Kinabukasan ay hinatid ako ni Bryce sa Doctor ko. Nagpareseta ako ng kung anong pills para maging regular ang menstruation ko in case gagawin ulit namin 'iyon' kahit walang protection. Pagkatapos ay nagshopping akong mag-isa sa mall. Pinauwi ko muna si Bryce pagkatapos niya akong ihatid sa appointment ko.
Nakaramdam ako ng gutom, malapit na palang maglunch. Naglilibot ako sa mall, naghahanap ng restaurant nang may nakita akong pamilyar na hubog ng isang babae. Tinitigan ko ito, nakaside view kasi ito sa akin at nang tuluyan na akong nakalapit ay namukhaan ko na. Lea. Napalingon siya sa gawi ko at nagulat. Lumapit ako sa kanya, mag-isa siya.
"Lea," paunang bungad ko. I still hate her pero hanggang saan ba tayo dadalhin ng galit natin. Tiningnan ko lang siya. Nababalisa siyang napatingin sa akin. "Alam ko ang totoo. Kumusta?" Kaswal kong tanong. Lumingon muna siya sa paligid namin.
"Quishanette.." kinakabahan niyang sinabi. "I.. I'm sorry." Nanginginig ang labi niyang bigkas sa mga salita.
"Bryce filed a case against you. I hope you learned." Walang emosyon kong sinabi. "Alam ko rin na hindi ka pwedeng lumapit sa amin. Don't worry. I just want to personally ask you. I thought we were cool." Nanghihinayang kong sinabi.
"I'm sorry.. I got carried away.." mahina niyang pag-amin at yumuko. Nakahanap ang mga mata ko ng restaurant nang igala ko ulit ito. Malapit lang ito sa kung nasaan kami nakatayo.
"Are you busy?" Tanong ko. Napaangat siya ng tingin sa akin at umiling. "Good. Let's have our lunch first," isinenyas ko sa kanyang sumunod siya sa akin. Pumasok kami sa restaurant sa loob ng mall. Humanap muna ako ng table for two at umupo. Dahan-dahang umupo si Lea sa harapan ko. Nilapitan kami ng isang waiter. Tinanong ko si Lea kung ano ang gusto niya at saka ko sinabi ang order ko. Nang umalis ang waiter ay umayos ako ng upo at pinagmasdan siya. Halos hindi siya makatingin sa akin.
"So.." panimula ko. "Did you mean it?" Tanong ko. Tinutukoy ang ginawa niyang pagsira sa relasyon namin ilang buwan na ang lumipas.
"I did but I do regret it," mahina niyang sagot.
"Why?" Kinalma niya muna ang sarili niya bago ako sinagot.
"I was.. jealous of you. Alam ko na ang lahat ng ginawa ni Bryce sayo ay hindi niya pa nagagawa sa akin. He only wanted me for sex. Kahit na alam ko sa sarili kong ganon lang, I still hoped there was something about us before.." paliwanag niya. Tumigil siya muna sa pagsasalita bago bumuntong-hininga. "We were childhood friends until I developed feelings for him when we were teenagers. I saw how he used girls to satisfy himself.. I was there with him. Alam kong lahat sila ay pawang sex lamang ang habol ni Bryce but I took a risk hoping na ako, of all his girls, ako ang pipiliin niya. But, I was wrong. We had sex more than once kaya nagkaroon ako ng pag-asang baka ako ang mamahalin niya. Bryce was known for being a gentleman to all people and an asshole to those who liked him. In spite of his good image, he was known for dumping girls after having sex with them once. Kaya ako nagkaroon ng pag-asa dahil nagsex kami thrice. Before the camping happened, he already dumped me saying we should stay as friends. I was broken. And then after camping, malalaman ko nalang na a random girl kissed him. I was mad at you but he explained to me na he'd search for you for stealing a kiss.. it was just a waste of time for me because Bryce was never that kind of guy. Bukambibig ka niya tuwing nagkakasama kami ng mga barkada namin.." huminto siya nang dumating ang waiter at naiserve ang mga orders namin. Tinanguan namin ang waiter at saka umalis ito. Isinenyas kong magpatuloy siya. "Until he found you. Hindi na kami masyadong nagkakasama kasi everytime I went to their house, nasa inyo pala siya. I was jealous. A random girl made him beg? Wow, you must be really something. I was jealous, I admit. I was jealous of you and at the same time, I like you. I want to be your friend kaso my jealousy won't let me. I have done those things kasi nalaman ko rin na wala pang nangyayari sa inyo ay halos baliw na siya sa iyo.." Napainom ako ng tubig sa huling sinabi niya. "I'm sorry.. really. I'm trying to move on. I'm sorry." Mahaba ang naging paliwanag niya, sapat na para maintindihan ko ang punto. Lea likes Bryce so much. Am I an intruder here? Kung hindi ba kami nagkakilala ni Bryce ay baka maging sila talaga ni Lea? But no, she just said na he dumped her even before Bryce met me. The rumors years ago weren't true. And Bryce was an ass, I don't feel that when we're together.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...