KABANATA 45: Susuko na ba?

24 0 0
                                    

Susuko na ba?

Zack's POV

“Walang masamang ginawa si Jessie sa iyo. Wala siyang inagaw at higit sa lahat hindi siya gumagawa ng kwento na ikasasama mo. Kaya pwede ba Abigail stop telling lies! Leave her alone!” Sabay iwan kay Abigail.

Hindi ko alam sa babae na iyon kung bakit inggit na inggit siya kay Jessie. Wala rin naman ako sa lugar para magalit ng husto kay Abigail pero hindi ko kayang tinitira ng talikuran si Jessie ng ganun.

Inaamin ko na nagseselos ako sa nangyayari. Lalong-lalo na sa sinabi ni Abigail kanina sa classroom. Parang may kung anong kutsilyo ang nakatusok sa aking puso.

Totoo kayang gusto ni Yael si Jessie?

Si Jessie kaya gusto rin siya?

Ibig sabihin nito hindi na talaga sila magkakabalikan ni Xavier.

Ako? Magugustuhan ba niya ako?

Para tuloy akong contestant. Kailangan manalo sa qualifying game tapos manalo sa weekly final para umusad sa grand final. Ngunit wala akong kasiguraduhan na ako ang mananalo kahit na panay ang usad ko patungo sa grand final. Sa huli hindi mapapasaakin ang kanyang puso.

Huminto ako saglit at dumungaw sa isang bintana. Tinitigan ang ulap at napabuntong-hininga. Kakalimutan ko na ba siya? Susuko? Hindi. Hangga’t di ko alam ang sagot hindi ako lalayo sa kanya.

Nagtungo ako sa roof top para magngilay-ngilay. Sakto at andoon si Yael, tumatambay. Nakahiga sa isang gilid at nakatingin sa ulap.

“Cutting classes?” Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin sabay ngiti. Umupo ako sabay gaya sa kanya. Pinagmasdan namin pareho ang pagalaw ng mga ulap at kung paano nagbabago ito ng anyo. Biglang inat ni Yael sabay tayo. Napatingin ako sa kanya at tinanong siya tungkol sa pagtingin niya kay Jessie.

“Hmmmm… Ano nga ba?” Tanong ni Yael sa kanyang sarali.

Napakunot ako ng noo. Hindi ako sigurado kung niloloko ako nito o walang balak seryosohin ang naging tanong ko sa kanya.

“Seryoso ako sa kanya.” Wika ko sa kanya. Napangiti lamang siya sa akin. Yung ngiti niya na konti na lang maiinis na ako’t mababanatan ko na siya.

Tumingin siya sa malayo sabay wika kung bakit ako nagtatanong ng ganoon.

“Mahal ko siya sa simula pa lang na nakilala ko si Jessie. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo kay Jessie. Basta totoo ako at di magbabago ang nararamdaman ko.”

Uminat siya sabay tumbling at tingin sa akin.

“Kung sasabihin ko sa iyo ang totoo, iiwas ka na kay Jessie?” tanong ni Yael sa akin.

Hindi ako nakaimik ng ilang segundo bagkus tumayo at tumgin din sa malayo. Pinagmasdan ko ulit ang pagalaw ng mga ulap sa langit.

“Umamin ka man hindi pa rin ako titigil. Itutuloy ko pa rin ang pagmamahal na nararamdaman ko.” Tugon ko kay Yael.

Tumawa siya ng malakas. Tumawa siya ng tumawa hanggang sa napatingin siya sa langit. Laking gulat ko sa kanyang sinigaw.

“Mahal kita Jessica Sandoval! Mahal na mahal kita Jessica Sandoval! Mahal na mahal.”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Lumakad siya papalapit sa akin at tinapik ang aking balikat.

“Mahal natin siya pareho pero di natin hawak ang kanyang puso.” Sabay alis ni Yael.

May kung ano sa utak ko na nagsasabi na kailangan ko ng sumuko. Tutal halata sa kanyang kinilos at sa kanyang sinabi na rin na gusto niya si Jessie. Pero yung puso ko sumisigaw na lumaban pa ako. Lumaban sa tunay kong nararamdaman.

My Brainy Pad POV

Another update. Very productive ako ngayon. Bakasyon kasi. Sana nagustuhan ninyo ang pag-update ng aking kwento. Feel free na magbigay kayo ng komento o di kaya suggestion. Willing po ako na makinig sa mga ipapayo ninyo sa akin ^_^

Napapa-wow ako sa nagiging takbo ng aking kwento.

Marami pa akong balak at marami pang mangyayari sa takbo ng mga karakter sa aking kwento.

Maraming aminan.

Marami bang masasaktan? Tignan natin ^_^

Sa ngayon guys i-enjoy ninyo ang inyong bakasyon.

Keep your cool ^_^v

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon