KABANATA 44: The Show

27 0 0
                                    

The Show

Abigail's POV

“So mahal mo na kaibigan ko?” Tanong ni Jackie kay Yael. Napalunok ako ng laway at titig na titig sa kanilang dalawa. Hindi ko palalampasin ang bagay na ito. Ano kaya ang isasagot ni Yael? Posible kaya?

Naman! Tumakbo papalayo si Yael kay Jackie. Dami pang arte kasi!

“Hoy Yael! Di mo pa sinasagot ang tanong ko?” Hirit ni Jackie sa kanya.

Biglang hinto ni Yael sabay lingon kay Jackie. Pulang-pula ito at di maitago ni Yael ang sobrang kasiyahan. Halata na sa kanyang itsura ang taong in love.

“Mahal ko na siya buhat na nagkakilala kami.” Sigaw ni Yael sabay alis.

The shocking revelation! Totoo itong narinig ko! Hindi ako nananaginip at di rin ako nagkakamali. Si Yael may gusto kay Jessie. Malinaw na malinaw. OMG! Gusto kong manira ng halamanan kung saanman ako nagtatago ngayon. Kaso hindi pwede. Gusto kong maging good girl image sa school na ito.

Hindi rin makapaniwala si Jackie sa kanyang narinig pero halata sa kanyang kumekembot na bewang ang sobrang kilig. Nakakainis ang babae na iyon! Ano bang meron sa kanya na di makita-kita sa tulad ko? Kung pakapalan ng mukha mas nakakaangat ako sa kanya. Kung pa-seksihan lamang ako at sa tangkad hindi ako nagpapatalo roon sa pandak na iyon.

Dahan-dahan akong tumayo sa aking pwesto para di ako marinig ni Jackie. At nang makarating na ako sa ligtas na lugar agad akong kumaripas ng takbo pabalik sa aming room. Bigla kong binuksan ang pintuan sabay sigaw… “Si Yael, isang senior student, umamin na may gusto kay Jessica.” Napatameme ang mga kaklase ko at nagsilapitan ang mga babae.

“Really Abi?” No jokes”

“Swerte naman niya. Sana ako rin gusto ni Yael.”

“Paano na ako nito? Broken na ako sa puso ni Yael.”

“Mang-aagaw!”

Ang dami nilang sinasabi. Hindi ko rin natanto na may mga kaklase akong may gusto at patay na patay kay Yael. Si Zack hindi mapinta ang tingin niya kahit na malayo ang kanyang tinatanaw. Hindi maitago sa kanyang itsura ang selos.

“Pero hindi iyon ang issue girls kasi si Jessie she is head over heel in love with our dearest teacher na si sir Chris. At take note those two met already sa isang parke.” Wika ko sa mga kaklase ko.

Gumawa nan g tsismis ang mga kaklase ko. Si Zack nanlilisik na tumitig sa akin. Hmmmp! Sinasabi ko lang ang totoo.

“Ang pinakahihintay ko ay yung umamin si Jessie kay sir Chris. Yun ang malaking scope sa lahat.” Wika ko sabay tawa.

Tumayo si Zack kanyang kinauupuan at nagtungo sa aking pwesto. Hindi ko inaasahan ang kanyang gagawin sa akin. Hinila niya ako palabas ng room.

“Aray! Nasasaktan ako Zack.”

Pabalibag niyang sinara ang pintuan sabay bulong sa akin.

“Walang masamang ginawa si Jessie sa iyo. Wala siyang inagaw at higit sa lahat hindi siya gumagawa ng kwento na ikasasama mo. Kaya pwede ba Abigail stop telling lies! Leave her alone!” sabay alis.

Nakakainis na! Ano bang meron sa babae na iyon talaga!

Zack! Magiging akin ka. Akin lamang.

Pagbalik ni Jessica siya ang magiging bida ng aking palabas.

My Brainy pad POV

Sa wakas nakapag-update na rin. -_- Super busy at di ko rin naaasikaso itong kwento ko pero salamat ng marami sa mga nagbabasa nito. Feel free to give comment at suggestion po. Don't worry lahat tinatanggap ko ^_^v

Ano kaya ang mangyayari? Sino kaya sa kanila ang gusto ni Jessie. At ano ang malaking pasabog ni Abigail sa kanya?

Lahat ng iyon malalaman natin ^_^v

Muli, salamat ng marami. More hugs sa inyong lahat :))

Feel free rin na kausapin ako ng kung anu-anong bagay. Magtanong ng kung anu-ano :))

Enjoy reading :)

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon