KABANATA 30: Ako ang nagwagi

32 1 0
                                    

Ako ang nagwagi

Abigail's POV

Hindi ako natatakot kung anuman ang pwedeng mangyari ngayong araw na ito. Wala akong pakealam kung may masisirang friendships sa pagitan nila Jackie at Jessie. Basta gusto ko lang maging honest at di ba meron tayong quotation na... "Honesty is the best policy." Iyon ang gusto kong mangyari.

Taas noo akong pumasok sa school. Talagang may pinagyayabang ako sa aking dalang kwento at talagang ikagugulat ng lahat.

Agad akong umakyat patungo sa aking room at tinawag ang sambayanang kaklase ko.

"Classmates my chika ako sa inyo. Mapapamangha ko talaga ako. For sure."

Lahat sila nagsilapitan wala pa yung dalawa- si Jessica at Jackie. Ang magiging center of the attraction.

Lahat sila nagsikumpulan at pinaikutan nila ako. Yung iba kong kaklase kinuha pa talaga ang kanilang silya para lang makinig sa aking ibabalita. Siguraduhin ko na maganda iyon at ikatutuwa nila.

"Noh ba kayo. Bagong-bago talaga ito at hindi ninyo lubos akalain na gagawin ito ng isa nating kaklase."

Nang sinabi ko iyon, yung iba talagang nanlaki ang mga mata. Yung iba naman tumaas ang noo at yung iba naman iniisip at hinuhulaan kung sino ang tinutukoy ko.^__^ Grabe so much excited na talaga ako ^o^

Simulan ko na raw ang kwento.

Kahit hindi nila sabihin, may tinatago rin palang tsismosa't tsismosong dugo sa kani-kanilang mga katawan.

"Oh siya! Oh siya! Masyado kayong atat... sige... don't hold your breath! Makinig sa akin ng mabuti."

As in lahat sila tumahimik. Para tuloy ghost town an gaming section. Lahat ng mata nila tutok na tutok.

"I saw Jessica Sandoval crying..."

Nang sinabi ko iyon parang hindi na bago ang kwento na 'yun.

Napa-weeh na lang yung isa kong kaklase kasi hindi naman isang malaking balita ang sinasabi ko sa kanila.

"Hindi pa naman kasi ninyo ako pinapatapos e! Umiiyak siya sa arm ng isang senior student."

Nabigla ang lahat ng sinabi ko iyon. Maraming nagtaas ng kilay, marami ding napangiti at maraming ding ayaw maniwala sa chinika ko.

"Believe me! Andoon ako sa lugar kung saan ko yun nakita. Kilala ninyo si Xavier Reyes? Yung ex niya? Kaya pala ayaw na ayaw na niyang sagutin ang panunuyo ng binate kasi nga may bago na siya. Hindi lang niya maamin o baka naman ayaw niyang aminin. Gusto niyang tayo mismo ang makakaalam o bumuking sa kanya."

Tinanong ako ng isa kong kaklase kung kilala ko yung senior student na iyon."

"But of course! Siya ang pinapantasyahan ni Jackie. Walang iba kundi si Yael Tenisio." Sabay tawa.

Isang shocking revelation daw sabi ng isa kong klase. Siyempre naman! World war na ito between bff.

"At hindi lang yan mga classmates"

Napatigil silang lahat at sabay tingin ulit sa akin.

"Itong si Jessica may malaki ang pagkagusto sa isang teacher. Sino pa ba ang gwapong teacher na meron tayo. Walang iba kundi si sir Chris Mendoza."

Napa-what ang lahat at kanya-kanya na ang kwentuhan, bulungan at hirit ng mga salita. Shocking talaga ^___^

.

.

.

.

.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon