KABANATA 47: For Real!

20 0 0
                                    

For Real!

Jackie’s POV

Bruhilda siya! Bakit wala pa ang babae na iyon! Sasabunutan ko siya sa kilili niyan e! Hindi ko mapigilan ang inis ko kay Jessie nang hindi ko pa siya nakikita sa school. Magpapa-late ata si Jessie. O balak niyang hindi pumasok. Super excited pa naman akong ikwento sa kanya yung mga nangyari sa akin kanina habang papasok ako sa school. Hindi ba niya alam kung gaano ako kasaya bago ako marating dito? Kainis talaga siya. Baka naman kasi takot siyang maunahan ko siyang magkaroon ng lovelife. Mukha ba akong threat sa kanyang paningin? hahahaha

Naman kasi! Kakalbuhin ko ang kilay niya! Umupo na lamang ako habang hinihintay ang aming guro. Bahala siya! Kala niya pagtatakpan ko siya kung ma-late siya ngayon. Kaso hindi ako mapakali kaya umalis ako sa room at saka tumawag sa kanila.

“Good morning po. Kaibigan po ito ni Jessica. Hmmm hindi po ba siya papasok ngayon?”

“Naku may sakit siya. Tinawagan ko na ang adviser ninyo para sabihin ang bagay na iyon.” Wika ng aking kausap.

Nagpasalamat ako sa aking nakausap sabay baba ng telepono. Bad friend ako. Akala ko tinatamad pumasok si Jessie yun pala may sakit siya. Wawa naman si bff.

Habang pabalik sa klasrum bigla kong nasalubong ang aming adviser. Absent ang first teacher namin kaya sa loob muna kami at huwag guguluhin ang ibang klase. Nagsipalakpakan ang mga tenga ko sa tuwa. Naku hindi lang ako pati mga kaklase ko nito. Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa room at siyempre di na ako nagpatumpiktumpik pa. Sinabi ko sa kanila ang magandang balita. Para kaming mga manok na nakawala sa hawla sa tuwa ngunit panandalian lang. Yung iba kai gumawa na ng grupo. Ayun kwentuhan na. Yung iba naman naglaro ng playing cards. Ako? Siyempre gagala. Nagtungo ako sa rooftop, sa garden, sa TLE room at doon nakita ko na may nagkaklase. Huling destinasyon ko ang gym. Mahangin at walang katao-tao. Obvious naman kasi may klase ang ibang section. Umupo ako sa isang bleacher at nagdesisyon akong tawagan si Jessie sa kanyang cp.

“Hoy bruha! Get well soon. Bakit kung kailan excited akong makipagkwentuhan sa iyo saka ka naman wala! Ininjan mo ako ha!”

“Uhmmm… ano ba ang ikukwento mo sa akin?” Tanong ni Jessie. Aba nagtanong pa ang bruhildang babae na ito.

“Helllooooo!!! Siyempre lovelife ko. Kahapon may nakasabay akong taga-ibang school. Isa na lamang yung upuan sa jeep. You will not believe me kung sasabihin ko sa iyo na inalok niya yung upuan na iyon at sumabit na lamang siya. Ang bango niya Jessie. Heaven ang papalcius na iyon. Panay ang ngiti niya sa akin. E nasiraan yung jeep na sinasakyan namin pareho. Bumaba ako tutal malapit lang din ako. Siya rin malapit kaya sabay kaming naglakad. Kinilig ako Jessie.”

Hindi nag-react si Jessie. Nasobrahan ata sa kilig. Hahahahaha.

“Jackie di ba sa oras na ito may klase tayo e bakit nakakatawag ka ngayon sa akin? At saan ka ngayon?

Nasa gym ako ngayon. Absent yung first subject teacher natin kaya tambay muna ako rito.E Kaw ba kamusta naman pakiramdam mo?”

“Nilalagnat pa ako at sinisipon ng husto.” Wika niya sa akin. Sipon at ubo? Kung tutuusin wonderwoman si Jessie. Kahit anong mangyari hindi yan magpapaapekto sa akin.  Hindi ko tuloy maiwasan na tumawa nang marinig ko iyon.

“Kapag ako gumaling hindi kita papansinin Jackie. Imbes na maawa ka sa kalagayan ko pinagtatawanan mo ako ha.”

“Paano naman di kita pagtatawanan e umalis ka lang ng maaga sa school na nagmamadali tapos ito ang mangyayari sa iyo. Ikaw kasi ang tipo ng taong ayaw magkasakit pero tignan mo sarili mo ngayon.”

Hindi humirit si Jessie sa akin bagkus puro uhhmmmmm ang naririnig ko mula sa kanya. Speechless ang lola ninyo dahil sa aking sinabi. Hindi ko naman pwedeng sisihin ang puso niya at sabihin na huwag siyang magmahal sa taong hindi nakalaan para sa tulad niya. Hindi pa rin siya umiimik.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon