Isang linggo na magmula nang maghiwalay kami ni Bryce at sa loob ng isang linggong yun, walang palya siyang pumupunta sa bahay, sinusuyo ako. Hindi ko siya pinapansin sa bahay man o sa skwelahan. Sa tuwing nandiyan siya ay tinuturing ko lang siyang hangin. Masakit para sa akin. Masakit na masakit. Fresh pa sa utak ko ang mga nalaman. Fresh pa ang lahat sa akin. Isang linggo na rin akong nagc-club at umiinom. Kasama ko si Paulo, Kessi at Nasha at iba pang mga kaibigan nila. Maging sina Andrea at Anthony ay hindi ako makausap ng matino patungkol kay Bryce. Alam ni Bryce kaya sa tuwing nagbabar o clubbing kami ay nakabantay siya mula sa malayo at wala akong pakealam. Palagi siyang nandoon at kahit na ilang mura ang sabihin ko ay hindi siya natitinag.
"Saang bar na naman mamaya?" Tanong ni Nasha nang nasa cafeteria kami, kumakain ng lunch.
"May quiz tayo bukas, wag na muna. Skip muna," sagot ni Kessi.
"Crush mo lang si Sir eh kaya gusto mong magpaimpress sa kanya," ngisi ni Nasha. Inirapan siya ni Kessi.
"Ang panget nun, Nasha. Pwede ba iba nalang?" Sagot ni Kessi. Tahimik akong kumakain at nakikinig sa kanila. Bahagya silang tumahimik kaya nag-angat ako ng tingin sa kanila. Hindi pa man ako tapos kumain ay pairap akong tumayo. Nawawalan ako ng gana.
"Mauna na ako sa inyo," paalam ko sa dalawang kaibigan ko.
"Hindi ka pa tapos, Quish." Mahinang sinabi ni Bryce. Wala siyang kasama. Binalingan ko lang siya at hindi pinansin.
Ganoon lagi ang set-up sa tuwing sumusulpot si Bryce. Kahit sa paghahatid-sundo ay wala rin siyang palya. I've been close to Paulo, kahit noon kaya walang malisya sa aming dalawa ang pagsasama niya sa akin. We both feel the same way at alam naming platonic love ito. Ang sarili kong sasakyan na matagal ko nang hindi nagagamit ay ginamit ko na.
Malapit nang matapos ang first sem kaya naman nagkayayaan kami na magnanight out na naman.
Wearing a red tube inches above the knee dress paired with my denim jacket, I'm all ready. I'm wearing my red stiletto. Nilugay ko ang buhok ko at nakafull make up na rin. Noong una, I did this to forget the pain Bryce caused me pero unti-unti, I'm loving how it feels. The alcohol. The people. The music. The lights. Everything.
But one thing is for sure, I'm still not over him. I cannot forget the pain no matter how hard I tried to. I can forgive but I will never forget and that's just toxic. So might as well end it there kaysa naman magkabalikan kami. Ang toxic.Pumasok na ako sa sasakyan ko at nilagay ang purse sa shotgun seat. Ganito siguro kapag sobra kang nasaktan? Sa sobrang sakit halos wala na akong mailuha. He's my first boyfriend. Pinagkatiwalaan ko siya. Akala ko okay kami eh. Akala ko lang pala yun.
Nakarating ako sa tagpuan namin ng mga friends ko, agad akong pinapasok. Nahagip ng paningin ko ang sofa na punong-puno ng mga tao. Kumaway sila sa akin, tumayo si Nasha at Kessi at sinalubong ako ng yakap.
"Akala namin di ka darating," sabi ni Kessi.
"Ako pa ang hindi makakarating? Hello? I need this air!" Maarte kong sagot sabay flip hair. Tumawa lang silang dalawa.
"Andito boyfriend mo, ay ex pala," si Nasha. It's not new. Kung nasaan ako, nandoon din naman siya.
"Pasmado bunganga mo," saway ni Kessi kay Nasha. Inirapan ko lang sila dalawa at hinila na pabalik sofa. Kilala ko na ang mga tao dun. Binati nila ako, binati ko rin sila pabalik. Ang ingay sa loob ng club ay nagsilbing fresh air para sa akin. Huminga ako nang malalim at bahagyang pumikit, inalala ang lahat kung bakit ko nabuksan ang mundong ito. Dahil sa isang taong minahal ako pero nagawa pa rin akong saktan. Dahil kay Bryce.
Nilagok ko ang isang shot glass na may lamang alak na bigay ni Kessi.
"Asan si Paulo?" Sigaw ko kay Kessi dahil hindi na kami nagkakarinigan sa sobrang lakas ng music.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...