KABANATA 50: Yaya... possible kaya?

26 0 0
                                    

KABANATA 50

Yaya… possible kaya?

Yael’s POV

Antok pa ako pero pinilit ko ang aking sarili na bumangon sa kama at pumasok ng maaga. At heto ang aking napala.

Wala pa yung mga kaklase ko.

Wala akong makausap.

Wala. Walang-wala sila. Tumayo ako at lumapit sa aming pisara. Kumuha ako ng isang chalk sabay sulat ng aking pangalan.

“Yael”. Nag-isip ako ng sunod kong isusulat at wala pang ilang minuto ay naisipan kong isulat ang pangalan ni Jessie.

Yael… Jessie… napahalakhak ako di oras. Pakiramdam ko kinilig ako. Gumuhit ako ng isang malaking puso kung saan yung pangalan naming dalawa ay nasa loob nun.

Naks naman. Feeling grade school lang ako ngayon. Bahagya akong lumayo at tinitigan sa malayo ang aking sinulat.

Yael… Jessie.

Titig na titig ako. Iniisip ko kung ano ang pwede naming gawin kung magiging kami.

Kami? Kami talaga? Hindi biro? Hahahahaha. May maliit na salamin mula sa aking kinatatayuan at ako’y napatingin doon. Halata sa aking tenga na ako’y namumula. Humarap ako sa salamin at nagsimula ng mag-monologue.

“Yael. Aminin mo gusto mo na si Jessie no?”

Obvious naman e.

“Yael. Kalian nagsimula yan?”

Kailan? Hmmm noong nakita ko siyang umiiyak. Ata.

“Yael. Sa tingin mo gusto ka rin niya?”

Malay ko. Hindi ko hawak ang kanyang puso.

“Yael. Paano kung gusto ka rin niya?”

Hahahahahaha.

“Bawal tumawa Yael! Sagutin mo ang tanong ko kaya.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon