Huwag sobrang lapit... please.
Jessica's POV
Maaga ako gumising para naman maaga rin ako makapasok.
On and off kasi ako pagdating sa attendance.
Minsan maaga ako minsan super late.
Hindi ko alam kung may nagpapatay ng alarm clock o sadyang ang sarap lang matulog.
.
.
.
.
Plansyadong palda… check!
Plansyadong buhok… check!
Bawal make-up sa school kaya todo pulbo na lang… check!
At hindi mawawala ang…matamis kong smile.
Kahit na mamayang hapon pa kami magkikita ni sir Chris este ang interview ko kay sir Chris, todo ang ayos ko.
Naka-shine na rin ang sapatos ko.
Heto na Jessica!
Brazed yourself! Makakausap mo na ng matagal ang ultimate crush mo.
Kilig? Hindi masyado (blushed) *_*
.
.
.
.
Pagpasok ko sa campus, laking gulat ko na lang na nakasabay ko si Xavier.
Ang aking ex.
“Hi Jessie.” Wika niya.
Ngumiti lamang ako sa kanya at tuloy lang ang aking paglalakad.
“Gumaganda ka ata ngayon.” Dugtong niya.
“Ganda ng smile mo.” Hirit pa niya ulit.
Napalingon ako sa kanya. Tamang tama lang si bff nasa likuran niya.
Agad akong nagtungo kay Jackie.
Walang epekto ang pagpapansin niya sa akin.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon sa akin.
Wala na akong dahilan para pansinin ang tulad niya.
Napayakap ako kay Jackie.
Biglang alis naman ni Xavier.
Biglang batok naming ni Jackie sa aking uluhan.
“bobita ka! Pinuri ka na niya at pinansin, ngiti lang ang reply mo. How rude!” Wika ni Jackie.
Sakit nun!
Pero ano ang magagawa ko?
Makita lang siya, nasasaktan pa rin ang puso ko.
Ngunit may kung ano sa aking puso na gusto pa rin ang tulad niya.
Sabay kaming naglakad ni Jackie patungo sa aming room.
Biglang sulpot ni Yael.
“Crying girl. Huhuhu. Musta?” Bati niya sa akin.
Talagang hindi niya pinansin si Jackie ha.
Bakas sa mukha ni Jackie na na-love at first sight na naman siya.
Pero mamaya sasabunutan ako niya kasi ang pinansin, hindi siya.
“Okay lang. At pwede PO ba huwag PO kayo humarang.” Tugon ko sa kanya.
Biglang tapik sa akung noo.
BINABASA MO ANG
Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?
RandomAko si Jessica. Jessie for short at kung anu-ano pang nickname ang pwede ninyong ibato sa akin. Sina Xavier, Zack,.Chris at Yael... Mga lalakeng ewan ko ba masakit sa ulo sila. Basta ang alam ko lang yung puso ko Minaj ang drama-Super bass! Naman oh...