KABANATA 49: Sa'king Puso

31 0 0
                                    

Sa'king puso

Zack’s POV

Kung magiging panaginip lang ang nararamdam ko para kay Jessie baka humiling ako na hindi na ako magising pa. Yung tipong kasama ko siya paratin. Yung ngiti niya para lamang sa’kin. Sabay naming hinaharap ang bukas. Mga ganun ang gusto kong mangyari sa aking panaginip. Kung mangyari man iyon sa totoong buhay ikatutuwa ko pa lalo.

“Jessie… Jessie… Jessie…” tinatawag ko ang kanyang ngalan talaga.

“Jessie… Jessie… Jessie…” Hindi mapigilan ng aking puso na tawagin ang tulad niya.

Sa aking panaginip may kung sinong lalake ang humihila sa kanya papalayo. Pilit ko silang hinahabol. Ngunit hindi ko sila maabutan. Ang layo na nila. Ang layo-layo na.

“Bakit Zack?” Napakalma ang aking puso nang marinig ko ang isang boses na kabisado ng aking puso.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Siya yun. Siya na sinisigaw ng aking puso.

“Gusto kita. Gusto talaga kita.” Dahan-dahan ko minulat ang aking mata at kaming dalawa’y titig na titig sa isa’t isa. Ang mukha na gusto kong makita sa aking panaginip at sa aking pagising. Mulang-mula ang kanyang mga pisngi.

“Kanina ka pa gisong no? Inangat ko ang aking uluhan sabay inat.

Napadungaw ako sa bintana n gaming classroom. “Ang aliwalas ng panahon.” Wika ko. Napatingin din si Jessie. Hindi ko magawang hindi tumingin sa kanya. Alam kong imposibleng magustuhan niya rin ako ngunit hindi ko mapigilan na magustuhan siya.

“Magbago man ang panahon hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo.” Nagkatitigan ulit kami. Tunay ngang siya ang tinitibok ng aking puso. Hindi ko magawang ilihis ang aking tingin sa kanya kahit na kinakabahan ako.

“Hindi ko alam kung sino ang nandiyan sa iyong puso. Basta kung sinuman iyan gagalangin ko iyon. Ang hinihiling ko lang huwag ka sanang lumayo sa akin.” Matagal siyang hindi nakasagot. Sa tingin ko nagiging pushy ako masyado sa kanya.

Pinipilit niyang tumugon sa aking sinabi. Hindi lang niya mahanap ang tamang salita na kanyang sasabihin sa akin. Siguro ayaw lang niyang masaktan ako sa mga salitang kanyang bibitawan.

“Masyado yata akong naging demanding. Sa tingin ko iiwas na lang ako sa iyo.” Tumawa ako kahit na nakakalungkot isipin na kailangan kong lumayo sa babaeng mahal na mahal ko.

Isang kamay ang pumigil sa akin na akin namang ikinagulat. Yung hawak na nagpaparamdam sa akin na kailangan niya ako. Kailangang nasa tabi lang niya ako.

“Hindi solusyon ang pag-iwas. Ayaw kong umiiwas ang mga kaibigan ko.” Wika ni Jessie sa akin.

“Sa tingin ko kailangan mo ng maging totoo sa iyong nararamdaman. Mahirap kasi. Pakiramdam ko ayaw mong may nasasaktan.” Tugon ko sa kanya.

Napabitaw siya sa kanyang pagkakahawak sa akin. “Nakakatawa ka talaga Jessie.” Kinuha niya ang kanyang panyo sa kanyang bulsa sabay punas sa kanyang pawisang mukha. Hindi ko napigilan ang aking sarili. Hinawakan ko ang kanyang mga pisngi Sabay tingin sa kanyang mga mata. Unti-unti kong nilapit ang aking mukha sa kanya. Si Jessie titig na titig sa akin.

“I will treasure this moment even if this will be our last.” Sabay ngiti sa kanya. Bigla na lamang napalingon si Jessie nang tinawag ni Jackie ang kanyang pangalan. Agad siyang napatayo at niyakap ang kanyang kaibigan.

Nagdesisyon na ako. Maghihintay ako sa kanya. Hindi naman masama. Hanggang kaya pa ng puso ko maghihintay ako.

Sana makaya pa.

My Brainy Pad POV

Sa wakas naka-update na rin. Hay busy na talaga at minsan naman naba-blangko ang utak ko kaya di nakaka-update.

Salamat sa mga taong walang sawang nagbabasa ng aking kwento. Super hug po sa inyong lahat. Salamat ng marami talaga.

Sina C, eX, Y, and Z: Kwentong pag-ibig ni J. Sino kaya sa kanila?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon