KABANATA 1: Ako si Jessica at ito naman si crush.

145 2 2
                                    

Ako si Jessica at ito naman si crush

Jessica's POV

Naisip na ba ninyong i-record ang inyong boses at sabihin ang iyong nakakaantok na talambuhay? Ako? Sinusubukan ko palang.  Di ko nga alam kung magiging patok ito sa mga makikinig. Di kagandahan ang aking boses pero masasabi ko naman na higit na maayos ang aking boses kaysa sa kapatid ko na matinis na nga sintunado pa kung kumanta. Pinagtitiyagaan ko lang nga siya minsan.

"Ikaw sana... sana ang aking yakap"

"(Aking yakap-yakap...)"

"Ang iyong kamay ang aking laging hawak..."

"(Laging hawak)"

"At hindi kanya..."

"(Hindi kanya...)"

Sa tuwing kumakanta kami puro na lang ako second voice. Back-up singer kamo. Napapangiti na lamang ako sa tuwing nakakakuha siya ng mataas na score sa videoke.

"Boom! singer ito!" Sigaw niya parati sa akin.

Oo na lang ang drama ko para di ako masapok.

Ngunit hindi iyon ang iku-kwento ko sa inyo. Walang kinalaman ang aking kapatid o yung pagkanta rin niya kung bakit ko ni-rerecord ang aking boses ngayon.

Mismo ako ang bida. At ako na rin ang magiging narrator kung sakaling pag-isipan kong maglagay ng ganoon.

.

.

.

.

.

.

.

.

Saglit na katahimikan.

.

.

.

.

.

Ako si Jessica Sandoval. A.K.A Jess, sa mga close friends ko at Jessie naman kapag sa mga super friends ko. "Badingz" naman sa mga kaibigan kong 3rd generation organism. In short... sa mga baklusha.

First year high school sa isang pampublikong paaralan at pinagmamalaki ko iyon. Masunurin ako sa aking mga titser. Hindi sa nagiging favorite pet nila ako, sadyang hindi ako marunong tumanggi sa utos.

Minsan nga biniro ako ng isa kong kaklaseng bakla na kung sinabi sa akin na lumiyad ako't bumukaka, gagawin ko rin ba iyon.

"Iba ang pakiusap nila sa sinasabi mo!" Wika ko sa kanya sabay walk-out.

Hindi ko nga alam kung gaano kalakas ang imagination ng tulad niya.

Tinanong ko minsan ang kababata kong si Jackie, [Jack kapag gabi. Bugbog ang abot niya kung mabubunyag ang kanyang lihim. Nasa militar pa naman ang tatay niya] kung ano ba ang tumatakbo sa isipan ng isang bakla kapag malapit ang isang babae sa isang lalake.

"Kabaklaan!" tugon niya.

Napangiti na lamang ako kahit na hindi ko lubos maintindihan ang kanyang sinabi.

Inisip ko lang na sadyang matulungin lang ako at siyempre sayang ang special awards o insentives. Teacher kaya iyon, di ba?

Tampulan din ako ng tukso at trip nila parati ang aking love life.

Walang kamatayang love life nga naman.

Kahit saan man ako pumunta, mapalingon lang ako sa isang lalake, crush ko na raw.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon