Chapter 15

8 2 0
                                    

"Hi! Good morning!" Nakangiti si Bryce nang bumungad siya sa akin sa umagang iyon. Naabutan ko siyang nakasandal sa sasakyan niya at nang nakita ako'y umayos ng tayo. Nasa labas lang siya ng bahay, hinihintay akong matapos. Hindi ko na dapat pinupuna pa dahil masyadong obvious pero hindi ko talaga maiwasan. Ang pogi niya!! Araw-araw ata siyang nagiging attractive sa paningin ko.

"Hello.. Good morning." Nahihiya kong bati pabalik. Nahihiya ako kasi this is the nth time na sinundo niya ako. Alam ko sa sarili ko na hindi lang kami 'friends' pero hindi ko mapangalanan ang tamang term ng relasyon namin. Mas okay na siguro ang no-label? Panget naman kung sabihin kong MU. Wala naman kaming napagkasunduan.

Lumapit siya sa akin. Bahagyang yumuko. Nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko.

"Mas maganda ka pa sa umaga," bulong niya. Ginapangan kaagad ako ng hiya. Uminit ang pisngi ko. Tinulak ko siya nang mahina at inirapan. Kunwari hindi affected. Natatawa naman siyang lumayo. Pati pagtawa, nakakaattract. Kahit anong gawin, nahuhulog ako.

"Ikaw, mas panget ka pa sa attitude ko," sagot ko sa kanya.

"Hindi naman panget ang attitude mo, ah." Natatawa niyang sinabi.

"Huwag mo akong binobola, Bryce. Alam nating dalawa ang totoo." Irap ko sa kanya. I'm trying so hard to divert the topic to something.. or anything.

"Really, I like your attitude. Kahit maldita ka.. well, minsan. I really like your attitude." Sinsero niyang sinabi, nakangiti. Sus, jowain mo nga ang attitude ko kung like mo nga?

"Liar," bulong ko, sapat lang na marinig niya. Nanlaki ang mga mata niya, napaawang ang bibig na lumapit sa akin.

"What? It's true." Giit niya.

"Sabi mo nga rude ako eh," iniirapan ko siya.

"You were rude. That's true but I didn't say I hate it. I like you." Medyo kumunot ang noo niya. "I kinda missed your rudeness, you know. You being maldita to me. I missed it. And I wonder why did your behavior suddenly change into something.. refined?" Taas ang isang kilay niyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Wow, gusto mo bang maging rude and maldita ako forever?" Natatawa kong tanong pabalik. Nagkibit-balikat lang siya.

"When you're with me, it's okay. Siguro, minimize it when you're with other people. Basta sa akin, kaya ko yun. I can deal with it. I like you for who you are at kahit naman anong mangyari, gusto pa rin kita." Walang-hiya akong napangiti sa sinabi niya. Biruin niyo yun? Naghirap pa akong iunlock ang good girl side ko tapos ngayon niya lang sasabihin na gusto niya pala ako sa kung ano ako. Gusto niya pala ang attitude ko tapos sinungit-sungitan pa ako noong naging rude ako sa kanya. Tiningnan ko siya at nakitang umangat ng bahagya ang gilid ng labi niya.

"Hi Bryce! Naghintay ka ba ng matagal?" Boses ni Andrea iyon. Nag-iwas ako ng tingin kay Bryce at binalingan ang pinsan ko. Napansin kong medyo wala na naman sa hulog ito. Nakasimangot, umagang-umaga.

"Hindi naman," sagot ni Bryce. Tumango lang si Andrea at walang pasabing binuksan ang pintuan sa backseat at pumasok. Nagulat ako sa inasta niya. Gusto ko siyang pagsabihan but what right do I have to question her? I've done that before.

"Sorry sa pinsan ko," hingin-paumanhin ko kay Bryce. Nakakahiya. Kami na nga ang sinundo, kami pa ang abusado.

"Sanay na ako sa kanya," natatawang sagot ni Bryce. Oo nga pala, mas madalas silang magkasama.

"Why is she acting.. that way?" Kuryosong tanong ko kahit na ako dapat ang itinatanong ni Bryce noon dahil kami ang magpinsan. Nagkibit-balikat lang si Bryce.

"I don't know," balewalang sagot niya. Pinagbuksan niya ang shotgun seat para sa akin. Pumasok naman ako kaagad. Lumipat siya kaagad sa driver's seat at maya-maya ay pinaandar ang sasakyan.

Embracing the Cold Where stories live. Discover now