KABANATA 17: Awwww

47 1 0
                                    

My Brainy Pad POV

[Whoooo  gusto ko pong magpasalamat sa mga bumoto ng aking kwento ^_^.  Hagisan kayo ng confetti... as in ^_^v]

[Super duper thanks talaga. Kung pwede ko lang kayong gawan ng fansign with matching gwiyomi style, ginawa ko na po v^_^v... kaya heto po ako ngayon nagpapasalamat talaga sa inyo ng marami.]

[ Biglang kwentista, hayaan ninyo po akong gumawa ng magagandang kwento po para sa inyo. Full powers! Daig pa ang 100 percent "kayoken" technique ni Gokou  at 100 pursyento ni Taguro Rawwwwrrrr]

[Clap clap clap! Chupchupchup.... Mwuuuuaaaawhhhh!! Salamat talaga po ^_^v]

Awwww

Xavier's POV

Kalilimutan ko na ba siya?

Hindi! Think positive! Kailangan maging positibo! Mahal ko si Jessie... mahal na mahal.

Kaso...

Siya na ang kusang lumalayo sa akin T__T

Hindi ako makaget-over kung paano yung trato niya sa akin kaning umaga T__T

Para tuloy akong nobody na sa kanya T___T

E kung... gawin ko kaya yung kanta ni Abra, yung gayuma.

Kalokohan na naman ang iniisip ko! Kailangan yung matino-tinong strategy.

Yayayain ko kaya siya sa isang date-- mamasyal sa Manila bay, pagmasdan ang paglubog ng araw.

Tatanggihan lang niya iyon panigurado -_-

Makauwi na nga lang. Wala rin akong ganang manood ng fliptop battle -_-

.

.

.

.

.

.

Para akong naglalakad sa kawalan. Hindi alam kung saan ako tutungo.

Parusa ito para sa akin pero gusto kong maayos ang lahat, second chance, ika nga.

Sabi nga nila kapag binigyan ka ng second chance kailangan ayusin mo kasi hindi rin naman napupulot iyon kahit saan. Iyon nga ang ginagawa ko kaso paano kung ang taong pag-aalayan ko ng second chance ay di niya tinatanggap. Paano ko pa aayusin iyon?

Unti-unting pumapasok sa utak ko yung rap song na pinakikinggan ko ngayon. Bagay na bagay sa akin. Tagos hanggang buto ang kahulugan ng kanta.

Sa pagsabit ng gabi...

Ay nawawala ang kaliwanagan...

At sa ating pagtatalo...

Ay wala ng pansinan.

Iniisip ko na minsan ikaw palagi ang simula...

Ng lahat ng pagtatalo kaya ko'to nagawa.

Iniisip ko ba minsan ng dahil sa kanya kaming dalawa ay naghiwalay? Kung tutuusin, ako naman ang nagkulang at hindi siya. Kaya dapat lahat ng sisi mapunta lang sa akin.

Ako'y kinokonsensya nan g lahat ng aking ginawa...

Tinatanong na lang sa hangin mapapatawad pa kaya.

Napahinto ako saglit at nagmuni-muni...

Mapapatawad pa ba niya ako?

Kaya siguro kusa siyang lumalayo kasi hindi niya ako kayang patawarin Y__Y

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon