KABANATA 3: Sa isang sulyap sa bintana nangigil ako bigla.

81 3 0
                                    

Sa isang sulyap sa bintana nangigil ako bigla

Zack's POV

"Zack what do you want for your lunch?" Asked Abigail.

She keeps asking me the things I want. I just reply it with a smile.

"Just wait me here. I go buy your food." She stood up and went out to our classroom.

.

.

.

.

Hindi ko matanto sa babae na iyon kung bakit panay ang English sa akin. Nakakaintindi naman ako ng tagalog.

Sa tuwing break namin panay ang dikit ng babae na iyon. Halata sa kanya na patay na patay siya sa akin.

Problema nga lang ayaw ko sa tulad niya.

Aaminin ko na maganda siya pero mapagmataas.

She keeps bragging her new shoes, new outfit, ang pagiging close niya sa akin at kailangan ka-level mo siya kung gusto mo siyang maging kaibigan.

Nakakainis lang ang ganoong babae pero hindi ko rin matulak-tulak palayo sa akin. Ayaw kong lumabas na nagtataboy ng kaklase.

At higit sa lahat siya ang tumulong sa akin nang unang dating ko rito sa school na ito.

Ilag ang mga kaklase ko noon, baka hindi ako magtagalog.

Four months ago nang pinakilala ako ng aming adviser sa harap ng aking mga kaklase.

Biglang tayo ni Abigail para maging volunteer na i-tour ako sa buong campus.

Hiyawan lahat ng tao. Kilig sila ako naman panay ang ngiti.

Bigla kong nabaling ang tingin ko sa bintana.

I saw a girl looking blankly outside the window.

Biglang napatingin ang mata niya sa mata ko.

Shock! I can't breathe.

Simple yet... she captivated me.

"Mr. Atienza may extra seat sa likod ni Ms. Sandoval, doon ka umupo."

Agad akong naglakad patungo sa likod.

Nadaanan ko siya at bigla akong huminto para magpakilala sa kanya.

Hi! I'm Zack Atienza, what's yours?

Biglang singit ni Abigail. Kaasar naman!

She's Jessica, may sariling mundo minsan. Minsan naman nagsasalita mag-isa.

Napatawa ako sa sinabi ni Abigail. Tapos nakita ko siya na parang nagalit sa naging expression ko.

"Sorry miss. I didn't mean anything."

Napatayo siya sa kanyang kinauupuan at sinampal ako.

That is the first time a woman slaps my face so hard.

"Ma'am! Ayaw ko sa pwesto na ito may kuliglig sa likod ko." Wika ni Jessica.

Kuliglig? Ano yun? Tinanong ko si Abigail sa bagay na iyon.

"It means cricket. But for her noisy person." Tugon ni Abigail

I smile and put my bag on my desk.

Hindi na siya nakapagreklamo kasi ayaw siyang ilipat sa ibang upuan ng aming adviser.

"Let's be friends" wika ko sa kanya.

"Friends mo mukha mo!" Tugon ni Jessica sa akin.

Nakakatuwang babae pero gusto ko agad siya.

Gusto kong makilala ang tulad niya.

.

.

.

.

.

Nakakatuwang balikan ang araw na iyon.

Hanggang ngayon hindi pa rin niya napapansin ang tulad ko. Yung mga patama ko sa kanya parang tumatagos lamang sa hangin.

Last Monday I brought my guitar and I played my favourite song to her.

I take one step away...

And i find myself coming back...

To you...

My one and only...

One and only you.

Biglang singit ng kaibigan niyang bading.

Panay papuri sa akin. Hindi ko tuloy natapos ang buong kanta.

.

.

.

Biglang alis naman niya kanina kaya hindi ko siya nayayang sabay kami mag-lunch mamaya.

.

.

.

Tumayo ako sa aking kinauupuan para makita ang paligid sa labas ng bintana.

Hindi ko inaasahan ang makikita ko sa ibaba- si Jessica kausap ang coach ng men's basketball- si sir Chris.

Biglang nanikip ang dibdib ko.

I grasped my hand so hard.

Ang saya niya. Don't tell me she likes coach Chris.

Biglang alis niya.

Si sir Chris napapangiti rin.

Sila ba?

May gusto ba si sir sa kanya?

Paano na ako niyan?

Higit sa lahat...

Ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon