"I'm sorry, I love you." Basa ko sa aking isip sa letter sa panibagong bulaklak na padala ni Bryce sa akin ngayon. It's been straight 3 days since that day. Hindi ko na siya masyadong kinakausap pa. Mas nakakatulong din ang pagiging busy naming dalawa. I'm not avoiding him, I'm just embarrassed how those words came out to my mouth that easy. I didn't really mean it. Para bang napaka-ungrateful ko for saying those words. I'm not, I was just mad.
"Quish, are you okay?" Tanong ni Tita Ynah nang sabay kaming naghapunan. Tiningnan ko siya at tinanguan.
"Yes po tita," mahina kong sagot at ginalaw ang pagkain ko.
"I heard about your relationship with Bryce. Anak, you can rest or take a break. I don't want to put pressure on you just because you are bound to marry each other. You know, I like that boy but if you can't take it anymore, you can leave." Mahinahong sinabi ni Papa. Napailing ako sa sinabi niya. There's no way we're ending for real.
"Pa, we're okay. Tampuhan lang," sagot ko. Tumango si Papa at nagpatuloy sa pagkain.
"Anyway, tomorrow we'll visit your grandparent's grave." Sabi ni Tito. Tumango lang kami sa mga sinabi nila. They'll be out of country again. It's not something new to us, they're always out of the country for business matters.
Kinabukasan ay pumunta kami sa sementeryo para magpaalam sina Papa kina Lola. We usually do this, for guidance and protection.
"Ma, Pa, ang hirap ng buhay. But we can't just give up because our children needs us," sabi ni Papa sabay pasada sa lapida nina Lolo and Lola. Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Tinapik siya ni Tito sa balikat.
"Kuya, nandito si Quisha.." mahinang pagpapaalala ni Tito na siyang nagpalingon kay Papa sa akin. Nginitian lang ako ni Papa. Naguguluhan ko naman siyang tiningnan-pabalik. Iminwestra ako ni Papa na lumapit sa kanya. Lumapit ako at inakbayan ako ng aking ama.
"Puntahan natin ang mama mo mamaya," nakangiting saad ni Papa. Tahimik akong tumango. He's acting weird. Binalingan ko si Tito at Tita na nakatingin sa amin ng malungkot. What's the problem? Is it me being tied this early? Hindi pa naman ako kasal. Nilipat ko ang paningin ko sa dalawang pinsan na tahimik na nagbubulong-bulongan. Nang natapos ang pag-alay namin ng prayers ay sinamahan ko si Papa sa grave ni Mama. Hindi kalayuan sa kung nasaan sina Lola. Inalayan namin ito ng bulaklak.
"Miss na miss na kita, mahal." Bahagyang lumuhod si Papa at binulong ito sa lapida ni Mama. Tahimik akong nakatayo sa likuran niya. "Our daughter grew up to be so fine. Sana nandito ka. Sana nalaman ko noong una pa lang na may sakit ka. Sana.. sana naagapan ka. It's been almost 2 decades and I can't help but blame myself. Anong klaseng asawa ako at hindi ko nalaman kaagad?" Hindi ko na napigilan ang paghaplos sa likod ni Papa nang narinig ang hikbi niya. "Mahal na mahal kita," napaiyak na si Papa. Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa pisngi niya. Tiningnan niya ako at nginitian. "Anak, mahal na mahal kita. Kinakaya ko lang ang lahat dahil sayo. Pero kung darating ang panahon na mawawala ako sa mundo, piliin mong maging masaya. Magpatawad." Sabi ni Papa at tumawa habang pinupunasan ang luha sa kanyang pisngi. "Ang drama ko, Quish." Tawa niya pero hindi ako makatawa.
"Pa, hindi ka mawawala sa mundo. Please huwag kang magsalita ng ganyan. Ayoko. Kailangan pa kita, Pa at kahit kaya ko nang tumayo sa aking sarili, kakailanganin pa rin kita." Mahaba kong sinabi at hindi na napigilan ang paghikbi. Isang mainit na yakap ang ibinigay ni Papa. A hug that comforts me.
Hinatid namin sila sa airport nang araw na iyon. Sabay kaming tatlong umuwi ng pinsan ko. Tahimik lang ang dalawa.
"May problema ba?" Usisa ko nang malapit na kami sa bahay ay tahimik pa rin ang dalawa. Bumaling si Andrea sa akin at ngumiti.
"Wala naman Quishanette," sagot niya. Hindi ako kontento doon pero kung wala naman talaga, iyon nalang ang paniniwalaan ko. Nang nakarating sa bahay ay diretso ako sa kwarto para maligo at magbihis. Nang natapos ay tiningnan ko ang phone ko na may 3 missed calls galing kay Bryce. Dinial ko ang number niya at agaran naman ang pagsagot niya dito. We didn't lose contact. I still reply to his texts kahit hindi kami ayos.
YOU ARE READING
Embracing the Cold
General FictionMayaman ang pamilya ni Quishanette Yap but she wants her life to be private. She disassociated herself from her famous surname and continued making friends and doing things she likes. Nakilala niya si Bryce Lim, isa rin ito sa mga mayayamang angka...