KABANATA 15: Ano ba ang nangyayari sa akin?!

37 1 0
                                    

Ano ba ang nangyayari sa akin?!

Jessica's POV

Kasing bilis ng kidlat ang kilos ko kanina. Talagang tinapos ko ang mga dapat kong matapos. Hindi muna ako sumabay kay bestfriend dahil uunahin ko munang matapos ang aming project at di mawawala siyempre ang makita si sir Chris. Gusto kong tumalon sa tuwa. Yipieeeeee!!! ^_^

Nagpasabi na rin ako sa mga kagrupo ko na ako na bahala sa interbyu... "leave that to me" ang drama ko. Buti na lang at pumayag sila. Dobleng na naman ulit. Yipieeee at another yipieeeeee ^_^

Napadaan muna ako sa faculty para tignan si sir Chris doon kaso wala na siya. Next destination ko at final na iyon ang gym. Marami pang oras para sa aming interbyu pero hindi ko mapigilan na puntahan na ang gym. Happy? Super! Hahahaha ^_^

Pagkadating ko roon, nakita ko si sir na nakaupo sa isang bench. Pinapanood maglaro ang kanyang team. Bakit ang gwapo mo sir Chris?

Hay... kung hindi ka lang teacher... kaso teacher ka e... no choice kundi maging crush kita forever.

Habang nakatayo bigla niya akong nakita. Napatayo siya sa kanyang kinauupuan at tinungo ako kung saan man ako nakatayo.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba ako? Magtatago? Wala na! Huli ka na Jessica... palapit na siya.

"Ang aga mo ata, iha." Wika niya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. Yung gulat factor bigla kong naramdaman.

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako sa kanya, ngingiti lang ba ako o aalis na lamang. Nagusot ko tuloy ang notebook na dala ko. Naman! >.<

"uhhhmmm...uhmmmm...uhhhmmm... na—ka—kaistor—bo po ba ako?" Pautal-utal kong tanong sa kanya. Hala... kinakabahan ako -_-

Napangiti na lamang si sir sa akin. Naku... nakakatunaw ang kanyang ngiti.

"Hindi naman iha. Halika't manood ka muna ng practice nila." Wika niya.

Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit tumanggi ako sa kanya. Pa-cute effect... hihihihi. ^_^

"I insist, iha. Wala naming masama kung manonood ka ng practice nila." Biglang upo ni sir Chris tapos niyaya rin niya akong umupo malapit sa kanya. Aba minsanan lang ito kaya ayun... umupo rin ako malapit sa kanya. Hihihihi... haba ng hair ko. Feeling nasa heaven ako. Biruin ninyo, nakatabi ko si sir. Sarap ng feeling *__*

Inaayos ko talaga ang pagkakaupo ko. Yung upong dalaga talaga. Kaso hindi ko siya matitigan kaya nakatutok lamang ako sa practice game ng kanyang team.

"Mahilig ka sa basketball?" tanong ni sir Chris.

Napatingin ako sa kanya. Gwapo talaga *____*

"Takot po kasi ako sa bola at isa pa mahihina ang tuhod ko sa laro na iyan." Wika ko sa kanya.

"So ano ang sport na nilalaro mo ngayon?" dugtong niya.

"tennis." Sabay tawa naman ako.

"That's great." Puri niya sa akin.

Tumawa ako bigla sabay sabi na wii console lang ang tennis na alam ko. Napatawa rin si sir Chris. Grabe pati tawa, nakaka... basta hindi ko maexplain hahaha *___*

"What is your name, again?" tanong niya sa akin. Hindi ba niya maalala pangalan ko?

Ay... hindi ko pala sinabi sa kanya yun o baka naman nakalimutan niya talaga. Di bale pwede namang ibigay ang pangalan ulit e.

"Jessica po."

"So bukod sa tennis sa wii, ano pa ang nilalaro mo?" tanong niya sa akin.

"Mario kart po." Sagot ko naman.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon