KABANATA 37: Settled na!

60 0 0
                                    

Settled na!

Jackie's POV

Ay naku! Ini-stress mo na naman sarili mo!” sabay batok kay Jessie.

Hinila ko ang kanyang kamay para di kami ma-late sa aming klase. Ayaw kong maging poste sa labas ng classroom noh kaya kailangang magmadali. >.<

Habang naglalakad, panay ang salita ko tungkol sa kanyang nararamdaman. Confirmed na kaya bakit kailangan pang i-deny to death. Hihihihi… kilig much. XD

“Girlash… huwag mo na kasing labanan ang tinitibok ng iyong puso. Hayaan mo na kasi ang sarili mo na umibig sa kanya. Okay naman ako kahit siya ang makatuluyan mo. Mahal mo na nga siya. Ayaw mo lang umamin.”

Bigla na lamang napabitaw si Jessie. Titig na titig sa akin.

“Hindi nga?” tanong niya.

Naman! >_____<

“Kalurke much ka girlash. Napasigaw ako bigla nang nagdadalawang isip pa rin si Jessie sa tunay nitong nararamdaman para kay Yael. Halata na kasi tapos ayaw pang umamin.

“Hindi ako puwedeng umamin kasi nga pareho ko yun nararansana kapag malapit ako sa lalake. Halimbawa na nga lang kay Zack.” Wika ni Jessie.

Naman ‘to e! Pinapasakit lang niya ulo ko. >.<

“Okay bigyan kita ng eksena etech. Hmmm… paano si Xavier? Kahit na mag-ex kayo, pwede pang muling ibalik ang pagtitinginan. Don’t tell me kapag naging close kayo ni Xavier magiging ganoon ang mararamdaman mo. Para ka tuloy may phillia etetch.”

Napakunot ng noo si Jessie.

“Anong phillia?” Tanong niya sa akin. O.o

“Ay parang di ka nag-aral ng English. Di ba ang phobia takot tapos phillia mahilig so yang nararamdaman mo ay pwede kong ihalintulad sa isang phillia. Parang… boyphillia. Yung tipong mahilig sa lalake.”

“Ano! Anong mahilig ka riyan! Hindi ako nangongolekta ng lalake Jackie!” Tugon ni Jessie.

Napahalakhak ako bigla. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong ipunto sa kanya. :D

Kung sa bagay, sa mga lalakeng pumapalibot sa kanya, litong-lito na siya. Hahahaha :D

Hmmm… kailangang makaisip ako ng paraan para malaman ko kung sino ang makakatuluyan ng kaibigan ko. Bongga! This is a job for superbeshie. Taray! XD

.

.

.

.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon