KABANATA 39: Spy-up my life

40 0 0
                                    

Spy-up my life

Abigail’s POV

Nakakairita na ang nakikita ko! Puro na lamang siya siya at yung sila na hindi ko alam kung bakit kailangan nilang palibutan ang tulad niya. Anong meron sa weird girl na iyon? I mean she is nothing compares to me. Dah!

Dungaw na dungaw pa rin ako sa bintana at hinihintay ang susunod na mangyayari. Kainis yang baklusha na iyan! Niyaya na ako ng iilan kong frienships na mag-hang out sa mall pero nagpapa-extend ako ng kaunting oras. Isa isa silang nagsialisan  pero naiwan sina bading at yung ex ni Jessica.

“Baka naman sila?” Pabirong sabi ng isa kong kaklase. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya at tinuon ang aking tingin kay Zack na unti-unti ng lumalayo.

“Guys kayo na lang ang umalis. May pupuntahan pa ako.” Agad kong iniwan ang aking mga kaklase sabay kuha ng aking bag. Dali-dali akong bumaba at laking gulat ko na lang na si sir Chris ang aking nakita. Patungo ata siya sa gym. Napansin ko sa kanya  ang lungkot ng maamo niyang mukha. Tila may iniisip. Babatiin ko na nga sana siya kaso napansin ko na patungo siya sa gym at nagmamadali. Sumunod na lamang ako at inobserbahan siya. Tulala siya at di pinapansin ang mga players niya. First time kong manood sa practice ng basketball team. Halos may itsura ang mga player pero siyempre kay Zack pa rin ako kahit anong mangyari.

“Foul iyon.” Sabi ng isip ko pero di pa rin pinansin ni sir Chris. Biglang lapit ng isang player kay sir. Hindi nagtagal nagdesisyon si sir Chris na ipagpaliban muna ang praktis. Lahat ng player niya nagsialisan pero siya naiwan nag-iisa sa gym. Mga ilang minuto lang siya nagtagal at nagdesisyon din siyang umalis. Hindi na rin ako nagtagal at umalis na rin ako. Wala rin naman akong gagawin kung magtatagal lang ako.

Wait! Si Jessica iyon ha! Laking gulat ko na lamang na hinabol siya ni sir Chris. Ako naman itong tsismosa at agad nagtago malapit sa kanila. Pilit na hinaharangan ni sir ang dinadaanan ni Jessica. Halatang ayaw ni Jessica na kausapin si sir Chris. Lamapit pa rin si sir Chris at sa pagkakataon na ito may pinag-uusapan sila na di ko masyadong marinig. Lumapit ako ng kaunti para marinig kung anuman ang kanilang pinag-uusapan.

Parke? Magkikita sila bukas sa parke? Abot hanggang tenga ng marinig ko iyon. Para tuloy gusto kong pumunta at alamin kung anong meron bukas sa parke.

Nga pala…

Sila na ba?

Ohhhh… teacher-student relationship. Magiging trending ito kung i-tsitsismis ko bukas.

Bukas? Ay di na kailangan ipagpabukas pa. Now na!

Agad kong kinuha ang aking cp sabay capture sa moment nilang dalawa. Hindi lang scoop… malaking kwento ito. Nagpapasalamat ako sa aking daddy kasi android ang phone na binili niya sa akin. May FB at twitter in an instant. Agad akong nagbukas ng FB pero instead na account ko ang aking gamitin nagbukas ulit ako ng panibagong account. New identity ika nga. Siyempre gawa-gawa ng pangalan picture at profile. Nang matapos na, agad kong pinost ang nakuha kong picture.

“Look what I see <3”

Nice ang naging caption ko. Hihihi. Agad akong nag-add ng ibang kakilala ko. Siyempre ginawa ko ng public ang gawa-gawa kong account para lahat sila e ma-access nila ang aking profile. Hindi pa naman ako nababaliw para i-add ang aking sarili. Dah! Ayaw kong mabuking!

Biglang alis nila at saka ako lumabas sa aking lunga. Agad akong napatawag sa isa sa mga malapit kong kaibigan.

“Girl! Hindi ka maniniwala sa aking nakita kanina. Si sir Chris at si Jessica as in nakita kong nag-uusap. Sila lang talaga ha.” Wika ko.

“Anong bago roon. E teacher naman si sir Chris at estudyante lang naman niya si Jessica?”

“May teacher bang hahabulin ang estudyante at pilit haharangan ito tapos magkikita sa parke bukas.” Tugon ko.

“OMG.” Wika ng aking kausap.

Too the highest na ang aming chikahan. Sumunod na lang daw ako sa lugar kung nasaan man siya ngayon at doon ipagpatuloy ang aking kwentuhan. Game na game naman ako kaya agad kong binaba ang aking cp at ipinasok ito sa aking bag.

Hindi na ako makapaghintay na dumating ang bukas. Excited na talaga ako kung ano ang pwedeng mangyari kay Jessica. Ano kaya ang magiging reaksyon din ni sir Chris? Ang dami kong iniisip . Baka di ako makatulog mamayang gabi nito. Hahahahaha

“Ha! Sorry ka Jessica! Ako ang kinalaban mo kasi!” bulong ko sa aking sarili.

Agad akong umalis na may kakaibang ngiti sa aking mukha. Ini-imagine kung anong eksena ang aking masasaksihan bukas.

MY BRAINY PAD POV

Unang-una… sorry kung natagalan ako sa aking UD. Sa dami ng aking ginagawa hindi ko namamalayan na may dapat pa akong asikasuhin bukod sa aking trabaho. Pangalawa, salamat sa mga taong tuloy pa rin sa pagbasa nito. Lubos ang aking pasasalamat sa inyo. Big hug =^^=

More UD to come. ^_^v

Vote…comment… suggest lang po kayo sa akin…. Willing po akong makinig ^__^v

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon