KABANATA 48: Kung Puwede Lang Naman

31 0 0
                                    

Kung Puwede Lang Naman

Jessie’s POV

Pagtunog ng alarm clock sabay bangon sa aking kama, tinupi ang kumot at inayos ang mga unan. Hindi na ako nahihilo at pakiramdam ko rin wala na rin akong lagnat. Yes! Pwede na akong makapasok nito. Kinuha ko agad ang aking tuwalya sabay ligo. Gusto kong dumating ng maaga sa skul at supresahin si Jackie at yung iba ko pang kaklase.

Pagkatapos maligo, agad akong nagbihis at inayos ang aking sarili. Nag-ayos ako sa harap ng salamin.

“Kailangan smile lang Jessie.” Bulong ko sa aking sarili. Umikot ako sabay pose. Ikot ulit at wacky naman. Magaling na nga ako. Kinuha ko agad ang aking gamit at bumaba.

“Morning people!” Napalingon ang nanay ko nang makita niya ako.

“Jessie talagang walang masakit na sa iyo?” Tanong ng mabuti kong nanay sa akin. Napangiti ako sabay yakap sa kanya. “Okey na okey na po ako.” Umupo ako at sumabay sa kanila para mag-almusal. “Kung nakaramdam ka ng pagkahilo punta ka agad ng clinic ha.” Bilin niya ulit.

Nang matapos agad akong nagpaalam sa kanilang lahat. Lahat sila may goodbye kiss sabay big hug.

This is it! Makikita ko na silang lahat. Smile lang Jessie. Wear your beautiful smile.

Ang gaan ng aking pakiramdam. Mas gusto ko ang ganitong feeling. Kapag kasi may sakit ako pakiramdam ko ang lonely ko. Kisame lang ang nakikita ko at wala akong makausap man lang. Yung tipong kadaldalan. Sanay na ako na tsinitsika ni Jackie ang mga trending sa loob ng iskul. Kahit tungkol sa mga guro naman hindi niya pinapalampas. Speaking of teacher alam kaya ni sir Chris na nagkasakit ako? Nag-alala kaya siya.

“Ay! Jessie! Erase! Hindi na siya pwede! Madala ka na!”

Tumingin-tingin ako sa aking paligid. May mga tao akong nasasalubong na nagja-jogging.

“Morning po.” Bati ko sa isang babae na dala-dala ang kanyang alagang poodle. Ngumiti lamang ang babae at nagpatuloy sa kanyang pagja-jogging.

May nakasalubong din akong mamang naglalako ng pandesal. Huminto siya’t inalukan ako. Tumanggi ako na may ngiti sa aking mukha. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad hanggang sa marating ko ang paradahan ng dyip papunta sa aming paaralan. Nang dumating agad ding napuno ang dyip at di na nagtagal sa paradahan. Kakaunti lang ang nakikita kong estudyanteng naging kasabayan ko. Maaga pa kasi. Trip ko lang talagang supresahin silang lahat.

“Ma, bayad po. Isang estudyante.” Tumingin yung mama gamit ang kayang rear mirror. Feeling ba niya nagsisinungaling ako.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon