KABANATA 53: Everything

22 2 0
                                    

KABANATA 53: Everything

Everything

Abigail POV

Malapit na ang prom ng mga junior at senior. Usap-usap na rin kung saan gaganapin. Makapunta nga. Subukan ko kayang tignan kung ano ang mangyayari sa magiging prom nila. Hindi na rin masama kung titignan ko kung sino ang magiging prom king and queen ng gabi.

Tinaas ko ang kamay ko para boluntaryong kunin ang naiwang gamit ni sir sa faculty. Hindi naman nakuha ni Jessie ang lahat ng gamit bukod sa notebook na pinakiusap ni sir sa kanya.

Habang patungo roon nakita ko na may kaunting awang ang pintuan ng faculty. Marahil may gurong nakalimutang isara iyon ng maayos. Kakatok na sana ako nang maanilag ko ang senior student na si Yael na kausap si sir Chris, yung PE teacher ng school.

"Maaari po bang sabihin ninyo po sa aking adviser na umatend ako ng JS prom kahit na wala akong balak umatend." Wika ni Yael. Hindi ko siya maunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin. Siguro tatakas siya sa araw ng JS. Yung kunwaring a-attend pero hindi pala.

"Gusto ko pong makasama ang taong gusto ko po, sir. Mahal ko na siya. At ayaw kong lumapas pa ang mga araw na hindi ako magtatapat sa kanya. Gra-graduate na ako, sir. Kailangan kong masabi sa kanya ang totoo." Dagdag niya.

Parang alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Si Jessie yun panigurado. Magtatapat siya ng pag-ibig niya.

"Paano kung hindi kita payagan kasi ayaw ko siyang ibigay sa iyo? Ipaglalaban mo pa rin ba?" Wika ni sir Chris. OMG! Si sir unti-onti ng nagkakaroon ng pagtingin kay Jessie. Malanding babae! Yung senior, si sir tapos si Zack. Aba! Nanggigigil ako sa inis! Nanggigil ako sa galit. Bahagya akong umuro palayo sa pintuan. Naglakad ako papalayo at nagtungo na sa aming classroom.

"Oh asan na ang gamit ko, Abigail?" Tanong ni Mr. Pili sa'kin.

"Sorry po sir hindi ko po nakita." Sabay upo.

Saglit na nagpaalam si sir para personal niyang hanapin ang kanyang gamit. Inutusan niya si Zack na maglista ng mga estudyanteng hindi gumagawa ng seatwork.

Halos busy ang lahat ngunit hindi ako magpapatinag. Tumayo ako't nagtungo sa unahan.

"Zack just give me a moment. May sasabihin lang ako sa buong klase." Pakiusap ko sa kanya.

"Okay."

"Papalapit na ang aking kaarawaan at lahat kayo ay imbitado especially you Zack and Jessie."

Napatingin si Jessie sa akin na tila nagtataka.

"Bakit special mention ako para birthday mo?" Tanong ni Jessie.

"Siyempre. We are super friends. Malulungkot si Zack kapag hindi ka sasama."

Naghiyawan ang mga tao nang binanggit ko iyon.

"Bruhilda. What's the deal at bakit gusto mo umatend ang super friendships ko. Dah! Super friends daw. Tupperware!" Wika ni Jackie. Nagsitawanan ang mga kaklase ko nang sinabi niya iyon.

"Jackie don't be so mean. Gusto ko siyang maging kaibigan. In fact, wala naman akong dahilan para awayin pa siya. Alam ko na at tanggap ko na."

Tinaasan lamang ako ni Jackie ng kanyang kilay sabay irap sa akin.

Isa sa mga kaklase ko ang nagtanong kung kailan ang aking birthday.

"Sa araw mismo ng JS prom. At dahil first year pa lang tayo, mala-JS prom ang magiging theme ng aking birthday party. Kaya wear your beautiful gown, coat and tie sa araw ng birthday ko."

Nagsihiyaan ulit sila ako naman nakangiti lang.

Sa araw ng birthday ko, hindi lang si Zack ang mawawala sa iyo Jessie. Yung senior, sir Chris at si Xavier mawawala sila sa tabi mo. At unti-onti kitang sisirain sa super friendships mong si Jackie.

Hamanda ka. This is my time. This is your time, Jessica!

MY BRAINY PAD POV

Ang tagal ko na ring hindi nakapag-update.

Busy? Pupwede rin.

Kamusta kayo? Habang papalapit na ang araw ng JS bigla na lamang may pasabog itong si Abigail.

Bakit kasi ayaw na lamang niyang tanggapin ang happy ending ng kwento?

Ano kaya ang kanyang balak? Ano kaya ang gagawin niya kay Jessie?

Abangan.

Sa mga nagbabasa ng aking kwento, maraming-maraming salamat po.

Alay ko po ito sa inyo. ^_^

Keep smiling, guys ^_^v

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon