KABANATA 52: Muling pagkikita't isang favor

16 0 0
                                    

Muli pagkikita’t isang favor

Chris POV

Wala na ata akong oras para sa aking sarili. Training dito, competition doon. Kung sa bagay ganoon ang buhay guro talaga. Isinasama rin pala ako sa JS prom ng mga bata. Ano naman ang pwede kong gawin doon? Tama. Magbantay.

Walang tao sa faculty bukod sa akin. Nasa klase kasi yung ibang guro. Kaya ako lamang mag-isa nagmumuni-muni kung paano ako magkakaroon ng oras sa aking sarili.

Biglang bukas ng pintuan. Si Jessie.

“May kailangan ka?” Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin sabay sabi na hinahanap niya yung table ni Mr. Pili para kunin ang mga notebook nila.

“Doon siya nakaupo sa may gilidan. Yung malapit sa bintana.” Sabay turo yung pwesto ni Mr. Pili.

“Sir pwede po bang pumasok? Kunin ko lang po yung mga notebook.” Paalam niya sa akin. Pumayag naman ako.

Pumasok siya sabay kuha ng mga notebook. Medyo nahirapan siya sa dami kaya agad akong tumayo’t tinulungan siya.

“Ako na bahala rito.” Wika ko sa kanya.

“Okay lang po sir. Ako na po.”

“Ako na Jessie.” Pamimilit ko sa kanya. Bigla ko na lamang nahawakan ang kanyang kamay. Parang ako ang nailang bigla sa kanya.

“Naku pasensya na.”

“Wala poi yon sir.”

Nagbago siya. Ramdam ko iyon. Kung dati namumula siya’t pautal-utal pa. Ngunit ngayon parang hindi na siya yung Jessie na nakilala ko.

“Are you still the Jessie I’ve known before?” Napatingin siya sa akin nang tinanong ko iyon. Expressive ang kanyang mga mata ngunit walang kaba akong nararamdaman.

“Ako pa rin ito sir. Yung Jessie na may crush pa rin sa iyo.” Biglang tawa niya. Napatawa rin naman ako sa kanyang sinabi ngunit nakakagaan ng loob. Isang compliment na matatawag.

Habang inaayos ang mga notebook na nahulog sa sahig, nagtanong siya kung anong meron na sa akin.

“Sa’kin? Tulad pa rin ng dati.”

Dahan-dahan kaming tumayo at inabot ang mga notebook.

“Sir, maaari ka po bang magmahal ng dalawang tao sa iisang puso?”

Nagulat ako nang tinanong niya iyon sa akin. Pakiwari ko mabigat ang kanyang dinadala ngayon. Tila nalilito.

“Hindi. Binigyan tayo ng iisang puso para magmahal lamang ng iisang tao.”

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon