KABANATA 26: What dah!

51 0 0
                                    

What dah!

Abigail's POV

Curly hair, red lipstick, pink foundation at hindi mawawala ang mascara. Kailangan maging maganda ako sa mata ni Zack ngayon kahit na maraming asungot lalu-lalo na yung bading na iyan. >.< Araw ko ngayon kaya lang umepal pa yung baklusha na iyon >.< Sarap ipa-salvage. >.<

Alam kong hihintayin nila ako at hihintayin ako ni Zack. Mahal ako ni Zack! Hindi iyon isang panaginip. *______* Tumigil ako saglit para ayusin ang akin ang aking lakad. Yung palda ko naman e tumatabingi na kaya inayos ko na rin iyon. Bigla akong may narinig na sumipol.

Napalingon ako at nakita ko yung mga tambay sa gilid na tuwang tuwa sa nakikita nila. Sobrang ikli ata ng paldang suot ko. Sinimangutan ko na lang yun at agad akong nagtungo sa banyo. Walang sinuman ang pwedeng sumipol sa akin ng ganoon bukod kay Zack. At isa pa nakakabastos iyon ha! >.<

Nang matapos ako, agad akong lumabas sa banyo at tumuloy sa aming meeting place. Excited na talaga ako. *______________* Malapit na ako Zack, my love. Hintayin mo lang ako *____________*

.

.

.

.

.

.

Wait! Where are the others? Ako pa lang ang nauna? Napatingin ako sa aking relo at nakita ko na super late na ako. Ano yun? Silang lahat super duper late? Umupo muna ako saglita para mag-isip kung nagbago ba ang meeting place namin o baka naman late lang talaga sila? Hmmmmmmmm...

Pinagmasdan ko muna ang mga tao na dumaraan sa aking harapan kahit na magmukha akong baliw. Sa kanan sa kaliwa, nagbabasakaling nagtatago sila sa mga nagsisiumpukang tao.

Hay... naalala ko tuloy yung napanood ko kagabi. Yung girl panay ang hintay sa kanyang nobyo yun pala naaksidente. Oh may! Don't me... think positive Abigail...think! Dahil sa hindi na ako mapakali, tumayo ako sa aking kinauupuan para salubungin sila. Nagbabasakali akong makita ko sila sa dami ng taong nandirito.

.

.

.

.

.

Napatingin ako sa aking relo at hanggang ngayon di ko pa sila makita. Kahit na kaklase ko si Zack at mahal na mahal ko siya, wala akong number niya. -_____-

Kapag hinihingi ko iyon, lagi na lang niyang sinasabi na later. Noong pinasulat ko naman iyon sa isang papel, kulang ng isa pang digit. Wala akong dahilan para kunin ang number nila Jessica at Jackie. Wala naman akong pake kasi pero sa mga oras na ito, naisip ko ang kahalagahan ng pagkuha ng mga numbers ng mag-bestfriends.  Kahit ayaw ko sige kakapalan ko na ang aking mukha na kunin ang mga iyon.

Napatigil ako bigla nang nakita ko si sir Chris. Si sir Chris nga! Walang duda. Dahil pinanganak akong tsismosa sinundan ko siya. Panay ang tago ko sa mga taong dumaraan sa aking harapan. Napatigil bigla si sir Chris. Ganoon din ako pero siyempre agad akong nagtago. Lumiko siya bigla at ganoon din naman ako. Biglang liko ulit. Naman si sir Chris! Nahihilo na ako sa kanyang ginagawa. Baka naman nililigaw niya ako. >.<

Opps! Sino yung kinakaway niya? Aba! A girl! Babae nga! Lumapit ako ng kaunti para makita ko pa lalo. O.M.G!!! Malaking scoop ito. Si sir Chris may ka-meet na sexy at magandang babae. Sino kaya siya? Nakakaintriga naman. ^___________^

Bakas sa mukha ni sir Chris ang saya nang makita niya ang babae. May something nga hahahaha. Usap-usap lang saglit tapos...

Another O.M.G. As in double O.M.G. si sir Chris hinalikan niya sa cheek yung girl. Confirmed na! Wala talagang duda. May karelasyon si sir Chris. Agad akong umalis sa aking pwesto na may ngiti sa aking mukha. Parang tuwang-tuwa ako sa aking nakita talaga. ^_______^ Dinaig ko na si Jackie bilang reyna ng tsismis! Talbog ka Jackie! Talbog na talbog!

Napatago ako bigla sa isang fastfood chain. Si Jessica iyon ha. Bakit nakatayo lang. at take note umiiyak siya! At si... Yael! Tama si Yael iyon. Yung senior na pasaway sa school. Laking gulat ko na lang na inabot ni Yael ang waffle pati ang panyo kay Jessica. May namamagitan ba sa kanila? Lagot si Jessica kay Jackie.

Shocking! Niyakap ni Jessica si Yael! War na ito. Ganoon din si Yael kahit na semi-yakap iyon still yakap pa ring matatawag sa akin!

So... sina Yael at Jessica ay... may relasyon.

Scoop ito sa school sa Lunes bwahahaha.

Ano kaya ang magiging reaksyon ng kayang esprend kapag nalaman niya na yung esprend na tinutukoy niya ay may relasyon sa taong mahal na mahal niya ng buong buhay? Gusto kong makita ang mangyayari. Nakaka-excite.

Si Xavier din pala. Pagkakaalam ko, tuloy pa rin ang kanyang pagsusuyo kay Jessica. Ano ito? Dalawang lalake, tutuhugin niya ng sabay? Aba! Haba ng hair mo Jessica Sandoval. Pa-weird effect pa pero kung tumira palihim. Daig pa ang isang dobberman! Hahahaha

O.M.G ulit... si sir nakalimutan ko. Since umiyak si Jessica, as in kitang kita ng dalawa kong mata, may gusto siya rito pero sila ni Yael. Ang gulo naman pero tsika talaga ito. Pagpi-piestahan talaga ito sa Lunes. Hindi ko na talaga mahintay. Oh my! Sana maging Lunes na bwahahahaha.

Pag-ibig nga naman. Hahaha.

Nakakaintriga.

Nakakabaliw.

Nakaka-excite.

Nakakagigil.

Basta "nakaka" talaga ^______________^

My brainy pad POV

[Sorry kung maikli ang update ko Y____Y]

[inspiration... I need it badly ^___^ Ayie ayie... kayo ha ^___^]

[Vote...comment...suggest lang po kayo ^__^v] 

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon