Nakarating kami sa basement sa condo- niya na ibinigay niya sa akin noon. Tahimik kong kinalas ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan.
"How are you?" Mahinang tanong niya, nakasunod sa akin patungo sa elevator. Hindi ko siya nilingon, taas-noo akong pumasok sa elevator nang bumukas ito.
"Okay lang. Ikaw?" Mataman kong sagot. Hindi siya nagsalita nang ilang saglit. Okay ba ako sa tingin mo Bryce? I should be okay outside pero hindi. Hindi ako okay. And you are the reason, sa isip ay sumbat ko sa kanya.
"I heard.. you're dating Paulo?" Tanong niya, binalingan ko siya. Nakakunot ang kanyang noo.
"It's none of your business," malamig kong utas at itinoon ang paningin sa harap.
"He's my friend.. and you're.. uh, my ex." Nag-aalinlangan niyang sinabi.
"You're an ex, that should make you mind your own business." Mataman kong sinabi. Be cold, Quish. You're not going soft again. You are strong! Never let yourself be fooled again. Once is enough.
Bumukas ang elevator at nauna akong lumabas sa kanya. Naglakad ako papunta sa unit, binuksan ko kaagad ang pinto. My things are in the hotel pero hindi naman iyon karamihan. Pawang mga damit lang. I'll just get it tomorrow.
"Are you okay here?" Maya-maya ay tanong niya nang nakapasok na rin siya at nakaupo sa sofa. Bumaling ako sa kanya. Nakadekwatro siya habang ang dalawang braso ay nakaakbay sa armrest ng sofa.
"I am, you can go. Thanks," malamig kong utas bago pumasok sa kwarto. Tahimik akong pumasok ng banyo at naligo. Naitext ko na rin ang mga friends ko na hindi ako makakarating.
Kaya ko naman pala. Kaya ko naman palang harapin siya. Kaya ko pero hindi ibig sabihin, okay ako. Kaya ko pero nasasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako.
Kinabukasan ay sinamahan ako ni Paulo sa Library Cafe na ipapatayo ko. Okay na ang lahat, a big thanks to Pau though. Hindi naman sa kanya ang ginastos pero siya ang naghanap ng mga tauhan para mabuo ito. May mga tauhan na rin para dito. Ang mga librong self-published ko ay nai-arrange na rin doon sa shelves. Meron ding mga novels and all fictional stories na gawa ng iba't-ibang authors. I love it. It's like a dream come true. Kahit hindi kalakihan ang lugar ay sapat ito para maging tambayan ng mga kabataan. May mga sofas and tables na nakahanda. May maliit na counter kung saan sila o-order habang nagbabasa. Sakto rin ang lugar dahil malapit ito sa isang public school. For sure, maraming estudyante ang dadayo dito.
Pagkatapos ng opening ay unang araw na ng negosyo ko.
Finally, something I can call my own..
"Andrea, kailan ang susunod na meeting? I'll show up," tanong ko isang araw nang umuwi ako sa bahay at naabutan ang dalawa sa sala na masinsinan ang naging pag-uusap. Gulat siyang napalingon sa akin, sinuklian ko siya ng malamig na tingin.
"We'll inform you," sagot niya. Tumango ako. Not wanting to make a longer eye contact with her. I still can't believe they all fooled me and acts like nothing.
"I'm kind of busy but beep me up anytime. I also want to go public and introduce myself as the heiress," malamig kong utas.
Napatayo siya sa gulat. Tinaasan ko ng isang kilay ang naging agresibo niyang reaksyon.
They're still into it? Pretending she's the only Yap?
"Quishanette! No, please.. not yet.." pagmamakaawa niya. Hindi ko siya matingnan. I hate how still soft I am inside and how this side of hers affects me.
"Bakit?" Kaswal kong tanong, binalewala ang boses niya.
"Delikado, please. Give us a month to settle everything," pakiusap niya. Ngayon ay nagawa ko nang tingnan ang mukha niya. She seems uneasy.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...