KABANATA 43: Wala ng maybe

33 0 0
                                    

Wala ng maybe

Yael's POV

Anong meron at nakakita ako ng itim na pusa?

At bakit ang itim ng ulap ngayon?

Papasok palang ako ang dami ko ng nakikita na di kaaya-aya. End of the world? Tanong ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa school. Para tuloy akong sira na nag-iisip kung anong meron sa araw na ito at ganun na lamang ang nakikita ng aking mga mata.

"Hi Yael!" Bati sa aking ng isa kong kaklase.

"Ready ng gumaduate? Ipasa mo muna Physics mo." Sabay tawa. Nakitawa na lang din ako kahit na nakakainis ang kanyang sinabi.

Pagdating sa school natulog na lamang ako at dahil doon pinalabas ako na kinatuwa ko naman.

Palakad-lakad ako sa corridor hanggang sa makarating ako sa rooftop hanggang sa mapadpad ako sa gym. Nagtaka ako nang makita ko yung kaibigan ni Jessie na nakaupo sa isang tabi at tila may kausap sa cellphone. Unti-unti akong lumapit sa kanya para makiosyoso.

"Nasa gym ako ngayon. Absent yung first subject teacher natin kaya tambay muna ako rito. E ikaw ba kamusta naman pakiramdam mo?" Wika ni Jackie na di ko alam kung sino yung kausap niya mula sa kabilang linya.

Lumapit pa ako ng bahagya para marinig ang pinag-uusapan nila.

"Paano naman di kita pagtatawanan e umalis ka lang ng maaga sa school na nagmamadali tapos ito ang mangyayari sa iyo. Ikaw kasi ang tipo ng tao na ayaw magkasakit pero tignan mo sarili mo ngayon." Ani ni Jackie.

Sandali akong napaisip at bigla ko na lamang napagtanto na si Jessie yung kausap niya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik. Kinuha ko yung kanyang cp. Nagbigay ako ng senyales kay Jackie na wag siyang maingay. Isang ngiti lamang ang binigay sa akin ni Jackie. Nangangahulugan na natutuwa siya sa aking gagawin.

"Girlash... still there? Hello???

Napangiti ako nang marinig ko ang kanyang boses. Parang bata na nakita ang paborito nitong mascot. Abot naman hanggang tenga ang ngiti ni Jackie. Mas kinilig pa kaysa sa akin.

"tsk... tsk... tsk... absent ng absent ng di nagpapaalam." Wika ko sa kanya.

Ilang segundo ring di nakapagsalita ang aking kausap. Nagulat marahil.

"Hmmm... Jackie ikaw ba iyan?" Tanong niya sa akin. Tumawa lang ako ng malakas nang sinabi niya iyon. Hindi ba niya ako mabosesan? Para namang matagal kaming hindi nakapag-usap. Kung sa bagay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkausap kami sa cellphone.

"Sino ka ba talaga? Holdapper ka ba at ninakaw mo ang cp ng kaibigan ko?"

Tumawa ulit. Ang weird ng mga iniisip niya. Pero di ko mapigilan ang sayang nadarama ko ngayon.

"Ibababa ko ito kung hindi ka magsasalita kung sino ka!" Aba galit na si Jessie. Ngunit di ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa kakahalakhak.

"Si Yael po. Yan ha. Masaya ka na niyan kasi inamin ko na kung sino ako." Wika ko sa kanya. Gustuhin ko mang biruin siya ng matagal baka magalit pa sa akin ng husto.

Hindi nakapagsalita si Jessie. Iniisip niya marahil kung totoong ako yung kausap niya o sadyang hindi siya makapaniwalang kausap niya ako ngayon.

"Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? Tanong ko sa kanya. Hindi ko mapaliwanag pero sa mga oras na ito kinakabahan ako habang kausap siya. Nahahalata ba niya? Sana naman hindi.

Tuluyan ng hindi nakapagsalita ang kausap ko. Mahina pa rin siguro siya.

"Sa tingin ko kailangan mo ng magpahinga na. Ibababa ko na ito. Get well soon." Wika ko.

"Huwag!" mabilis na tugon niya sa akin. Ngumiti ako ng di sinasadya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin.  Pakiramdam ko tuloy na gusto pa niya akong kausapin ng matagal.

"Mas gusto kong kausap ka harap-harapan kaysa sa ganito. Kaya kailangan mo ng magpagaling. Inaamin ko na nag-aalala ako sa iyo. Yung kaibigan mo rin. Pero mas labas yung akin. Kaya kailangan mo ng pumasok." Wika ko sa kanya.

"Mas buo ang ngiti ko kapag nakikita kita at nakakausap ng personal. Magpagaling ka na at uminom ka ng gamut mo. Huwag mong kalilimutan iyon." Bilin k okay Jessie.

"Sige ka. Kapag di ka gumaling pupuntahan kita riyan tapos hahalikan ko yung noo mo at pisngi hanggang sa mapunta iyon sa labi mo." Dugtong ko.

"Bawal ka rito sa amin! Ipapahuli kita sa gwardiya. Ilalabas ko yung aso namin tapos sisipain kita." Wika ni Jessie.

Mas lalo pa akong natawa sa kanyang sinasabi.

"Biro lang. Sige na magpagaling ka na. Ibabalik ko na itong cp sa iyong kaibigan at babalik na ako sa classroom. Gusto kong grumaduate. Pagaling ka. Love you Muwaaaah." Sabay baba ng cp.

Nakangiti akong ibinaba iyon. Si Jackie naman nakatingin lang sa akin at kilig na kilig sa sinabi ko. Wala naman dapat ikakilig doon pero ako rin di mapigilan ang sarili ko na kiligin.

"So mahal mo na kaibigan ko?" tanong ni Jackie sa akin.

Tumawa ako nga malakas sabay alis sa aking pwesto.

"Hoy Yael. Di mo pa sinasagot ang tanong ko." Sigaw niya sa akin.

Humarap ako sabay sigaw, "mahal ko na siya buhat na nagkakilala kami." Sabay takbo.

Pulang-pula ang mga tenga ko nang makita ko iyon sa salamin.

In love na ata ako?

Maybe?

Ay hindi... totoo na ito. <3 <3

My brainy pad POV

Ay sa wakas naka-update na rin. Sorry sa mabagal na update. Kung may suggestion po kayo o comment sige lang po. ^_^v Walang problema sa bagay na iyon ^_^

Pakiramdam ko marami na naman akong errors, pagpasensyahan na ninyo po ako ^_^v

Super thanks sa mga taong tumatangkilik na basahin at willing maghintay sa update. Super po talaga kayo.

Heart heart forever ko po kayo. More hugs and kisses <3 <3 <3 <3 <3

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon