KABANATA 11: Naman!

46 1 0
                                    

Naman!

Zack's POV

Maaga akong pumasok sa kadahilan para makita ko siya.

Gusto kong makita siyang pumasok mula sa pintuan ng aming klasrum.

Kaso iba ang nakikita ko ngayon, si Abigail, panay ang tingin sa kanyang salamin.

Obvious naman na tinitignan niya ako mula sa salamin na iyon.

Wala rin naman akong mapapala kaya tumingin na lang ako sa may bintana.

Ubusin ang oras ko kakatingin sa mga ulap, sa mga ibon na lumilipad at yung pagpagaspas ng hangin sa puno.

Napaisip ako bigla na malapit ng dumating ang weekend, mayaya nga si Jessica.

Wala namang pasok at weekend naman iyon.

Tama! Sa Sabado.

Hindi ko napansin na dumating na siya.

As in nasa tabi ko na siya.

Napaisip ako kung ano ang pwede kong sabihin sa kanya.

Napalunok ako ng laway.

"Jessica are you free this Saturday?"

Yes! Nasabi ko na rin!

"Depende kung yayayain ako ni Jackie na mamasyal."

Wika niya sa akin.

Sana hindi siya yayayin ng kaibigan niya.

Kaso biglang dating ng kanyang bestfriend, si Jackie.

 Nagulat ako sa sinabi ng kanyang kaibigan at napatingin kay Jessica.

"Wala akong gusto sa lalake na iyon!"

Napangiti ako sa sinabi ni Jessica.

May pag-asa pa ako sa puso niya.

Biglang singit naman ni Abigail. Kaasar naman itong babae na ito!

"Zack. I'm free on Saturday and even on Sunday. Let's meet at the park. 3 PM sharp. Deal!"

Hindi naman ikaw ang tinatanong ko! Kaasar talaga.

Napatingin ako kay Jessica. Ganoon din siya sa akin. Sana mabasa niya kung ano ang sa utak ko. Sana pumayag siya na mag-date kami.

"Nandiyan pala si Abigail. Free na free. Kayo na lamang ang umalis. Tutal pareho kayong hindi busy sa araw na iyon."

Wika ni Jessica.

Nalungkot ako sa aking narinig.

Grabe naman siya. Gusto kong tumawa sa aking narinig na may halong lungkot.

Talagang pinamimigay niya ako sa iba.

Jessica talaga. Hahahaha.

Napabuntong-hininga na lamang ako.

Konting tiaga pa, Zack... mapapansin ka rin niya.

Tiyaga pa.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon