KABANATA 46: Out of Sight

43 0 0
                                    

Out of sight

Xavier’s POV

May sakit si Jessie. Iyon ang laman ng text message ni Jackie sa akin. Bihira lang magkasakit ang babae na iyon. At di ko alam ang dahilan kung bakit nagkasakit siya. Pagod? O sadyang tao rin siya na tinatablan ng karamdaman.

Mula sa bintana ng aming classroom, tanaw na tanaw ko si Jackie kasama si Yael, yung senior.

May kausap sa cp si Jackie. Si Jessie kaya iyon? Kung sa bagay kailangan ni Jessie ng makakausap. Kung ako kaya tumawag rin? Ano naman ang sasabihin ko kung sakaling tumawag ako sa kanya?

“Xavier palalabasin kita kung hindi mo ititigil yang mga mata mo! Kanina ka pa nakadungaw sa labas.” Sigaw ng Filipino teacher ko. Ngumiti na lamang ako sabay tingin sa libro.

Buhat ng sinabi ni Jessie na friends na lang kami dumistansya na ako. Ayaw ko naman na maging pampagulo sa kanya. Kung kakailanganin saka ako lalapit.

“Batay sa paksang ating binasa, maihahalintulad ba ninyo ang inyong sarili sa bida? Bakit?” Tanong ng aming guro.

Bahagya kong binasa ang paksa. Hindi ko kasi maintindihan kung anong meron. Baka bigla akong tawagin at mabokya kung hindi ako nakasagot ng tama.

“Xavier baka gusto mong sumubok.” Patay na.

Dahan-dahan akong tumayo sa aking kinauupuan. Binasa ko ulit ang paksa para naman magkaroon ako ng kaunting ideya kung ano ang pwede kong sabihin.

“Ano Xavier?”

“Kung ako man po ang magiging bida siguro po gagawin ko rin yung ginawa niya.” Sana tama ang naging sagot ko.

“Hayaan ang iyong kaibigan. Lumayo sa kanya at hindi siya intindihin?” Wika ng aking guro.

Napaisip ako na parang mali ang aking naging sagot.

“Ay ma’am joke lang po iyon. Hahahahahaha”

Nagsitawanan din ang mga kaklase ko. Yung kilay ng guro ko malapit ng magsalubong. Mapapagalitan na ata ako nito.

“Baka gusto mong seryosohin ang sagot mo. O bigyan kita ng bilog sa iyong recitation.” Aniya.

“Kung anuman po ang nangyari sa pagitan nila yung pagkakaibigan dapat hindi kinakalimutan. May mga bagay na pwedeng ninyong pag-awayan, pwede rin hindi kayo magkasundo sa isa’t isa at higit sa lahat yung ugali ninyo hindi pareho. Dahil doon baka sumuko ka sa kanya o di kaya sumuko rin siya. Ngunit hindi dapat ganoon. Gaano man kalala ang sitwasyon kung talagang kaibigan mo siya hawak-kamay kayong susulong at magtutulungan.”

Napatameme ang lahat. Yung itsura ng guro ko tila hindi niya maunawaan ang sinabi ko.

“Xavier maganda sana ang sinabi mo kaso ang layo naman sa naging tanong ko.”

Lagot na talaga ako.

“Lumabas ka nga at tumayo malapit sa pintuan.”

Sinunod ko naman siya. Yung mga kaklase ko ang tahimik at nagsitinginan sa kanilang mga libro.

Tumayo ako at hinintay na matapos ang klase sa Filipino. Nakakangawit pero wala naman ako magawa. Kasalanan ko naman kasi hindi ako nakikinig kanina.

“Bakit nasa labas ka?”

Napatingin ako sa gawing kanan at nakita ko si Zack na naglalakad.

“Wala ba kayong teacher kaya ka nakakagala ng ganyan?” Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lamang siya sa akin at dinaanan lang ako. May problema ata. Bigla siyang napahinto at napatingin sa akin.

“Susuko ka na ba kay Jessie?” Tanong niya sa akin.

“Ayaw mo bang subukang makipagbalikan sa kanya?” Dugtong pa niya. Napatingin ako sa kisame at napaisip. Hindi ko maisip na tatanungin ako ni Zack ng bagay na iyan. Seryoso talaga siya kay Jessie lalong-lalo na si Yael kahit na di aminin ng senior nay un, halata naman sa kanya na.

“Sige huwag mo ng sagutin ang tanong ko. Una na ako at baka makita ako ng ibang teacher.” Tinutuloy ni Zack ang kanyang paglalakad nang bigla kong tinawag ang kanyang pangalan. Huminto’t napatingin siya sa akin.

“Hindi ko alam kung sino sa inyo ang mahal ni Jessie. Ang mahalaga huwag siyang maging malungkot kung sinuman ang piliin niya sa inyo. Yung ngiti niya ang pinakamagandang bagay na gustong-gusto laging nakikita. Hindi man tumagal ang aming pagsasama mahalaga pa rin siya sa akin, bilang kaibigan.”

Tumawa ng malakas si Xavier. “Ang layo ng sagot mo. Pero salamat.” Sabay alis.

Hindi na naman matino ang sinabi ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Kanina pa akong walang tamang sagot. Kanina pa sablay ang mga sinasabi ko.

Habang nag-uubos ng oras kinuha ko ang aking cp at tinext si Jessie.

Pgaling u. Get well. With matching smiling face.

Isang “thanks” ang naging reply niya sa akin. Bigla na lamang ako napangiti. Kahit ganito kami napapasaya niya ako. Sapat ng maging kaibigan kaming dalawa. Basta importante maging maligaya siya.

Yung ligayang hindi ko naibigay sa kanya maibigay sana kung sinuman sa kanila ang iibigin ni Jessie. Baka nga higit pa roon.

MY BRAINY PAD POV

Busy sa mga gawain kaya heto ngayon lang nakapag-update. ^_^

Kamusta naman po ang takbo ng aking kwento? Magulo po ba? May mga hindi kayo naiintindihan? ^_^

Kamusta naman po kayo? Ang init masyado ng panahon kaya ingitan ang inyong mga sarili po. ^_^

Keep cool ^_^v

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon