KABANATA 27: Paubaya mo na sa akin

36 0 0
                                    

Paubaya mo na sa akin

Yael's POV

Kailangan ko bang kalimutan ang mga nangyari kahapon o sadyang kailangan kong mag-isip kung ano ang pwede kong gawin para di na maulit iyon? Kahit walang pasok at pahinga lang dapat ang aatupagin ko, heto ako, nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin na ikakasaya niya. Hindi man siya umamin halata na may nararamdaman siya para kay sir Chris. At siyempre pinipigilan niya ito dahil sa magiging tingin ng iba. Hindi ko dapat isipin iyon pero naiisip ko. Parang ayaw ko siyang nakikitang nagkakaganun. Hay! Sakit sa utak ang mag-isip naman >.<

Ayaw ko pa naman na lagging ginagamit ang utak ko. >.< Parang Physics na dinudugo ako >.< Hay!!! Tumayo ako sa aking kama at nagdesisyong magbisikleta sa aming village. Siguro naman sa paraan nay un, makakapag-isip ako ng mabuti. Yung tipong alam ko ang mga dapat kong gawin at hindi barabara lang.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ang ganda ng langit para tuloy gusto kong humiga na lang sa grass tapos pagmasdan ang mga ulap, gumawa ng sariling larawan gamit ang imagination tapos bigla na lamang ako makakatulog... what a life ^____^

.

.

.

.

.

Bigla na lamang ako napahinto sa park at doon nakita ko si sir Chris na naglalaro ng baskeball. Anak nga naman ng PBA player. Hindi ko alam kung bakit hindi siya tumulad sa ama niya na pumasok sa professional basketball. Mas pinili niyang magturo at tumanda sa school na iyon. Hahahaha... nakakatuwa naman ^___^

.

.

.

.

.

.

Wow! Three points iyon ha! Whooo... isa pang three points! Nakakatuwa namang panoorin si sir. Hindi ko siya nakikitang maglaro sa school at sa tingin ko wala siyang balak makita iyon ng  mga estudyante niya. Napahiyaw ako sa huling shoot niya. Bigla siyang napatigil at napatingin sa akin.

"sorry po sir. Galing ninyo po kaya hindi ko po napigilan na humiyaw." Wika ko sa kanya with a grind smile ^______^

"salamat. Nasanay na ako na maglaro tuwing umaga. Exercise na rin ito." Tugon niya sabay punas sa kanyang pawis.

Bumaba ako sa aking bike at tinabi ito sa gilid ng court.

"sir one on one po tayo." Yaya ko kay sir Chris. Hindi ako magaling sa baskeball pero sabik akong hamunin siya.

"sure." Pinasa niya sa akin ang bola at akin namang sinalo iyon.

Sinimulan na niya akong bantayan. Tulad ng napapanood ko, kailangan kong i-shoot ang bola. Bago iyon kailangan ko palang makalusot sa depensa ni sir hahahahaha ^____^

Dribble ako ng dribble kaya lang... di ako makalusot sa batay -______- Hirap naman. Sana pala sineryoso ko ang PE class ko -_______________-

"pagod ka na iho?" Napatingin ako sabay agaw sa bola. Naman oh!

Two points para kay sir Chris. Binigay niya ang bola sa akin. Dribble ulit... agaw na naman! Hindi na ata ako makakapag-shoot. Hindi ko pa nga siya nababantayan e! >.<

"sir ako naman ang magbabantay sa iyo." Biglang request ko sa kanya. Nagposisyon ako para bantayan siya ng seryoso kaso nalingat lang ako saglit agad siyang nakalusot. >.<

.

.

.

.

.

.

.

Zero against twenty ang naging score. >.< Sumubok akong mag-shoot kaya lang supalpal naman lagi >.<

"Magpapahinga na ba tayo iho. Parang hindi mo na kaya." Wika niya. Kung tutuusin hindi ko na talaga kaya nang biglang...

"sir kung maka-score ako ng isa. Papayag kayo sa aking kondisyon." Nagtaka ka naman siya sa aking sinabi. Napaisip siya bigla.

"Ano ba iyon?" Tanong niya. Napangiti ako at kinuha ang bola. Dinrible ko iyon. Nagbantay ulit siya sa akin. Kailangan kong maka-shoot. Kailangan na kailangan talaga.

"basta sir tuparin mo ang hinihiling ko ha." Wika ko sa kanya habang dinidrible ko ang bola.

.

.

.

.

.

Nag-fake shot ako tapos tumalon si sir. Ha! Pagkakataon ko na! Nakalusot ako sa kanya sabay talon.

Sana pasok! Ang kapal ng mukha ko para itira ang bola sa three points area...

.

.

.

.

Shoot!!! Pasok ang bola! Napahiga ako sa tuwa sabay tawa ng malakas.

"Pwede kang sumali sa team ko." Sabay ngiti si sir Chris sa akin.

Napatayo ako at sinabi sa kanya ang aking kondisyon.

"sir... ipaubaya mo na siya sa akin."

Nagtaka naman si sir Chris at nagtanong kung sino ang tinutukoy ko.

"Basta!"

Sabay kamay sa kanya.

Agad kong kinuha ang aking bike at umalis na rin ako sa court.

Malinaw na sa akin kung ano ang gusto kong mangyari.

At alam ko na rin kung ano ang magagawa ko para sa kanya ^________^

My brainy pad POV

[Magulo ang utak ko at inaasahan ko palagi ito sa pagawa ng ganitong kwento. Marahil panahon na para ang puso ko ang dumikta kung ano ang kinahahantungan nito]

[Comment...vote...suggest ^_______^v]

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon