KABANATA 40: Knight in shinning armor

45 0 0
                                    

Knight in shinning armor

Zack's POV

Pagulong-gulong ako sa aking kama at di maintidihan kung bakit nasa isipan ko ngayon ang posibleng mangyari bukas. Simpleng bagay lang naman ang date pero bakit hindi iyon mawaglit-waglit.

Sino nga ba sa amin ang unang makakayaya kay Jessica para sa isang date? Imposibleng si Xavier, siya na rin kasi nagsabi na hanggang friends na lang sila ni Jessie. Kung si Yael naman baka pero ilag ata si Jessie sa kanya. Sa akin kaya? Sasama si Jessie kung yayayain ko siya sa isang date? Paano kung tumanggi siya? Paano kung isa sa kanila ang piliin niya? Paano kung naging sila? Paano nga ba?

Napatayo ako sa aking kama at binuksan ang aking drawer. Kahit na magulo, pinilit kong hanapin ang iisang larawan na stolen ko pang kinuhaan. Napangiti na lamang ako nang nakita ko iyon- ang nag-iisang larawan ni Jessie na natutulog habang nagkaklase kami. Buti na lamang at walang nakakita nang kinuhanan ko siya at buti na rin hindi ko siya nagising.

Tanda ko pa noong nagkaklase kami sa Math. Sa haba ng explanation ng aming teacher malamang makakatulog talaga ang buong klase. Nauna lamang datnan ng antok si Jessie. As in tinakpan niya gamit ang kanyang libro ang kanyang mukha sabay higa sa kanyang desk ang kanyang uluhan. Dahan-dahan kong nilabas ang aking cp sabay lapit ng aming kamay.

Click! Captured!

Agad kong pina-print ang kanyang larawan sabay tago sa aking drawer pagkauwi ko. Titig na titig ako na di ko namamalayan na unti-unti na akong nahuhulog ng husto sa kanya. Ang cute niyang matulog. Sarap hawakan ng kanyang pisngi at hagurin ang kanyang buhok.

Ibinalik ko agad ang larawan niya sa aking drawer at bumalik ako sa aking kama sabay higa.

Ano pa nga ba ang pwede kong gawin para mapansin niya ang tulad ko? Hindi na kami tulad ng dati na konting kita lang naman irap na ang kanyang isasalubong. Nang nagtapat ako sa kanya hindi ko mapaliwag kung magkakaroon ako ng pag-asa sa tulad niya o sadyang ayaw niya sa tulad ko. Hindi ko alam ngunit di naman masama kung aalamin ko kung ano ba talaga ang tingin niya sa tulad ko. At sa date na iyon matatapos na ang pagtatanong ko sa aking sarili. Kailangan... talagang kailangan mayaya ko siya bukas.

Unti-unti ng pumipikit ang aking mga mata. Kung mapaginipan ko siya, maganda kung hindi naman sana huwag yung panaginip na may napili na siya. Imbes na makatulog ako ng mahimbing bangungot ang abot ko.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Naging maayos ang aking tulod pero hindi ako nanaginip tulad ng inaasahan ko. Agad akong naligo sabay bihis na rin. Masyado pang maaga kaya kumain muna ako ng agahan. Tinanong ako ng aking mommy kung ano ang oras aking uwi ngunit imbes na sagutin ko iyon sinabi ko sa kanya na male-late ako ng huli. Hindi na siya nagtanong kung bakit pero bakas sa kanyang mukha ang kanyang ngiti. Halatang iniisip niya na may girlfriend na ako. Napangiti na lang din ako habang kinakain ang aming agahan.

.

.

.

.

.

.

.

.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon