bat mo nilock?" Gulat niyang tanong.

"Baka pumasok si Andrea nang walang pasabi," simpleng sagot ko. Pumikit siya nang mariin at pinilig ang ulo.

"Wag ka nga, ang oa mo. Matagal na yung halikan natin pero hindi naman ako uhaw na uhaw," inirapan ko siya.

"Ikaw hindi.. pero ako.." pumikit siyang muli at umiling.

"Ikaw pala ang may motibo," natatawa kong sinabi. "Soon kapag nakagraduate na ako." Tukso ko sa kanya. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin kaya mas lalo akong natawa.

"Ano bang torture to, Quishanette? Mas makakapagpigil ako kapag nasa public place tayo pero dito pa talaga sa kwarto mo, secluded.. pambihira.." reklamo niya na tinawanan ko lang. Hinila ko ulit siya at iginiya sa mas maliit kong library kung saan ko nilalagay ang mga works ko. My poems, fictional stories and all.

"Mahilig ka palang magbasa?" Tanong niya at inisa-isa ang mga novels na pagmamay-ari ko. "Favorite author mo ba to? crushqcbry? Bakit ganito ang username, ang korni. Tsaka, works niya lang ang pulos na nandito ah?" Nagpapatuloy siya sa pag-usisa sa mga self-made books ko. Hindi niya alam. Kung may nakakaalam man, si Andrea at Brea lang iyon. Sa school ay ilang beses na ring nafeature ang mga gawa ko sa creative writing club pero hindi ko kailanman ipinaalam kay Bryce dahil lahat ng iyon ay tungkol sa kanya. Besides, sa sobrang laki ng school ay hindi na mapapansing akin yun unless sasabihin ko. Hindi ko rin kasi ginagamit ang real name ko as the author. I always put my corny username there as what Bryce described.

"Basahin mo, may poems diyan. Marami. Di ko sure kung bet mo ba pero okay lang naman sa akin. Basahin mo to oh," ibinigay ko sa kanya ang isa sa mga poems na gawa ko para sa kanya. Actually, ilang poems na rin ang nasulat ko patungkol sa kanya pero hindi ako nagkaroon ng tiyempo na ibigay sa kanya. Sa dami ng nangyari, masasakit actually, ay hindi ko muna kinamusta ang nararamdaman ko para sa kanya. Si Lola at ang mga alaala naming dalawa ang priority ko noong nakaraang dalawang taon. Halos napabayaan ko na nga ang sarili ko. Laking pasasalamat ko talaga kay Bryce, sa kambal at sa mga kaibigan kong masasandalan kapag nasa bingit ka na ng pagsuko sa mga hamon sa buhay.

Tinanggap niya ang ibinigay kong manipis na bondpaper na ginawa kong notebook para lamang sa kanya. May mga designs rin ito at kung titingnan ay parang hindi akin, parang binili sa kung saang bookstore. That's how I view my work.

"Oh, this is nice. Saan mo to nabili? I never thought na nangongolekta ka pala ng mga literary works." Komento niyo sa cover na ginawa ko sa book.

"Basahin mo. Read it aloud." Nakangiti kong utos sa kanya. Naguguluhan naman siyang tumingin sa akin pero tumango pa rin. Naupo ako sa isang silyang nasa loob ng mini library ko. Umupo din siya kaharap ko.

Embracing the Cold Where stories live. Discover now