KABANATA 18: Tumulong lang naman ako.

46 1 0
                                    

Tumulong lang naman ako.

Chris's POV

Kaliwa't kanan akong naghanap kay Jessica para mabigay ko ang kanyang notebook. Asan na kaya ang bata na iyon?

Biglang lapit ng aking captain ball para humingi ng break.

"Break?" Napatingin ako sa aking relo at nakita ko na mag-iisang oras na rin pala silang nagpapractice.

"Sige, break muna tayo for thirty minutes." Sabay alis sa gym.

.

.

.

.

.

.

Hindi ko makita talaga si Jessica. Dahil doon, minabuti ko siyang hanapin sa ibang lugar. Simpleng notebook lang ito pero bakit kaya interesado akong isauli ito sa kanya. Napatigil ako saglit at inusisa ang itsura ng notebook.  Hindi na akong nagdalawang isip nang binuksan ko ang notebook. Biglang nahulong ang isang picture. Pinulot ko at napatingin kung anong meron sa larawan. Laking gulat ko na lang at nakita ko ang aking itsura. Ako mismo ang nasa larawan. Stolen? Marahil kasi hindi ako nakatingin sa lente ng kamera.

"Kailan kaya ito?" Tanong ko sa aking sarili.

"At kailan naman siya nagkaroon ng interest sa tulad ko" dugtong ko sabay ngiti.

Binuklat ko ng maiigi ang notebook para mabasa kung anuman ang meron doon.

Planner ata ito at hindi isang notebook. Ang daming nakasulat na schedule at may smiling face ang araw na ito. Napangiti ako nang di sinasadya. Binusisi ko pa lalo ang laman ng notebook at nakita ko ang mga tanong. Posible kayang ito ang mga tanong niya sa akin mamaya?

"Kailan ninyo po nahiligan ang larong basketball?"

"Bukod sa pagco-coach, may iba pa kayong gustong gawin?"

Sa NBA, sino po ang top 5 players ninyo? Sa PBA naman po?

"Ano po ang exercise na ginagawa ninyo po palagi to stay fit and healthy?"

"Nagte-train pa rin po ba kayo kahit magaling na kayo sa larong basketball?"

"May powerful message po ba kayo sa mga players ninyo po?"

Napahalakhak ako sa mga nabasa ko. Tungkol ata sa personal life ko ang gusto niyang malaman at hindi sa coaching style ko hahahahaha.

Naghanap pa ako ng mga nakasulat. Nagbabasakaling may makita pa ako. Nang nakarating na ako sa gitnang bahagi ng notebook, may kung anong nakasulat doon na ikinatawa ko ng husto.

"don't panic Jessie. Si sir Chris lang yan! Kailangan hindi ako kabahan! Para ito sa project mo! At para na rin sa pinapangarap ng ibang kababaihan. Kaso hindi pa rin maalis ang kabang nararamdaman ko. Kapag naiisip ko na malapit na ang aking one-on-one at exclusive interview sa may itsurang coach ng school na ito, mas lalo akong kinakabahan talaga. Naku! Jessie! Relax lang talaga!" -_-

Bakit siya kinakabahan sa akin? Nakakatakot ba ako at hindi mukhang approachable? Hahahaha.

Nakakatuwang bata. Napapangiti tuloy ako.

Teka... kailangan ko na talaga siyang makita para isauli ang notebook na ito sa kanya. Naglakad ulit ako para hanapin si Jessica. At sa kabutihang palad nakita ko siya na may kausap na lalake. Kilala ko yung lalake ha. Si Xavier iyon. Minabuti ko munang hindi sila lapitan. Baka may pinag-uusapang mahalagang bagay ang dalawa. Kaso sa nakikita ko, si Jessica ayaw niyang kausapin si Xavier. Nagpupumilit lang ang binate. Anong meron?

Nang nakita ko na mas lalo umiinit ang pamimilit ni Xavier kay Jessica at tila mali na ang kanyang ginagawa, bigla na lamang ako sumingit at tinulak si Xavier papalayo kay Jessica. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakatulak ko sa bata. Na out-of-balance lang si Xavier kaya napatumba ito sa lupa.

"Iho, sinabi na niya sa iyo na ayaw ka muna niyang kausapin di ba. Kailangan intindihin mo iyon. Huwag mong pilitin siya na patawarin ka niya." Wika ko kay Xavier.

Biglang kong inabot naman ang notebook ni Jessica sa kanya. Nagulat din siya sa kanyang nakita.

"Nahulog ito kanina. Mabuti na lang nakita kita. Kung gusto mong interbyuhin pa rin ako para sa iyong project, punta ka na lang sa faculty. Wait me there." Wika ko kay Jessica.

Napa-oo na lamang ang bata nang sinabi ko iyon sa kanya.

Inalukan ko ng tulong si Xavier kaso tumanggi ito na tulungan ko siyang makatayo.

"Gonna go now. I'm just here to return that notebook. Kailangan kong bumalik sa gym para sa practice ng aking team." Wika ko sa kanila sabay alis.

Bago pa ako makalayo nagpahabol pa ako ng mensahe kay Jessica.

"See you later, Jessica for your project." At hindi ko naiwasan na ngumiti nang sinabi ko iyon.

Walang malisya naman ang ginawa ko kay Xavier. Kahit sino naman gagawin din ang ginawa ko- ang ipagtanggol ang isang babae.

Bago ako pumasok sa gym napahinto ako sandal at nagmuni-muni.

"Paano kung hindi si Jessica ang pinipilit ni Xavier kanina? Gagawin ko ba yung ginawa ko?" Tanong ko sa aking sarili.

At isa pa pala... ang hindi ko lang maintindihan... ang gaan ng loob k okay Jessica at talagang nanghimasok ako sa kanilang dalawa kanina.

Nakakatuwa lang talaga si Jessica.

My Brainy pad POV

Iyan! Magkikita sila sa faculty. As in sa faculty. Ano kaya ang pwedeng mangyari sa dalawa na iyon? Made-develop ba si Chris kay Jessica? Paano na si Xavier niyan? Magkakabalikan pa ba sila? Si Zack? Si Yael... whoooo... daming lalake pero ang gusto kong malaman kanino mapupunta si Jessica?

Kaw ba? Sino ang type mo para kay Jessica ^_^v

Salamat sa pagbabasa ng marami ^_^v super thanks ^_^v 

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon